Chapter 10

359 2 3
                                    

Naging maayos naman ang "Date" namin ni Lester. Hindi niya ako tinantanan hangga't hindi ko naubos ang pagkaing inorder niya para sa akin.

Naiilang pa rin ako pero gumawa siya ng paraan para makalimutan ko yung pagkailang ko sa kanya.

Nang matapos kaming mananghalian, Dinala niya naman ako sa isang arcade sa may Trinoma.

Ilang beses ko siyang tinanong kung bakit niya ako dinala dun. Pero paulit-ulit lang ang isinasagot niya.

"Para maalala mong pinaglaruan mo lang ang puso ko noon." Sabay tatawa at sasabihing joke lang.

Kinukurot ko naman siya ng manipis sa tagiliran para hindi na ulitin.

Wala na akong nagawa kundi magpatianod na lang sa mga gusto niyang gawin ngayong araw.

He even played that stupid thing with a claw para bigyan ako ng cute na stufftoy na galing dun sa loob ng machine. Na hindi ko naman hiningi.

Pero ipinipilit niya para daw sweet siya sa akin. Kasi nga pinaghirapan niya.

Nakakuha naman siya pero maliit lang. 

Nalungkot pa siya kasi nga maliit lang yung nakuha niya. He even uses bribery with those children na naglalaro para makakuha ng mas maraming tickets para maipapalit at makakuha ng malaking bear.

Pagkatapos niyang makipaglokohan dun sa claw machine. Hinila niya na naman ako sa kung saan. Gusto ko sanang maglakad ng mag-isa pero hindi siya pumapayag. Kailangan daw hawak niya ang kamay ko. Para hindi na daw ako ulit mawala sa kanya. Inirapan ko na lang siya, Tumatawa naman siya everytime na gagawin ko yun.

Pumasok kami sa isang store na puro damit , baso at kung ano-ano pang ka-cutean ang nakikita ko.

"Anong ginagawa natin dito?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Habang iginagala ko ang paningin ko sa paligid ng store na pinasukan namin. Nakita ko pang nakatingin yung mga saleslady sa amin. 

Again with his charms. Urggh ! 

Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko dahilan upang mapalingon ako bigla pero napaatras din agad ako ng makita kong sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Magpapakasal na tayo, Parating na ang pari dito" Seryoso niyang sabi.

Naramdaman kong bigla akong namutla. Pero nakita kong nagpipigil siya ng tawa kaya kinuha ko ang kamay ko na hawak niya saka siya binatukan.

Tawa siya ng tawa kaya pinagtitinginan na lalo kami ng mga tao sa loob ng store. Sa sobrang hiya ko, Kinurot ko ulit siya sa tagiliran para manahimik na.

"Aray naman baby, Hobby mo talagang saktan ako. Samantalang ako walang ibang gustong gawin kundi mahalin ka. " Sabay kindat at ngisi lang sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Kinuha niya ulit ang kamay ko na kanina ay hawak niya.

"Bibili lang tayo ng couple shirts, couple shorts, couple rings, couple bags, couple slippers at kung ano-ano pa yang couple na yan.Bibilhin natin" Sabi niya habang itinuturo pa ang mga bagay na pang mag-'couple' lang ang gumagamit.

Nalaglag ang panga ko ng marinig ko ang plano niya. Ano 'to?

Highschool?

Pa-cute? Anong trip nitong lalaking 'to ?

"B-bakit?" tanong ko sa kanya.

Nakita kong kumunot ng bahagya ang noo niya na parang hindi naintindihan ang sinabi ko. "Anong bakit? Babawi tayo!" Sagot niya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When he fell for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon