Chapter 5

349 4 5
                                    

Ate Kayla & Lester on the side --->

Let by gones be by gones

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa may malapit na upuan. Pinaupo niya ako at lumuhod siya sa harapan ko.

He cupped my face at pinunasan ang mga luha ko.

“Huwag mo na silang intindihin ha? Hindi mawawala sa’yo yung scholarship mo.Gagawan natin ng paraan yan. At hinding-hindi ako lalayo sa’yo. “ Ngumiti siya sa’kin “Kahit pa lumuha ka ng dugo. You’re stuck with me.” 

“Paano sila Faye at Valerie ? Kaya daw nilang tanggalin ang scholarship ko.” Napapaiyak na naman ako tuwing maiisip ko yun.

Nararamdaman kong kaya nilang gawin yun. Hindi ko alam kung bakit, Pero ramdam ko.

“Sila Faye ba at Valerie ang may gawa sa’yo nito? “ He clenched his jaw, at naramdaman ko na lang na dumiin ng bahagya ang pagkakahawak niya sa’kin. “May iba pa ba silang ginawa sa’yo?” Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong sabihin.

“Megan ! Ano pa ang ginawa nila sa’yo?” Tanong niya sa’kin.

“Wala .. Hayaan mo na Les “ Pilit niya akong pinapaharap sa kanya.

“Malalaman ko rin kung ano pa ang ginawa nila sa’yo. Sa ngayon kailangan ko lang munang sabihin ‘to sa kuya ni Faye. He’s my friend. Kung ano man ang kayang gawin ni Faye dito kayang baliin ni Rafael yun. Kaya wag ka ng mag-alala Baby ko ha?" That "baby" is making my knees tremble. Nanlalambot ako. Pinunasan niya ulit ang pisngi ko. Saka ngumiti sa'kin. Niyakap niya ulit ako sabay sabing "Tahan na .. " 

Humiwalay siya sa'kin saka tumayo at hinalikan ako sa ulo. Kinuha niya ang kamay ko at Pinatayo ako.

“Now let’s go. Di pa tayo kumakain. Kanina pa kita hinihintay hindi ka man lang nagte-text sa’kin. Nagugutom na rin ako.” Ngumiti siya ng marahan sa’kin.

Tiningnan ko ang relo ko. Ala una na pala. Wala na halos estudyante sa quadrangle namin. May klase na kami. May klase na rin siya.

“Teka! Diba may klase ka na ? Pumasok ka na. Dito na lang muna ako magpapahangin muna. “

Huminto siya sa paglalakad.

“Gusto mong iwan kita dito? No! Di kita iiwan mag-isa dito. Paano kung balikan ka nila Faye dito? Tara na ! Sabi ko naman sa’yo hinding-hindi ako lalayo sa tabi mo diba ? Hinintay kita dito. Kahit namumuti na ang mga mata ko tas pinapaalis mo lang ako? No Way ! Kakain tayong dalawa.” Seryoso niyang sabi. Napangiti ako.

Hindi pa rin ako makapaniwala na mahal niya rin pala ako. Kung dati mahal ko lang siya , Ngayon mas mahal ko na siya.

I never realized how much I love this boy until he confessed.

Hindi niya daw ako papakawalan.

Hindi din daw siya lalayo sa’kin kahit pa lumuha ako ng dugo.

God ! I love him so much na parang gusto ng lumabas ng puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang saya. Hindi ko ma-contain ang emotions ko. Nagsimulang dumaloy na naman ang mga luha ko. Nag-iwas ako ng tingin ..

“H-hey ! Why are you crying again ? May nasabi ba akong mali?” He’s doing it again. Pilit na naman niya akong pinapatingin sa kanya. Laging niyang gustong tingnan ang mata ko.

“N-no ! Wala naman. Napuwing lang ako. “ Nakatungo kong sabi at pilit iniiwas ang mga mata ko sa kanya.

Pero nahuli niya ang mukha ko saka iniharap sa kanya.

When he fell for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon