Mixed

122 4 4
                                    

"From: Stephanie

Mixed punta kami jan ngayon. Gala tayo tutal 2 days na lang pasokan na!

And BTW kasama ko si Angel. Anjan na pala kami any minute now.

~Chao ^^"

That was Steph my best friend.

Hay.. Pupunta nanaman sila dito asar!

Sabi ko sa sarili ko..

Paano ba naman kasi tuwing pupunta sila dito akalain mo parang may disco house sa bahay ang iingay!

But still they are my best of friends and I don't know why kung saan nag umpisa ang friendship naming tatlo.

"Mixed, anak andito na mga kaibigan mo!" sabi ni mama saakin. Andito kasi ako sa room ko. Nasa second floor ang room ko habang si mama naman nasa kitchen.

"Opo ma, baba na po." sabi ko habang naiinip akong bumaba. Paano ba naman kasi ang saya-saya ng buhay ko habang nagbabasa ng libro tapos sisirain lang ng mga kaibigan ko.

*knock-knock*

"Sandali anjan na nagbibihis lang!" pasigaw kong sabi.

"Ate!! Ate!!! Ate buksan mo ang pinto bilis!!" sabi ni Alice na kapatid ko. Ano ba naman tong kapatid kong ito nakaka torete ang boses!

"Bakit ba?" sabi ko sa kanya pag bukas ko ng pinto

"Ate! OMG!!!" sabi niya habang kinikilig. Ano nanaman ba?

"Ate look! Tingnan mo sa magazine! Ang cute niya diba?" kinikilig parin siyang nag sasabi.

"Oh.. Anong gagawin ko ngayon? Mukha naman yang ewan." iritable kong sagot.

Paano ba naman kasi mukhang ewan yung pinapakita niya saakin.

"Ano ba naman yan? Akala namin hindi ka pa naka bihis. Isang oras ka pa kung mag ayos" sabi ni Angela

Si Angela siya bali ang una kong friend sa school kasi si Steph childhood friend ko siya. Naalala ko pa noon si Angela na halos walang kausap at laging binubully ewan ko ba kung bakit. Pero ng dahil saamin ni Steph hindi na siya binubully ngayon.

"Kanina pa ako naka bihis may pinakita lang saakin si Alice" sabi ko sa kanila

"OMG! Si ano to! Chris ng 5F!" sabi ni Steph.

Ano ba naman yan! Pati ba naman siya?!

"Oo nga noh? Siya nga!."

Sabi ni Angela

Yung totoo ako lang ba ang hindi fan girl dito?

"Buti pa si Alice." sabi ni Steph

"Aalis ba tayo or what?!" sabi ko

"Aalis na po" sabi ni Angela at Steph tapos sabay tawa.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon