Mahirap panindigan, pero mas mahirap paniwalaan na sa tuwing magkikita kayo kailangan mong itago ang lungkot na pinapakita mo sa ibang tao. Ang sakit kasi ang babaeng pinakamamahal ko hindi ako maalala kahit anong gawin ko.
Ang sakit. Sobrang sakit."Kuya hindi ka ba po kakain jan? Nakatitig lang po kayo jan kanina pa." sabi ng bunso kung kapatid. May nilagay kasi si mama na soup at naalala ko si Mixed dahil noong may sakit ako siya mismo ang nag alaga sakin at miss ko na iyon. Miss ko na siya.
"Nak, masama ba pakiramdam mo?" sabay sabi ni mama. Yung totoo kasi hindi ko masabi sa kanila ang aking nadarama. Minsan lagi akong tulala or kaya wala sa sarili. Laging lumilipad ang aking utak dahil sa kaaalala kay Mixed. Ni hindi nga ako nakikinig sa mga teachers ko kaya lagi akong bagsak. Siguro ganoon talaga pag sawi ka sa pag-ibig?
"Ah.. Wala po to mama. May naalala lang po ako. Alam nyo naman po na paborito ko to diba? Hmmm... Sarap." pag sisinungalin ko sa kanila. Pero totoo naman na gusto ko to kasi naaalala ko si Mixed parati dito.
"Nak pupunta pala sila Mixed dito." sabi ni papa na halos mailuwa ko na yung kinakain kung soup sa sobrang gulat. Kung ano-ano na ang nararamdaman ko. Kinakabahan, nag papanic, namumutla at kung ano-ano pa na hindi ko maintindihan. May parte sa katawan ko na masaya pero meron din kung ano-ano.
"Iho, ok ka lang ba? Bakit parang namutla ka jan?" sabi sakin ni papa.
"Ah.. Ok lang po ako pa."
"Sigurado ka ba jan?" pag singit ni mama.
"Opo." pagka sagot ko doon parang nag drain lahat ng nasa isip ko.
Mental block.Hay.. Sana naman hindi siya magulat kasi kailangan kong mamaya sabihin ang tunay kung pangalan.
Ang hirap.Hindi ko kaya. Natatakot ako na mawala siya sa akin pag sinabi ko ang totoo sa kanya. Ayaw ko na!
"Ma, ano po gagawin nila dito?"
"Andito sila kasi inimbitahan sila nang papa nyo. Alam mo naman matagal na natin silang hindi nakakasama simula noong pumunta tayo sa America."
"Ma, ano po kasi... Ano po... Uhmm... Aalis po kasi ako." pag sisinungaling ko.
"Hindi ba pwede na ipagpaliban mo muna yang lakad mo? Isa pa alam ko naman miss mo siya." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama.
Paano niya nalaman?"Alam ko kasi nanay mo ko. Nararamdaman ko yang nararamdaman mo."
Hindi ako nakapag salita sa sinabi ni mama. Siguro nga mother's knows best.
Pero anong gagawin ko? Paano kung maalala niya ang lahat? Anong sasabihin ko? Amg hirap!
Hindi ko na kaya! Ayo kong mawala siya sakin ulit. Hindi ko na kayang mawala siya. Mamamatay na ako.
BINABASA MO ANG
You and I
RomanceWhen the night comes, look at the sky. If you see a falling star, don't wonder why, just make a wish. Trust me, it will come true, because I did it and I found you.