Mixed

45 3 0
                                    

Finally! Nakilala ko na si Chad ba yun? Kung hindi ako nagkakamali.

Sana magkita ulit kami ng magkaroon naman na ako ng bago kung kaibigan na lalaki.

"Mixed!" tumingin ako sa paligid. At may nakita akong lalaking tumatakbo papalapit saakin.

"John?" tanong ko habang malayo siya ng hindi niya pa ako naririnig.

"Mixed." sabi niya ulit saakin habang hingal na hingal sa pag takbo.

"John? What are you doing here?" tanong ko rito.

At agad naman siyang tumingin sa akin.

"Ayaw mo bang makita ang gwapo mong boyfriend?" pag mamayabang nito.

Tsh.. Yabang ah..

"Nope. But may class ka pa diba?"

"Nope. Tapos na class namin. Exam lang kasi diba. Atyaka bakit parang ayaw mo ata akong makita?" sabi niya na may pagka tampo ang kanyang boses.

Let me guess dahil exam week ngayon magpapaturo nanaman to saakin.

"Tara!" sabi nito habang hawak ang wrist ko.

"Huh? Where are we going?" tanong ko sa kanya.

"Where going on a date."

What the! 'date' daw?! Totoo ba ang narinig ko na 'date'?!

"Wait what?! Date?" takang tanong ko rito. Serious ba siya?

"Ayaw mo ba?" tanong niya habang may pagtataka sa boses niya.

"Nope. Hindi ka kasi tumawag eh. Kaya nagtataka ako."

"May kapalit na ba ako?" gulat na tingin lang ang binigay ko sa kanya.

"What?! Bakit ka ganyan mag-isip?" medyo na asar ako sa sinabi niya.

"Jowk lang ito naman." sabay tawa at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.

Binigyan ko naman ito ng masamang tingin pero hindi niya pinansin.

Sumakit naman ang ulo ko bigla. Tapos na out of balance ako dahilan para saluin ako ni John.

"Mixed are you okay?" nag-aalala niyang tanong saakin.

"Yup. Medyo nahilo lang dahil siguro sa kababasa." sabi ko rito. Ang totoo hindi ko talaga alam kung bakit ako nag-kakaganito. Noong isang linggo ko lang ito naramdaman. Simula noong nakita ko si Chad. Simula noong tinanong niya ako kung natatandaan ko ba siya. Pinilit ko kasing alalahanin ang mukha niya. Pero wala tuwing na aalala ko siya sumasakit ang ulo ko.

"Pag paliban na lang muna natin ang date natin. Hatid na lang kita sa bahay niyo ng ikaw ay maka pag-pahinga muna." mukhang alalang- alala talaga saakin si John kaya sinunod ko na lang siya. Pag tuwing kasama ko si John may naaalala akong isang tao na parang may kinuha sa puso ko at hindi na muling ibinalik ito. Pero kung sino man siya hindi ko siya matandaan. Sa tuwing aalalahanin ko iyon sumasakit ang ulo ko.

Nang marating na namin ang bahay ko, agad na akong nag paalam kay John at agad niya naman akong hinalikan sa noo. At nag paalam na rin ito at sabay sakay sa kotse niya tapos umalis na. Ako naman tumalikod na at pumasok sa bahay namin.

"I'm home." sabi ko. Naka sanayan ko na rin kasi na sabihin iyon tuwing nakaka balik na ako sa bahay.

"Oh.. Nak.. Anjan ka na pala." sabi sa akin ni mama habang nag lalaro ng candy crush.

Nahiligan kasi ni mama ang pag lalaro sa tablet niya.

"Ma. Sumakit po yung ulo ko. Bakit po ganoon?" tanong ko sa kanya. Open kasi ako sa mama ko at open rin siya sa akin. Ang turingan namin kasi mag kapatid at siya ang nakaka tanda kong kapatid na babae. Feeling ko rin minsan na siya ang best friend ko. Kaya kahit anong secret ko alam niya. Para baling she is my personal diary. Jowk.

Napahinto nanaman si mama sa ginagawa niya at sabi niya matulog na muna raw ako baka raw kasi pagod ako. Siguro nga pagod ako.

Sinunod ko ang sinabi ni mama sa akin at pag akyat ko ng room ko bumalik na ito sa pag-lalaro. At ako naman natulog na lang ako.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon