Chapter 10: No One...

77 3 0
                                    

 ~MEETING YOU IS THE BEST THING THAT EVER HAPPENED TO ME.... YET LEAVING YOU IS THE WORST..~

Jaynous POV

 ng maging abo na ang spy cam na yon ay dahan dahan naman akong bumaba sa bangko na kinatutungtungan ko.. 

ngunit ng pababa na ako ay nahagip ng mga mata ko ang isang mabilis at matulis na bagay na paparating sa akin..

kaagad akong tumalon pababa... 

agad na nabasag ang salamin.. nagsitalsikan ang mga piraso nito at tinamanan ang kanang paa ko.. ngunit di ko ito ininda..

at tiningnan ang panang pilak na papalapit na sa kinatatayuan ko.. 

mabilis namang tumakbo si shin at fier papunta sa akin upang pigilan ang pana at protektahan ako..ngunit alam kong hindi na sila aabot pa..

itinaas ko ang aking kamay at diretsong tumingin sa panang pilak.. sabay sabing

"glaciem"  

 at para bang huminto sa paggalaw ang oras.. at mula sa patusok ng pilak na pana hanggang sa dulo nito ay unti unti itong nagye-yelo.. kasabay ng paggatak-gatak at tila unti unti nitong pagkabasag..  bigla na lamang itong umilaw.. at sumabog.. kala mo'y mga cristal sa ere na kay gandang pagmasdan...

ngunit gaya ng iba.. naglalaho rin ito.. na tila ba'y hindi umiral sa mundo.. kasabay ng paglaho nito.. ay sya namang pagbalik ng pag galaw ng oras sa mundo...

"princess!" sabay na wika ng dalawa ng makalapit na sa akin..

"are you okay.." nag aalalang tanong ni kifier..

tumango na lang ako bilang sagot sa tanung nya..

"are you hurt princess.." tanong ni shin na nakahawak sa kamay ko.. 

iiling na sana ako ngunit na alala ko na natamaan ang paa ko ng mga piraso ng salamin.. 

nakaramdam ako ng kirot sa kanang paa ko.. kaya naman napangiwi ako.. tiningan ko ang aking kanang paa at nakita ko itong dumudugo..napatingin naman sa akin si shin sabay sa tinitingnan ko.. nakita nya ang dumudugong paanan ko.. kaya dali dali na akong pinaupo sa teachers table.. at sya naman ay dali daling lumuhod sa harapan ko at mabilis na tinanggal ang stilleto ko sabay lagay ng kanang paa ko sa hita nya..

 nakarinig kami ng mga yabag ng mga kalalakihan na patungo sa amin... ngunit marahil sa mga nangyari ngayong kasisimula pa lamang ng araw ay ipinagsawalang bahala na lamang namin ang mga ito.. at itinuon ang pansin sa sa aking paa na wala paring tigil sa pagragasa ng dugo.. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

VAMPIRE EMPIREWhere stories live. Discover now