Allianna Zianna Acosta's PoV
Ngayon ang araw ng party ni Aunt Rosa. Ewan ko ba kung bakit ko pang naisipang umattend eh hindi ko panaman sila ka-close.
Nabalitaan ko din na ang dapat isuot ay gown, mga pang red carpet ganon. Hindi ko nga maintindihan ang birthday party na to, ang gulo.
Bumili na si mama ng susuotin ko mamaya sa party, sabi nya yun daw ang suotin ko. Hindi ko alam pero hindi nag susuot ng mga mermaid dress si mama...
Ah basta ewan ko ba!
Maya maya ay start na ng party. Kakatapos ko palang maligo kaya inihanda ko na ang dadalhin at susuotin ko.
At syempre, hindi umalis ang magulang ko nang walang iniwan na duplicate key ng bahay at ang pang regalo sa apo ni Aunt Rosa.
Naka balot na kasi yung regalo nung ibinigay saakin ng magulang ko kaya hindi ko alam kung ano ang laman nun well wala akong pake.
Isinuot ko na ang gown na binili para saakin ni mama lara sa party. Ayokong ma late no. Baka sabihin ako na nga ang inimbitahan ako pa ang may ganang mag pa late.
( The Dress⬆ )
Pagkatapos kong masuot ang makating gown na to ay bumaba na ako. Nag johnson baby powder, eye liner at red lipstick lang ang make up ko. Yung buhok ko naman ay naka loosy braid.
Bumaba na ako at sumakay sa sasakyan na nag hihintay saakin na mag dadala saakin sa venue kung saan gaganapin yung red carpet party na yan.
Malawak naman yung bakuran ng bahay nina Aunt Rosa, bakit hindi nalang sila don nag party? Sayang pa tuloy ang lakas ni manong Ric kung pwede ko namang lakarin...
Nang makarating na ako sa hotel na ang pangalan ay HARA hotel ay pumasok na kaagad ako.
May sumalubong saaking babae na staff ata dito sa hotel.
"Maam, are you invited to the welcome party of Mr. Hayes?"
Na ningkit ang mata ko sa tinanong nitong babae.
"Would I be here in this stupid gown if I'm not invited!?" Sabi ko at halata sa tono ko na naiinis ako sakanya.
"I'm sorry maam enjoy the party..." Sabi nung babae at pinadaan na ako papasok ng event hall nitong hotel na to.
Malaki itong hotel na ito, parang hindi na nga hotel eh. Pano ba naman, ang lalaki ng bintana at pintuan. Kala mo palasyo. Dagdagan pa natin ng red carpet...
Bumukas ang malaking lontuan at binati ako ng nakakasilaw na mga ilaw, or should I say chandelier.
Nag sitinginan saakin ang mga tao na sobrang ang gagara ng mga gown. Yung iba nga halos wala nang damit.
Hindi ako na inform na strip party pala itong napuntahan ko, sana nag bra at panty nalang ako para pang miss universe ang entrance BONGGA!
Kumuha ako ng wine na nasa tray ng dumadaan na waiter at suminsim dito habang pinag mamasdan lang ang mga tao na nakikipag usap sa isat isa.
"Oh my? Ginger?"
At ito na po ang girl version ng anak ni Ares at Aphrodite na si Rosalinda Hayes...
Lumingin ako sa likod ko at nakita ko kung gaano sya kagulat kahit alam kong she's just faking it. Hindi naman sa rude ako pero ayokong nirereto ako kung kanino nino lang...
"Aunt Rosa! It's so nice to see you again! Thanks for inviting my family!" Masaya kong pahayag, salamat at hindi lumitaw ang pagka feyk kong tono ng pananalita...
"Yeah it's nice to see you again too! Oh later I will introduce you to my Grandson. Dustine Hayes the one of the eldest in my grandsons." Masaya nyang sabi.
Tumango lamang ako dahil hindi ko naman kayang tumanggi. Ang sarap ng wine na isini-serve ah!? Impernes! Magtatagal ako dito ng mga ilang oras.
"Oh! Look! He's already here! Come!" Sabi ni Aunt Rosa at dali dali akong hinila papunta sa kung saan mang parte nitong event hall.
"Dustine! Look who I have here!" Masayang bungad ni Aunt Rosa sa apo nya. Hindi ko kasi sya makita kasi naka yuko ako. Kinaladkad kasi ako ni Aunt Rosa...
Tumingala ako na sana pala ay hindi ko na ginawa. Na buwisit lang tuloy ako...
"You!?"
"You!?"
Sabay naming sabi habang naka kunot ang noo namin pareho. Panong hindi ako mabubuwisit, eh tong lalaki na to ang bumangga saakin kahapon!
"Oh? You two knew each other?" Tanong ni Aunt Rosa habang palipat lipat ang tingin saaming dalawa ng apo nyang tinadtad ng tattto, kulang nalang pati mukha, anit at talampakan ng paa nya palagyan nya ng tatto...
"No!"
"Yes."
Sabi ko no pero sya naman sinabi nya yes. Ank tong lalaking to? Feeling close? Epsi epsi? Pa bibo?
"He bumped me!"
"She bumped me."
Aba't!? Ako pa talaga ang nang bangga sakanya!? Kapal ah!? Ayaw nga dumikit ng balat ko sa madumi nyang balat na puro tatto eh!
"Oh~~~ well i'll just go there and have some conversation to my friends. Get along you both okay!?" Sabi ni Aunt Rosa at kumindat saakin...
"Bwisit tong epsi na to! Talagang ako pa ang pinag mukhang masama! Hmph!!!" Inis na sabi ko at nag cross arm.
"Tss, hindi ko kasalanan kung tanga ka." Sabi ni Dustine na ikinagulat ko ng husto. Kulang nalang lumuwa at malaglag ang dalawa kong mata para mapatunayan kong nagulat talaga ako.
"You understand me!?" Tanong ko at itinuro ang sarili ko.
"Malamang hindi ako tanga katulad mo..."
Punyeta talaga tong bwisit na to ang yabang at sobrang kapal ng feslak!!! Ang sarap pagulungan ng 3 wheeler truck!
"Ang yabang mo! Bala ka nga jan!" Sabi ko at aalis na sana ng hawakan nya bigla ang kamay ko.
"Kuya, ano na naman ba to? Hindi pa nga akk naka kaalis na mi-miss mo na kaagad ako?" Naka ngisi kong sabi at bigla namang umasim ang mukha nya.
"Dream on idiot, sabi ni Granny get along eh bakit ka kaagad aalis?" Sabi nya. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Get along ba ang ginagawa mo saakin? Nalalait mi ako eh!"
"Then let's get along..." Lumuhod sya with one bended knee at inilahad ang kamay nya saakin.
Halos malalag ang mata ko sa pinag gagagawa ng kulokoy na to.
"Care to dance?"
End of Chapter Seven
Sana Nagustuhan Nyo
Vote
Comment
And
Add To Your Reading List❤
BeautifullyTragic_01
BINABASA MO ANG
The Pain Of Choosing [COMPLETED-2019]
RomanceAllianna Acosta ay ang kanyang pangalan. Masaya na siya sa buhay niya ngayon. Walang gulo at pawang kasiyahan lang ang nagaganap. Pero paano kung bumalik ulit ang kinakatakutan niya? Paano kung bumalik uli ang taong pilit niyang kinakalimutan? Paano...