Meron akong naging classmate. First time ko lang siya naging classmate nun. Matangkad siya at medyo payat pero may itsura naman. Pero ang weird lang kasi nung nagstart na yung class, halos lahat na ng classmates namin kinakausap niya, AKO na lang ang HINDI.
Hindi ko alam kung may saltik ba talaga siya o ano, basta pag nakikita ko siya sa room. Masaya siyang nakikipag-usap sa mga classmates ko. Ako, nakakausap ko naman siya pero bilang lang. Parang mga 5 seconds lang, ganun. Tapos medyo awkward pa. Hindi ko alam kung ako ba yung weird or siya. Basta parang ewan lang.
"Athena, pakibigay mo nga 'to dun kay JM. Kailangan niya 'to para sa experiment niyo." utos sa 'kin ng teacher ko. Oh yes, partners in laboratory kami. At grabe lang kasi naman, halos mapanis na yung laway ko. Kasi pag may sasabihin ako or itatanong ko, its either tatango siya, or iiling. My goodness. -__-
Bumalik na ko sa place namin at binigay ko sa kanya yung burner, "Uy JM, eto na yung burner natin. May maitutulong pa ba ako?" tanong ko sa kanya.
"It's okay. Kaya na 'to. Thanks." O__O At infairness! Mahaba-haba yung sinabi niya. Oo, mahaba na yan! Dapat na akong matuwa sa lagay na yan.
Tulad nga ng sinabi niya, naupo na lang ako at nagsagot na lang sa laboratory manual namin para naman kahit papano ay may pakinabang ako. Hayy. Kasi naman, I feel helpless. HAHA. Andrama. Habang nagsasagot ako, biglang nagkaanino yung papel na tinitingnan ko. Pagkaangat ko nung ulo ko, nakita ko siya na nakatingin din sa paper ko.
"Problem?" ako din! Magtitipid din ako ng salita! Mwahahaha. Kala niya siya lang! :P
"Pakopya?" sabi niya.
"Naman! Partners tayo eh. Osya, kopya."
"Thanks." OMYGOSH. Ngumiti siya? O__O Ang gwapo niya. >_<
Nakatitig lang ako habang nagsusulat siya, hanggang sa naisipan ko na magdaldal. Hindi ko talaga kaya eh, nasa nature ko na talaga ang pagiging madaldal.
"Ah... JM. Tanong lang ha, bakit ang tahimik mo?" tanong ko sa kanya. Hayy. Kasalanan ko bang curious ako? Haha.
"Hindi ako tahimik. Ayoko lang magsalita." sabi niya habang nagsusulat pa din.
"Pansin ko nga. Kasi sa klase natin, ako lang hindi mo kinakausap eh." sabi ko. Biglang napaangat yung ulo niya na parang nagtataka pa yung nasa mukha niya.
"Naguusap naman tayo eh. Di ba, Athena?" parang biglang nagtaasan yung balahibo ko nung nagsmile siya at binanggit niya yung name ko. This is the first time na sinabi niya yung name ko.
"Pilosopo ka ha." sabi ko na medyo nanginginig pa. Ngumiti lang siya at nagsulat na ulit.
Akala ko awkward na nun, pero nagulat ako nung siya na mismo yung unang nagaapproach sa 'kin. We became close. Kahit nga yung mga friends ko nagulat sa biglang closeness namin. Hindi naman kami best friends, close friends lang kami. Magkaiba yun di ba? =__=
Ayun nga. Natapos nga yung isang sem at hindi na kami naging magclassmate nung next sem. Kada nagkikita kami along the corridor, kadalasan smile lang tapos minsan kinukurot niya yung braso ko. Tapos yun na yun. Medyo busy kasi ako nun at palagi akong nagmamadali.
May mga oras na wala siya. May araw na hindi ko siya nakikita. At may ilang weeks na hindi ko siya nakita. Nakakamiss siya.
Lagi ko siyang hinahanap. Hindi ko alam kung bakit. Crush ko na kaya siya? Hindi eh. Well, siguro nga. Sige na nga, crush lang naman eh. ^__^
BINABASA MO ANG
My One-Shot Stories
Cerita Pendek[NASA PINAKALAST ANG NEW STORY *u*] Compilation ng mga Short Stories ko. =)) It's more on happy ending pero baka mag-add ako ng Tragic|Horror|Magical, basta pagfeel ko. *u* Basta! Enjoy reading! =))