Chapter 6

280 4 2
                                    

Megan and Ate Kayla on the side ---->

Ended & Over

"So do you have any news about him?" Napatitig ako kay Bets na ngayon ay nagtatanong. I knew it ! I can still remember everything..

Matagal kong tinitigan si Bets na ngayon ay naghihintay ng sagot ko. Parang nangyari lang ang lahat kahapon. Ni hindi ko naalis yun sa isipan ko.

"It's been what ? 5 years? Bets di ka pa rin ba nakaka-move on sa kanya?" Nanunuri ang tingin niya.

"I have .. I'm better .. " Iniwas ko ang tingin kay bets kasi natatakot ako na baka mabasa niya kung anuman ang totoong naiisip ko, yung nararamdaman ko... Bumuntong hininga ako saka luminga-linga sa paligid. Parang ang awkward kasi nagkukwento kami sa publikong lugar. Andito kami ngayon sa may Café Puccini sa tapat ng building ng pinagta-trabahuhan namin.

Hindi ko alam pero baka kasi nasa malapit lang si Ate Kayla, Baka marinig niya ang pinagku-kwentuhan namin.

"Bets, sa tingin mo pag nagkita kayo ngayon? Mangingitian mo na siya na parang walang nangyari nung highschool kayo?" Tanong ni Bets habang sinisipsip niya ang inorder niyang mocha frappe. Hinintay kong matapos siya bago ako nagsalita.

"Ewan ko.. " Tanging sagot ko sa kanya.

When we drifted apart, Nag-try akong mag-focus sa ibang bagay. I pursued writing, which is my first love. Dun ko ibinuhos ang lahat ng naramdaman kong sakit. I even made a novel out of it. Akala ko nga makakagawa ako ng series dahil dito.

But thank God i didn't, Baka tawanan ko ang sarili ko pag binasa ko iyon ng paulit-ulit. Writing becomes my therapy. He admired me for being a writer.

Wait? Did i just thought about him?

Grabe naman kasi yung virus ni ate Kayla..

Naging maayos naman ang unang linggo ko sa pinapasukan ko. Kahit pa sabihing head ng team namin si Ate Kayla, Gumagawa ako ng paraan para lang makaiwas sa kanya. Syempre kakuntsaba ko si Bets, Pag hinahanap ako ni ate Kayla, siya na ang nagtatakip sa'kin. Pero paminsan-minsan nakikipagkita pa rin ako sa kanya para hindi.siya magduda na umiiwas ako.

Pasalamat na lang ako na hindi niya ipinapasok sa usapan ang tungkol sa’min ni Lester. May mga pagkakataon na mapapatitig na lang siya sa’kin saka ngingiti. Iniiwasan ko na itanong sa kanya kung bakit kasi baka makahanap siya ng way para mapag-usapan namin ang nangyari dati.

Nakayukyok ang ulo ko sa paperworks nang biglang kumatok sa glassdoor ko si Michelle.

“Meg, Pinapatawag ka ni Ms. Kayla sa office niya.” Dinungaw lang niya ang ulo niya, Ngumiti saka umalis na.

“What is it this time? “ Tanong ko sa sarili ko.

Tumayo na ako saka inayos ang sarili ko at nag-umpisang maglakad papunta sa office niya.

Kumatok ako saka pumasok nang marinig ko siyang magsabi ng “Pasok”

“Yes at-.. I mean mam? Ano pong kailangan niyo?” Tanong ko kay ate Kayla, Tinatawag ko siyang Mam kahit dalawa lang kami.

“Let’s eat “ Saka siya tumayo.

Let’s eat?

“Po ?” Tanong ko ulit.

“Lunch out tayo…” Tumingin siya sa relo niya saka tumingin ulit “Break time na e”

“Pero at-Mam , May tinatapos pa po kasi akong paperworks. “ Pagdadahilan ko kahit natapos ko naman na yun kanina pa.

When he fell for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon