Chapter 3

364 2 0
                                    

Megan & Maimai on the side --->

Pagputi ng uwak

 

"Abah teka nga muna? Magkakilala kayo?" Tanong ni Maimai sa'min habang tila naguguluhan siya sa nangyayari.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Paano ko sasabihin kay bets na ...

"Yes magkakilala kami! Ako ang ate ng boyfriend ni Meganda, In short ako ang future Sister-in-law niya " Proud na sabi ni Ate Kayla

Namutla ako lalo sa mga pinagsasabi ni ate , Napatingin ako kay Maimai na ngayon ay nakatingin na rin sa'kin at nagtatanong ang kanyang mga mata

"A...a... e teka lang po ate. Hindi ko naman po naging boyfriend si Lester. Never naging kami nun." Palipat-lipat ang tingin ko kay Bets at ate Kayla

"Lester ? Siya rin ba yung gagong nanloko sa'yo bets?"

"A... e.. teka lang naman bets. Mali, hindi .. ahmmm ... mamaya na natin pag-usapan bets ha ? Magtrabaho muna tayo.." Humarap ako kay ate Kayla na ngayon ay parang naguguluhan na nakatingin sa'kin  ".. ahhmm ate Ka.. este Madam. Balik po muna kami sa trabaho ha? .. at na-miss ko rin po kayo .. sobrang miss " malungkot kong sabi

Hinila ko na palabas si Bets kasi nakatulala pa rin siya sa loob ng office ni Ate Kayla.

Hinila ni Bets yung siko niya na hawak hawak ko ngayon.

"Bets ano yun ? Sinong Lester yun? Siya yun di ba ? siya yun?" Tanong ni bets sa'kin ..

"A... bets.. trabaho muna tayo please ? First day ko e .. ayoko namang masira ang una kong araw dahil lang dito hatid na kita sa office mo ha?" Tiningnan niya muna ako ng matagal bago siya nagpahila sa'kin.

Parang ang haba ng nilakad namin papunta sa opisina niya.

Hindi ako mapakali.

Hindi ko alam ang isasagot ko kay Bets pag nagtanong na siya sa'kin.

Ang tanong , handa na ba akong magkwento tungkol sa nangyari nung gabing yun?

Kaya ko na bang balikan yun?

Naaalala ko pa ba ang buong detalye sa nangyari sa'kin nun?

Natakot akong tanungin sa sarili ko ito. Dahil alam ko kung ano ang sagot.

OO nataandaan ko lahat.

Kayang-kaya kong i-kwento yun ng walang hintuan.

Hindi ko naman kasi talaga nakalimutan.

Hindi naman nawala sa isip ko yun. Tumatak na yun.

Pakiramdam ko nasugatan ang buong pagkatao ko nun.

When he fell for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon