LOVE NOTES
**
Love Notes? Love Letters? Parehas lang naman yun di ba? Ano bang pinagkaiba nila? Parehas lang sila na nagdadala ng KAKORNIHAN SA MUNDO. Yan ang ginagawang daan ng mga lalaking TORPE para mapansin sila ng babaeng gusto nila. Yan naman ang ginagawang daan ng mga babaeng LOVELESS para mapansin ng crush nila. O di ba corny? Kakabwisit kaya. =__=
"Hoy Jasmine! Kamusta ka naman? Nakatanggap ka na naman ng Love Notes mo mula sa unknown suitor mo. Haha." panunukso sa 'kin ni Marian.
"Pwede ba Marian, kung gusto mo, sa'yo na lang siya. Hindi ako interesado sa mga lalaking ganyan. At isa pa, ayoko sa lahat ay yung nagtatago sa likod ng mga letters o notes na yan. Pangduwag lang yan, okay?" pagsusungit ko.
Eh totoo naman kasi eh. Siguro yung ibang girls dyan eh halos mahimatay na sa tuwa o kilig pag may natanggap na letter sa isang secret admirer. Pwes, ibahin niyo ko. Naiirita ako sa ganyan. Kung may gusto siyang sabihin, bakit hindi niya ako derechuhin? Hindi yung pinupuno niya ng notes yung desk ko every morning. Psh. Kalat eh!
Opo. NOTES siya. Parang sticky notes, ganun. Aba! Eh halos punuin daw ba yung desk ko? Parang ayaw ipagamit sa 'kin eh. Naiinis na nga ako kasi sa isang tao lang naman yun galing. Pero wala akong paki kung sino yun, basta gusto ko magpakita siya sa 'kin. Ayoko ng mga gantong kakornihan.
Bakit ba kasi may mga torpe? At bakit ba nauso ang salitang papansin? Yan tuloy nauso ang Love Letters at Love Notes. Ano na namang makukuha nila dun? Wala naman di ba? Kung nagpapakita sana sila sa mga taong gusto nila edi sana may progress sila. Tss. Dami pang arte. =__=
**
Pero sa isang iglap, nabago ang pananaw ko. Kinain ko lahat ng sinabi ko. Dahil ako mismo, gumamit ng technique na yun. Hindi ko akalain na masasama pala ako sa mga babaeng LOVELESS na magpapansin sa lalaking gusto nila sa pamamagitan ng Love Notes.
Natigil ang paglalagay ni mystery guy sa desk ko. Hindi ko alam kung bakit, pero mas mabuti na din yun. Pero sa pagtigil niyang yun, ako naman ang nagsimula. May isang lalaki na hindi ko malimutan, at ikukuwento ko kung paano ko siya nakita.
Naglalakad ako nun pauwi sa dorm ko. Gabi na nun, tinapos kasi namin yung research paper namin. Sanay na ako umuwi ng ganto pero sadyang iba lang yung pakiramdam ko ngayon. Parang feeling ko, may nakasundo sa 'kin. Pakiramdam ko, may nagmamasid at anytime ay...
"Miss, wag kang sisigaw. Bigay mo sa 'kin bag mo." dinala ako nung mama sa eskinitang hindi na dinadaanan ng tao dahil may kailangan irepair dun. Lalaban sana ako, kung hindi lang niya ako tinutukan ng balisong niya. Tsk. Hindi ko 'to pwede ibigay.. Y_Y
"Ku-kuya... Please.. Eto na lang.. Wallet na lang. Pl-please... Wag niyo po akong papatayin." sabi ko na nanginginig na sa takot.
"Pati yang bag mo ibigay mo!" sigaw niya. Ayokong ibigay! Bakit? Kasi andito yung laptop ko! Dun nakasave yung research papers namin! At kung kukunin lang 'to ng baliw na 'to, uulit kami sa simula! Or worse, baka hindi pa kami makagraduate! T___T
"K-Kasi Kuya.. W-wag 'to.." sabi ko ng mahina.
"Anong wag?! Akin na nga sabi!" nagaagawan kami nung mamang holdaper nung may bigla kaming narinig.

BINABASA MO ANG
My One-Shot Stories
Short Story[NASA PINAKALAST ANG NEW STORY *u*] Compilation ng mga Short Stories ko. =)) It's more on happy ending pero baka mag-add ako ng Tragic|Horror|Magical, basta pagfeel ko. *u* Basta! Enjoy reading! =))