Bwisit ka talaga... Pasalamat ka...
"Miahpotpot! Miahpotpot!! May kanta ako sayo!!" bwisit talaga 'to. Ang aga-aga ang epal. -____-
Tiningnan ko lang siya at inirapan tapos umupo na ako sa tabi niya. Oo, magkatabi kami netong kumag na 'to. Sarap nga sapakin eh. Kung hindi ko lang... Aish! Ewan. Bahala siya! Che! >_<
*poke poke*
Dedma lang Miah. Dedma lang. =____= Nilabas ko na lang yung book ko at nagbasa ako.
*poke poke*
Kalma lang Miah. Wag mong pansinin ang epal sa tabi mo. Kalma. -___-
*poke poke*
Arrg..!!!! Bwisit! >___________<
"Ano na naman ba Sean!! Kalabit ka nag kalabit eh!!! Ang epal mo~!!!" sabi ko sa kanya na asar na asar na. Kainis eh! Sa araw-araw na pagpasok ko dito sa school, hindi ako makakalampas sa panggugulo niya! Nakakainis kaya. Lagi na lang ako ang pinagttripan nitong walangyang 'to!
O__________________O
Halata naman sa mukha niya na nagulat siya sa ginawa kong pagsigaw, pero nanatili pa din na magkasalubong ang kilay ko, "Sungit mo naman Miah eh! May kanta nga kasi ako para sa'yo~" sabi na naman niya. Pag yun kinanta na naman niya sasampalin ko na talaga siya. =___=
"Anong kanta na naman ba yan? Ha?!" irritable kong tanong sa kanya.
"Ehem, ehem.. I'm never gonna dance again, cause guilty feet have got no rhythm, though it's easy to pretend I know you're not a fool~"
-__________________-
"SHUT UP SEAN!! SABI NG WAG MONG KAKANTAHIN YAN EH!! ANG MANYAK MO NAMAN KASI PAKINGGAN! BWISIT KA TALAGAAAAA~!!!"
Tapos lumabas na muna ako ng room. Ang babaw ba? Oo alam ko naman yun. Pero naiinis lang kasi ako, kaligayahan ba niya talaga yung pangaasar sa 'kin? Nasabi ko lang kasi na ayoko sa kantang yun, tapos bigla ba naman niyang kinanta yun?! As in araw-araw! Di ba nakakabwisit? Pasalamat talaga siya! Naku! Kung hindi, arrgh!! Ewan!! >____<
BINABASA MO ANG
My One-Shot Stories
Short Story[NASA PINAKALAST ANG NEW STORY *u*] Compilation ng mga Short Stories ko. =)) It's more on happy ending pero baka mag-add ako ng Tragic|Horror|Magical, basta pagfeel ko. *u* Basta! Enjoy reading! =))