First day of school ngayon at nakita ko na ang minamahal kong si Mixed.
I'm Mixed ex-boyfriend. Nakita ko siya at nagka-usap kami pero... Hindi niya na ako maalala. Pero bakit?
Bakit hindi niya ako maalala?
Talaga bang tinanggal niya na ako sa buhay niya? O kaya naman may iba na siya?
Hindi! Hindi pwedeng may iba na siya!
Hindi ko kaya
5 years ago kami pa ni Mixed. And we both love each other to the point na kahit sino hindi makakapag hiwalay saamin. Pero nagkaroon kami ng isang malaking misunderstanding.
Flashback (5 years ago)
-Hello?
-Mixed we need to talk in personal may sasabihin ako sayo. Malungkot kong sabi sa kanya.
-Ano yun? Taka niyang tanong saakin.
-Basta sasabihin ko sayo mamaya. Meet me sa may coffee shop malapit sa inyo. Cold kung sagot
-K. Tipid niyang sagot saakin na may halong pag-aalala.
*Coffee shop*
Mixed. I need to tell you something.
Ano yun?
I am leaving. Pupunta na kami sa states at doon na ako pag-aaralin nila mommy at daddy.
So.. You mean hindi na tayo mag-uusap? Pero bakit ka aalis?
May problema kasi. Sa ating dalawa parang nagiging cold na tayo. Parang hindi na tayo tulad ng dati.
Pero diba pwede pa naman natin ibalik yung dati diba?
No, Mixed hindi na pwede.
Pero bakit nga hindi na pwede?
Basta.
Sa totoo lang wala akong balak sabihin kay Mixed ang totoong rason kung bakit ako aalis papuntang states.
Ang dahilan kasi kaya ako aalis papuntang states ay dahil sa sakit ko. Kailangan muna ako gumaling bagp bumalik kami ni Mixed. Pero ang hirap rin noon kasi hindi ko kayang mahiwalay sa kanya na sobrang tagal.
Lumabas si Mixed noong pagka sabi ko sa kanya ng ' basta' at ramdam ko, alam ko na nasaktan siya sa ginawa ko. Nahihirapan siya noon pa lang at humangga ako sa kanya dahil sa tapang niya kasi sabi niya noon saakin hindi niya raw ang tunay na ibig sabihin ng "Give Up" kasi kahit kailan hindi ko pa siya nakitang sumuko lalo na sa relationship namin.
Hinabol ko bigla si Mixed at kinausap siya. Pero sabi niya aalis na lang ba talaga ako at tatakasan ang problema?.
"Mixed please listen."
"Why should I?. Diba ganyan ka naman talaga? Tinatakasan ang problema? Please.. Sabi mo saakin Never Give Up in our relationship pero ano? Ikaw heto sumusuko na agad. Please.. Wag mo ituloy."
"Mixed. Hindi talaga pwede eh.."
Nakikita ng dalawang mata ko kung gaano si Mixed nahihirapan at nasasaktan ng dahil saakin. Wish ko nga ng makita siyang ganyan sa harapan ko. Hiniling ko na sana wala na lang akong sakit na ganito para makasama ko siya. Pero hindi eh. Binitawan at pinakawalan ko na lang siya kahit alam ko sa sarili ko na ayaw niya pang kumawala.
Umalis ako sa harap ni Mixed kasi parang sinasaksak ng kutsilyo ang puso ko sa nakikita ko.
Hindi ko alam habang tumatawid ako may sasakyan pala na humaharurot at biglang may tumulak saakin dahilan ng pag bagsak ko at mawalan ng malay. Ang huling naalala ko lang ay nasaktan ko si Mixed. Pag gising ko nasa hospital na ako. At nakita ko si mama na nakahawak sa kamay ko.
"Mom? What happen?" tanong ko sa kanya.
"Thank God at buhay ka anak!" sabi niya na halata namang nag-aalala sa kalagayan ko.
Sinabi saakin ni mama ang totoo na na accidente ako at may tumulak saakin dahilan para hindi ako matamaan ng kotse at yung taong yun ang natamaan.
"Mom have you seen Mixed?" tanong ko sa kanya dahil masama ang nagiging kutob ko. Pero hindi sumagot si mama instead nalungkot lang siya. Tinanong ko siya kong bakit.
"Siya ang nagligtas sayo nak, siya ang natamaan ng kotse na humaharurot." sabi nito habang umiiyak.
May tumulo na luha sa mga mata ko.
"Ma. Saan siya ngayon? Kumusta na kalagayan niya?" sabi ko kay mama and my voice almost broke.
"She is in coma right know at dahil yun sa pagkakabungo sa kanya."
Noong malaman ko yun galit na galit ako sa sarili ko.
Dapat ako ang nasa kalagayan niya.
Dapat hindi na siya nahihirapan ng ganito.
Dapat hindi na nangyari to.
Dahil saakin muntikan na siyang mawala at ayaw kong manyari yun.
Pinuntahan ko kung saan ang room ng pinaglagyan kay Mixed at ng makita ko siya doon lumaki ang galit ko sa sarili ko. Gusto ko ng mawala! Sana hindi sa kanya nangyari yun.
Ansakit
Umalis ako ng Pilipinas ng hindi manlang makita si Mixed na magising. Pero kahit ganoon hinanap ko parin siya. Noong nasa amerika ako wala na akong communication kay Mixed o kahit sa mga malalapit sa kanya kahit pamilya niya. At gabi-gabi umiiyak ako ng dahil sa nakaraan ko.
*End of flashback*
Pero ngayong bumalik ako hindi na ako maalala ng babaeng mahal ko.
Ang sakit dahil binitawan ko siya at hindi gumawa ng dahilan para manlang magkasama na kami.
Akala ko noon forever na kami pero ng dahil jan sa accidente na yan nawala ang lahat saakin maging ang sa kanya.
BINABASA MO ANG
You and I
RomanceWhen the night comes, look at the sky. If you see a falling star, don't wonder why, just make a wish. Trust me, it will come true, because I did it and I found you.