Chapter 4

22 0 0
                                    

A/N: Sorry kung super late update talaga. May pasok kasi ako sa school eh. At minsan tinatamad lang at hindi maka isip ng susunod na isusulat :). Thanks po sa pag aantay :)

Dedicated po to kay Pangitmhe143

~~Mixed P.O.V~~

After akong ihatid ni Chris sa bahay. Na hindi ko alam kung paano nya nalaman kung saan ako nakatira. Eh ang sabi nila mama sa akin ay nakatulog daw ako at inihatid ni Chad. Pero ang last na naalala ko si Chris talaga ang kasama ko kaya hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni mama.

~~

Naglalakad ako ngayon papuntang school tutal walking distance lang naman.

Papaakyat ng hagdan dahil nasa 3rd floor pa ang classroom ko may nakita akong lalaki na matangkad at babae. Malapit lang naman ako sa kanila kaya nagtago ako dahil ako lang naman ang nag iisang tao dito dahil maaga pa.

"Chad, Uhmm... I need to tell you something.. Uhmm... I think.. I.. Uhmm... I'm inlove with you" sabi noong babae.

Nagulat ako sa sinabi ng babae. Kung literal man yung lumuwa ang mata sa palagay ko ako yun ngayon. Inabanggan ko lang yung sasabihin noong lalaki. Well hindi ko siya gaanong masilayan dahil naka talikod siya. Kaya inabanggan ko na lang yung sasabihin nya pero instead na mag salita. Iniwan nya lang yung babae na tulala. Well pareha kami ng babae. At nakita ko yung babae na umiiyak kaya nilapitan ko siya. "Miss.. Ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya habang pinapahinto ang pag iyak nya.

"No. Can't you see I'm not okay? Ilang years na akong nagpapaka tangga kay Chad at hinahabol siya. Ilang years na akong nag papapansin sa kanya pero wala pa din." sabi nya habang umiiyak at naka close fist.

Eh? Ang desperada naman nito. Mag hahabol siya sa isang lalaki? Anrami kayang lalaki jan sa tabi-tabi. Atyaka ang ganda nya impossible naman na walang magkaka gusto sa kanya.

"Wag ka mag alala. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo marami pang iba jan na mas deserve mo at better sayo"

"Paki mo ba?! Siya lang naman ang gusto ko eh! Atyaka sino ka ba?!" hala nagising ko ata ang masamang spiritu nito. At kung maka sigaw kala mo naman nagtatawag nang saklolo.

"Eh? Ano wala na padaan lang ako" kinakabahan kong sagot sa kanya. Kakatakot kasi niya eh. Bat ba naman kasi ako tinamaan ng pagka chismosa hayss..

Tuminggin sakin nang masama yung babae tapos umalis. Eh? Walkout lang?

Pumunta na lang ako sa classroom ko bago pa ako mahuli sa class namin. Math panaman ang first class ko. Mahirap nang bumagsak sa math. Pwde pa sa ibang subject basta wag lang sa math.

Pero habang nasa klase ako imbis na makinig sa prof. ko nag iisip ako ng malalim.

"Chad, uhmm.. I need to tell you something... Uhmm... I think... I... Uhmm... I'm inlove with you"

Paulit ulit nag play yan sa isip ko. Iniisip ko yung name na Chad. Habang nagiisip bigla namang tumayo yung mga classmates ko at doon ko lang narealize na tapos na ang first class ko na wala akong naintindihan at natutunan dahil sa lalim ng iniisip ko.

~~~~~~~
A/N: Yan po muna sa chapter 4. Next time na lang po ang POV ni Chad. Medyo alanganin pa eh. Marami pa siyang problema. Thanks po sa pag basa. Hope you like it. Paki vote na lang po at comment or kung ano-ano haha ^_^
Pangitmhe143 ayan na ah? Nag update na ko. Pasalmat ka na lang sa friend ko sa tulong.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon