Chris

34 2 1
                                    

Monday ngayon at andito ako ngayon sa usal spot ko ang umupo sa ilalim nang puno.
"Chris!"
"Oh.. Miguel ikaw pala."

Siya si Miguel Dela Cruz ang una kong naging ka-tropa sa school na ito.
"Brad. Anoyang ginagawa mo?" sabi niya sa akin pagkalapit na pagkalapit niya.
"Hindi mo ba nakikita?" tanong ko sa kanya. Obvious naman kasi na nagda-drawing ako eh..
"Teka sino yang babae na yan?"
"Ang babaeng mahal ko."
"Tsshh.. Baka babaeng pangarap mo?"

Abay loko toh ah! Baka gusto niya ata maupakan ko siya ngayon. Binatukan ko lang si Miguel pagka sabi niya noon at tumawa lang siya.
"Bro sino ba kasi yan?"
"Si Mixed to."
"Teka yung ex mo?"
"Hindi ko pa siya ex." alam kasi ni Miguel na kami ni Mixed dahil sinabi ko sa kanya noon.
"Eh.. Bakit hindi na kayo nag papansinan?"
"Nag papansinan naman ah.."
"Mukha kayong magkaibigan."
"Kasi naman hindi niya ako maalala. Alangan naman pilitin ko siya na maalala ako."
"Hay. Bro may napanood na akong ganyan dati eh. Baka may iba na siyang lalaki o mahal kaya kinalimutan ka na niya?"
"Hindi yun bro."

Sana nga hindi. Ayaw kong mapunta siya sa iba. Oo selfish na kung selfish pero mahal ko talaga si Mixed eh. Ayaw ko siyang mapunta sa iba dahil hindi ko kaya. Pero kung yun lang ang paraan para sumaya siya. Gagawin ko kahit masakit sa kalooban ko.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon