Chapter 2

485 4 0
                                    

Gemima on the side 

 

We meet again

 

“Meganun!!!! “ Tili ng bestfriend ko pagkababa ko pa lang sa sasakyan ng kuya ko. Boses pa lang niya alam ko na. Ni hindi na ako nakapag-paalam kay kuya dahil nainis na ako.

Napaismid ako ng marinig ko ang petname niya sa’kin. Bakit ba kasi nauso ang mga petname ?

“Gemima ! Ang aga-aga ha? First day ko kaya! Wag mong sirain ang araw ko utang na loob.” Nakanguso kong sabi.

“Meganun naman e. Namiss lang kita tsaka masaya lang ako kasi magka-trabaho na tayo.” Sabi niya habang niyayakap ako.

“Enough with the petname Gemima ! Nakakairita na.. Tsaka nakakahiya hello ?” Nakaismid na ko habang nagsasalita

“Ito naming bestfriend ko nakuuu ! O siya tara akyat na tayo. Hinihintay ka ng boss natin, Papakilala pa kita e.”

“Babae ba yung boss natin?”

“Oo, kinakabahan ka ba ? Naku ! Don’t be! Mabait yun. Tropa kami nun “ Sabi niya na may assurance.

“Sinong tao ang hindi kakabahan sa first day ha Gemima ?” Pagtataray ko sa kanya

“Tara na nga! Binilhan kita ng coffee .. Pampakaba lalo hihihi “. Aba’t nang-asar pa. Pero ang sweet talaga ng bestfriend ko.

Habang papaakyat kami sa escalator, Maraming bumabati sa bestfriend ko. Bukod sa “Medyo” boss siya dito e, Sadyang pala-kaibigan ‘to. Kahit sino nginingitian pa.

Bago kami makapasok sa loob , binati si Gemima ng isang babae na sobrang luwang ng ngiti. Kaibigan din niya pala ito. Nang makapasok na ako sa loob medyo nabigla ako Malaki ang Office namin, Bawat hilera may 5 tables na medyo magkakatabi. At hindi lang basta-basta table ‘tong mga ‘to.

Medyo may kalakihan din. Kumpara sa mga naiisip ko.

Umubo ng malakas si Maimai para kunin ang atensyon ng lahat ng nandun sa loob.

Pinakilala niya ako isa-isa, Lahat naman sila nakangiti sa’kin. Pwera dun sa dalawang babae na parang masama ata ang timpla ng umaga. Ni hindi man lang nila ako nilingon.

Binulungan naman ako ni Maimai na wag na lang pansinin kasi baka may dalaw lang yung mga yun kaya masama ang pagkakapinta ng mukha.

Matapos yun, Hinila na ako ni Maimai sa isang kwarto na hindi naman ganun kalaki. Kulay Green ang dingding at may malaking bintana sa likod ng upuan. Iginala ko ang paningin ko at nakita kong may sariling Refrigerator at aircon, meron ding coffee maker. Halos wala pang gamit sa loob nito  Tanging computer lang ang makikita mo sa lamesa. At printer na ubod ng laki. Magtatanong pa lang sana ako kung kaninong opisina ‘to nang mapatingin ako sa Table. Nanlaki ang mga mata ko pagkabasa sa mabigat na bagay na nakapatong dun.

When he fell for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon