Tongue Tied

1K 26 4
                                    

TONGUE TIED

Bakit ganun? Kung sino pa yung matalino o magaling pagdating sa academics, siya ring tangengot sa love? Di ko naman nilalahat pero kasi, karamihan ganun e. Ewan ko ba kung manhid lang sila o kaya nagkukunwaring manhid. O pede ding torpe sila? Tsk tsk. Ang masasabi ko lang...

Walang mararating ang mga taong torpe pagdating sa love...

(May background song. Ayun sa gilid. =D)

----------

"Tsk! Ano ba naman yang si Ethan, walang mararating yan sa buhay! Wala man lang inspirasyon! Torpe kasi e! Ay nako.." sabi ni Josh.

"Wala na tayong magagawa jan pare, kung torpe, torpe na talaga! Gusto pa ata niya yung babae ang manliligaw sa kanya e! Hahaha!" si Nikko naman to.

"Tsk. Pede ba? Wala naman mangyayari jan sa pangaasar niyo sa kin e. Ganto na ko, di na mababago. Tsk. Makaalis na nga muna."

Umalis na ko sa tambayan namin at naglakad-lakad sa park.. Laging ganun ang usapan namin, laging ako ang topic. 19 years old na ko at hanggang ngayon wala pa din akong nagiging girlfriend, pake ba nila? Tsk.

Sabi nila, torpe daw ako. Tsk. Torpe nga ba ako? Dami ngang nagsasabi na ang gwapo ko naman daw at matalino pa, kahit sinong babae mapapasagot ko kaya bakit daw hindi ako nanliligaw.. Ewan ko ba, pero pag nasa harap na ako ng babaeng gusto ko, umuurong na yung dila ko at sobrang speechless ang dating ko. Di kaya, bading ako? Aish! Kadiri. Tae.

*BOOGSH!!*

"Sorry, di ko sinasadya, tulungan na kita---" di ko na natuloy yung sinasabi ko kasi parang may kuryente sa kamay ko na dumaloy sa buong katawan ko nung nakita ko ang babaeng to.. Nakalahad pa din yung kamay ko para tulungan siya pero nakatitig lang ako sa kanya.. Hinawakan niya ang kamay ko at saka ko siya hinila patayo..

*DUGDUG DUGDUG*

Sh*t!! Ano yun? Heartbeat ko ba yun?!

"A-ah.. S-sorry miss.. D-di kita nakita.. S-sorry.." Aish! Bakit ba ako nauutal dito? Ano ba yan!

"Ah okay lang yun, sige ah! Alis na ko." sabay takbo niya papunta sa malayo.. Ako naman, parang napako sa kinatatayuan ko at parang ewan lang na nakatulala dun sa lugar kung saan man siya nagpunta..

"Nathan! Anyare sayo? Haha!" bumalik ako sa ulirat ko nung bigla akong binatukan ni Josh.

"Ang ganda niya... Josh.. Ang ganda niya.." sabi ko.

"Sinong maganda? Asan?! Asan siya?!" OA na sabi ni Nikko. Langya, aagawan pa ba ko neto.. Tsk!

"Gago pare, kay Ethan na yun, wag kang umepal jan.. Oh pare, ano? Tinanong mo ba yung pangalan?" tanong ni Josh.

Napakamot ako sa ulo at tumingin sa kanila. "Hindi e." Naknampu. -_-

"Pucha naman Nathan! Ang daming strategy na ang tinuro namin sayo tapos di mo man lang sinunod! Ay nako! Mag pari ka na lang pare!!" sigaw ni Nikko..

Tsk. Kasalanan ko ba kung parang naeewan ako pag may nakikita akong nagugustuhan ko? Tsk. Sa totoo lang, ang dami ko ng nagustuhan pero ni isa sa kanila wala akong niligawan.. Kasi umaandar ang pagkatorpe ko.. Pero ngayon, nakapagdecide na ko na itigil na tong kahibangan ko! Susubukan kong makipagkaibigan sa kanya..

My One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon