Dejavu
Yan lang ang tanging word na napunta sa isip ko.
Parang nangyari na ito lahat sa akin. Parang bumabalik na ang dating mga nawala sa akin.
Ang picture na nakita ko kilala mama at papa sa drawer nila. Parang ako iyon at ang lalaking katabi ko ngayon na si Chris. Kaming dalawa na magkasama at parehong masaya. Anong nangyari sa amin at bakit parang nag-iba ang lahat?
Ang mga nakasulat sa letter. Ang mga iyon parang... Parang iba... Matagal nang naka sulat.
Ano ba ang nangyayari? Bakit lahat dito familiar?
Pero bakit ganito ang itsura ni Chris. Ibang-iba sa picture na nakita ko. Parang kamukha niya si...
Chad..
~~
"Chris, wait!" sigaw ko dito dahil iiwan ba naman ako dito sa park malapit sa kanila. Umalis kasi kami sa bahay nila pag tapos ng launch kasi sabi ko gusto kong gumala kaya pinagbigyan niya ako.
Ang bait nya.
"Bibili lang ako ng cotton candy. Diba gusto mo iyon? Yung color pink?!" sabi nito habang sumisigaw mula sa malayo.
Bibili kasi siya kay manong cotton candy. Hindi ko kasi alam ang name kaya cotton candy ang tawag ko.
Nakita ko siyang may dala-dala na cotton candy papunta sa akin habang naglalakad. Nakaupo kasi ako sa upuan dito sa park na naka harap sa malaking lake. At naka harap sa araw na palubog na. Mering malaking puno dito sa likod ko para ma-cover yung araw pag hapon kaya magandang tambayan ang park na ito. Maganda dito tuwing hapon at gabi. Matutuwa ka sa mga batang naglalaro at mga couples na naghaharutan at nagkikilitian, meron din mga family na nagpicnic, yung iba naman mag-isa lang, yung iba nagbabasa ng libro tapos meron din iba na magkakaibigan nagtatawanan. Pero ang pinaka gusto ko sa lahat ay iying mga jowang nagsusuyuan. Ang sweet kasi nilang tignan.
"Oh.. Favorite mo. Favorite food, favorite color mo. 2 in 1 yan just for you lang talaga. At yang na lang ang only 1 na pink doon. Kaya pasalamat ka dahil may natira pang favorite color mo doon. Kasi kung wala pa pipilitin ko si manong na nagtitinda na gawan ka ng pink na ganyan at hindi blue." sabi ni Chris habang inaabot sa akin ang cotton candy na hawak nito.
Tinignan ko ang cotton candy dahil ang ganda tignan. Shape kasi ng rose eh. Tapos pink pa kaya para tuloy siyang malaking rose candy na pink. Ang ganda tignan.
"Thank you" sabi ko sa kanya habang nakatingin parin sa cotton candy ko na naka smile. Ang ganda kasi eh..
"Huh? Para saan ka naman mag thank you? Kung para jan sa cotton candy, hindi mo na kailangan." sabi niya habang kumakain na ng cotton candy niya na color blue. At naka tingin siya sa lake na nasa harapan namin.
"Thank you sa lahat. Sa lahat-lahat." sabi ko rito. Palubog na ang araw at palabas na si Mister Moon. At ang mga stars ay nag uumpisa nang lumabas.
Nakita ko siyang namula. At nanlaki ang mata dahil siguro sa pagkagulat. Pero hindi ko na lang iyon pinansin at kumain na lang din. Ginaya ko naman siya habang nakatingin sa sunset.
"Ang ganda talaga tignan ng sunset no? Kahit wala ka sa beach. Kahit wala ka sa kotse na umaandar. Ang ganda padin no?"
"Oo nga eh. Sobra. Siguro kahit marami kang problema sa buhay pag tumingin ka lang sa sunset kasama ang taong mahal mo mawawala siguro iyon na parang bula." tugon nito sa sinabi ko. Ang awkward kasi kanina eh. Kaya binasag ko ang katahimikan.
"Tama ka siguro jan. Kasi kahit kailan ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam na feeling mo wala kang problema na dinadala. Feeling mo lagi kang masaya. At walang bumabagabag sayo na sakit sa ulo. Kasi kahit kailan hindi ako dinala sa ganito kagandang lugar ni John na para bang nasa paraiso ako. Na ako lang ang tao sa mundo. Na feeling ko peaceful ang mundo." sabi ko habang pinipilit na ngumiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
You and I
RomanceWhen the night comes, look at the sky. If you see a falling star, don't wonder why, just make a wish. Trust me, it will come true, because I did it and I found you.
