Flashback
Lahat sila umalis na at ako nalang ang natitira dito sa libingan ni lolo. I hate him... Galit ako sa lolo ko dahil iniwan nya ako. Alam nya na sya lang ang taong nag mamahal saakin pero iniwan parin nya ako...
I hate him... I hate all of you! Bakit sa dinami daming pwedeng pag bigyan ng kamalasan ay ako pang 10 years old na batang lalaki!?
Hindi na nga ako mahal ng mama at papa ko... Tanging si lolo lang ang nag mamahal saakin, iniwan pa ako!?
Pinapangako ko na darating din ang araw na magiging masaya ako... na balang araw ay pag hihigantihan ko din ang mga walang kuwenta kong magulang.
Ipapa mukha ko sa kanila na meron din akong karapatan na maging masaya na katulad ng iba!
6 years later...
16 years old na ako ngayon at kasalukuyang nag aaral sa Royal University kung saan puro mga mayayaman lang ang pwedeng makapag aral.
Hindi parin nawawala sa isip ko ang pag hihiganti, Oo, pinalaki at pinag aral ako ng mga magulang ko. Pero iyon ba ang gusto ko? They're doing this dahil alam nilang malapit na ang araw na mawawala na ang mga yaman nila...
Hindi ko tuloy maiwasang higpitan ang hawak ko sa lapis na gamit ko ngayon sa pag do-drawing...
Nawala lang ako sa pag iisip nung may humawak sa balikat ko kaya napa tingin agad ako sa babaeng iyon. She's gorgeous but I don't know her.
"Umm can I sit beside you?" Sabi nya at awkward na ngumiti saakin.
"Ahmm bago lang kasi ako dito sa University, so wala akong maka usap at ikaw ang unang nakita ko dito, so ikaw din ang unang in-approach ko." Mahaba nyang paliwanag.
Maganda sana kaso lang napaka daldal. Tumango ako sakanya at umusog para maka upo sya sa sheet na nilatag ko dito.
"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong nung babae. Kung makipag usap sya parang pambata ang pag uusapan pero isiniwalang bahala ko nalang.
"Hunter..." walang gana kong sabi habang pinag papatuloy ang pag guguhit ko. Lumapit sya saakin at tinignan ang ginuguhit ko. Namula ako ng naramdaman kong may malambot na bumubundol sa kaliwang kamay ko.
Mabilis ko itong tinignan at nakitang ano nya pala yun. Umusog pa ako sa right side ko pero ang tigas talaga ng mukha nung babae at umusog din, umusog ako ng umusog hanggang sa wala na ako sa sheet na nilatag ko.
"Ano ba!? Wala na ako sa sheet oh!?" Naiinis na sigaw ko sakanya na ikinangisi nya lang.
"Eh kasi naman tinitignan ko kung paano mag drawing eh! Gusto ko kayang matutong mag drawing dahil magaling lang ako mag paint!" Pag mamaktol nyang parang bata.
"Hindi ka pa ba papasok sa klase mo!?" Naiinis na tanong ko sakanya. Tumingin sya sa itaas at mukhang nag iisip kung meron nga ba syang klase.
"Honestly... hindi ko alam eh, paano ba malaman kung meron ako ngayong klase?" Nag tatakha nyang tanong saakin. Unbelievable! Tao ba tong kausap ko!?
"Haysst!! Tara nga!" Sigaw ko sakanya at tumayo. Nag lakad na ako papunta sa event board ng school dahil doon makikita ang mga honor, top, section mo, sino adviser mo at anumang etchenes!
BINABASA MO ANG
The Pain Of Choosing [COMPLETED-2019]
RomanceAllianna Acosta ay ang kanyang pangalan. Masaya na siya sa buhay niya ngayon. Walang gulo at pawang kasiyahan lang ang nagaganap. Pero paano kung bumalik ulit ang kinakatakutan niya? Paano kung bumalik uli ang taong pilit niyang kinakalimutan? Paano...