Chris

35 5 1
                                    

"Mixed?"

"Ah. Chad ikaw pala! Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong sa akin ni Mixed.

Andito ako ngayon sa park na malapit sa bahay namin. Weekend ngayon kaya lumabas ako para magpa hangin. At sakto nakita ko ngayon si Mixed dito sa park.

"Ah.. Hehe.. Magpapa hangin sana." nahihiyang sagot ko sa kanya.

"Ah... Ganoon ba?" sabay tango niya saakin. Umupo ako banda sa tabi niya at pinagmasdan ko lang siya. Napansin ko na ang lungkot-lungkot niya kaya tinanong ko siya.

"Mixed, bakit ka malungkot?" umangat naman ang ulo niya sa sinabi ko.

"Wala lang." sabi niya at sabay ngiti sa akin.

Nag sisinungaling siya. Alam ko kung nag sisinungaling ba siya oh hindi. Pero this time nag sisinungaling siya. Pinabayaan ko na lang siya. At nagulat ako sa nakita ko dahil biglang tumulo ang luha niya.

"Mixed are you ok?" nag aalala kong tanong sa kanya. Pero hindi niya ako sinagot at umiyak lang siya nang umiyak.

Nakita ko na nahihirapan na si Mixed kaya niyakap ko siya. Kaya ikinagulat niya ito.

"Mixed. Wag ka nang umiyak. Pwede mong sabihin sa akin lahat. Basta wag ka nang umiyak."

"S-sana n-nga p-pwde."

"Mixed." ilang oras pa bago tumahan si Mixed. At sinamahan ko pa rin siya. Pero noong tumahan na siya hindi niya pa rin sinabi saakin ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Hayss.. Hindi parin talaga siya nag bago.

"Sige Chad. Mauna na lang ako. Kita na lang tayo sa monday. See you!" sabay takbo at kaway saakin.

Kinawayan ko rin siya.

Nang umalis na siya pinagmasdan ko na lang ang paligid. At naalala ko yung kaway ni Mixed at ngiti niya. Parang kahapon lang noong nakita ko yung ngiti niyamg yun. Noong kami pa at sobrang saya naming dalawa. Bago pa ako magka-sakit. Noong nasa states ako gumaling ako sa sakit ko pero dapat hindi pa ako babalik nang Pinas dahil ayaw ni daddy pero dahil napilit ko siya. Pumayag din sa huli kaya andito na ako ngayon sa Pinas. Akala ko noong bumalik ako dito akala ko babalik na ulit kami ni Mixed sa dati pero mali

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon