A Christmas Day Special Story for everyone. ♥
Merry Christmas! Happy Holidays! :*
~~~
MOVING CLOSER
"Waaaah! Rina! Kasabay ko na naman siya! Hihihi." sabi ko sa best friend kong si Rina pagdating na pagdating ko sa room.
"Landi mo talaga Colette! Katabi mo na naman siya 'no?" tanong niya.
"HAHAHAHA! OO! Tabi kami! Dun sa likod ng fx! Grabeee. Crush na crush ko talaga siya!"
"Oo na, tama na. Aral-aral din. HAHA. Ang arte mo." hayy. Kahit kelan, panira ng moment 'to. Pero okay lang, hindi naman agad nasira. Hihi. :">
Super wide talaga ng ngiti ko nung araw na yun. Well, lagi naman eh. Kasi simula nung nagstart yung first sem namin, lagi kong napapansin na kasabay ko ang isang lalaki na hindi ko naman kilala. Pag sa gitna ako ng fx sasakay, andun siya. At pag sa likod naman ako sumakay, siya naman yung last na sasakay at magkatabi kami. *u*
Pero nung unang week, hindi ko lang pinansin. Dedma lang. Kasi baka nagkataon lang or whatever. Pero nung tumagal na ng 2 weeks at ilang months, napansin ko na talaga ng bonggang bongga. Parang may biglang naabnormal yung mundo at siya lang yung katabi ko lagi sa FX everytime na papasok ako sa school.
At isa pang weird ay everytime na magkatabi kami, laging tutunog yung MOVING CLOSER. Alam niyo yun di ba? Kung hindi, pakinggan na. Maganda yun, promise. =) So ayun na nga. Dahil nga pauso ako, ginawa kong theme song namin ang Moving Closer. Kaya everytime na naririnig ko yun kahit saan ako mapunta, ngingiti na lang ako na parang baliw dahil nga kinikilig ako. Ang gwapo kaya niya. *u*
Pero hindi din maiiwasan ang most embarassing moment ko sa kanya, at eto na nga yun...
Sa likod ako sumakay ng FX nun. Hindi na pumasok sa isip ko na dun siya uupo sa tabi ko since lagi nga siyang sa gitna uupo dun sa tabi ng bintana sa likod ng driver ang exact location niya. Pero nagulat ako nung bigla siyang sumakay. Nanlaki pa nga yung mata ko nun, at nung napatingin siya sa 'kin, agad akong umiwas ng tingin at nagreview na lang.
May quiz kasi ako nung araw na yun.
Pero sa sobrang antok ko, nakatulog ako. At dahil nga mayugyog sa loob ng FX, may tendency na kung saan-saan mapunta yung ulo ko. Sa kasamaang palad, napunta ito at nauntog sa balikat ng katabi ko. Sa tabi ng crush ko.
"Ouch!" sabi ko.
O____o
Oh no! Katabi ko siya! Nauntog ako sa kanya. Oh my! >__<
Dahan-dahan akong lumingon sa side niya at nakita kong tulog siya. >__< Wew! That was close. Kung hindi, sobrang nakakahiya talaga. Pero nakakahiya talaga! Bakit ba kasi ako natutulog? Colette~! Gising! Waaaa. (_ _")
Nakarating ako ng school at kinwento ako ang masamang pangyayari sa best friend kong si Rina. At sa halip na damayan ako, pinagtawanan pa ako ng lokaret na 'to.
"HAHAHAHA! Nakakahiya ka Colette! Pasalamat ka tulog si crush mo kundi, naku! HAHA! Natatawa ako. Naiimagine kita! Wahahaha." pang-asar niya.
"Sige! Pagtawanan mo ko. Nakakahiya na nga eh! Grabe ka, I thought you were my best friend. How dare you!" sumbat ko.
"Che! HAHA. Don't worry, pasalamat ka na lang talaga at tulog siya."
BINABASA MO ANG
My One-Shot Stories
Short Story[NASA PINAKALAST ANG NEW STORY *u*] Compilation ng mga Short Stories ko. =)) It's more on happy ending pero baka mag-add ako ng Tragic|Horror|Magical, basta pagfeel ko. *u* Basta! Enjoy reading! =))