Mixed

30 2 0
                                    

Monday na ngayon. Palabas ako ng bahay ng biglang may...
"Mixed!"
"John ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?"
"Bakit bawal bang ihatid ang girlfriend ko sa school?"
"Pero magkaiba tayo ng pinapasukan."
"Eh.. Ano naman?"
"Pero baka malate ka niyan."
"Ok lang yun. Dala ko naman ang kotse ko."
"Ok."

Minsan talaga ang hirap makipag talo kay John.

Sumakay na kami ng kotse niya at pinaandar na niya ito. Tahimik lang kami buong biyahe. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Ang awkward nga eh.

~*~

Nandito na kami ngayon sa Montello Academy kung saan ako nag-aaral. Bumaba na ako ng kotse ni John at nag bye na ako sa kanya. Hindi ko kasabay ngayon ang kapatid ko kasi nauna na siya kesa sa akin.
"Ingat ka Mixed ah." sabi niya pa bago ako tuluyang umalis. At tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

~*~

Dissmisal time.

At hindi ko nakita si Chad ngayon buong maghapon.

Ang weird nga eh..

Hindi ko man alam kung pamasok ba siya o hindi.

Hinahanap ko kasi siya kasi feeling ko siya ang nakakatulong sa akin.

Parang maykakaiba siyang katangian na kahit kanino hindi ko makita.

Parang iba siya sa lahat ng lalaking nakilala ko.

~*~

Papunta ako ngayon sa playground. At nakakita ako ng isang bakanteng place para magbasa. Nakasanayan ko na kasing gawin ito lagi.

"Mixed!" sabi noong lalaking tumatakbo papunta sa place ko.

Noong nakarating na siya.

"Chad, ikaw pala. Bakit?"

"Uuwi kana?"

"Huh?... Uhmm... Malapit na bakit?"

"Pwede ba kitang kausapin?"

"Uh? Oo naman."

"Mixed. Bakit parang hindi mo naaalala ang nakaraan?" pag-uumpisa nya.

"Huh?" takang tanong ko. Hindi ko maintindihan. Ano ibig niyang sabihin?

"May naaalala ka ba mula sa nakaraan mo? Este may alam ka ba ang mga nangyari sayo?"

"Ang naaalala ko lang kasi is..." napaisip ako bigla doon.
Anong ibig niyang sabihin?
Bakit wala akong maisip?
Ang naaalala ko lang ang sinabi ni mama at dada noon na ng nagising ako ay natulog raw ako ng pagkahabahaba.

"....Is...?" pag papatuloy ni Chad.

"Ang naaalala ko lang kasi is nagising ako sa hospital ng wala nangmaalala. Kahit sila mama at dada. Ang sabi lang nila sa akin natulog raw ako ng pagkahabahaba."

Ngumiti lang siya sa akin at sabing.

"Ganoon ba? Sige Hatid na kita pauwi."

"Ah? Wag na.." sabi ko sa kanya. Nakakahiya kasi eh..

"Mixed!" sigaw noong isang lalaki rin na tumatakbo.

Tiningnan ko lang to hanggang sa makalapit sa amin ni Chad.

Noong malapit na siya.

"Mixed. Tara..." paghinto nya.

"John anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok dito?"

"Sino siya." hindi niya sinagot ang tanong ko at binaliwala lang niya iyon. At agad niyang tiningnan si Chad ng masama.

"John. Siya si Chad." sabi ko sa kanya. Halata kasing galit siya eh.

"Tara na uwi na tayo." pagyayaya ko sa kanya.

Kulang nalang kasi makakita ako ng mga lightning sa gitna nila eh.. Dahil sobra sila kung magtitigan at ang sasama pa ng mga tingin nila.

Feeling ko nga nakakita ako ng mga monsters sa likod nila eh..

"Tara na John alis na tayo." hinila ko na siya dahil ramdam ko na ang tensyon nila.

Nag bye na rin ako kay Chad.

~*~

Nag lalakad kami ni John pauwi ng bigla siyang nagsalita.

"Ayaw kong lumalapit ka sa Chad na yun." sabi niya habang hindi tumitingin sa akin.

"Bakit naman? Mabait naman siya ah ." pag susumaho ko.

"Basta ayaw ko siya."

"Hindi mo pwede sabihin yan. May sarili akong utak para gumawa ng mga decisyon ko! Atyaka sa ayaw at sa gusto mo kaibigan ko na siya." sabi ko sa kanya. At biglang pumasok na ng bahay.

Hindi ko talaga maisip kung bakit ayaw niya si Chad. Mabait naman si Chad. Matulongin. Gentleman. Pero bakit ayaw niya?

***

Dumiretso agad ako sa room ko dahil wala naman sila mama at dada pati ang kapatid ko. Si dada na sa office si mama naman at si Angel nasa Petshop namin. Kaya agad naman akong dumiretso sa room ko.

Boring na kaya binuksan ko ang laptop ko at nag bukas ng fb ko.

Pumunta ako sa friend request dahil yun ang kumuha ng attention ko kaya binuksan ko yun. Nakita kong friend request pala yun galing sa taong hindi ko kilala. Ang name niya ay Chris Michael Mendez. Tiningnan ko ang profile niya pati narin ang mga photos niya.

Nakita ko naman na kamukhang- kamukha niya si.... Chad?

Bakit kamukha niya si Chad? Noong na pumunta ako sa mga photos niya nag scroll ako doon. At may kumuha sa attensiyon ko ang 5 lalaki at kasama siya doon. Nakasulat doon 5F.

Teka kasama ba siya sa group na ito?

Kinuha ko ang scrap book na nakuha ko mula sa cabinet nila mama. At noong binuksan ko iyon may nalaglag na picture. At ang picture na iyon ay yung lalaki na nag request sa akin. Napansin ko na meron na kasulat sa likod kaya binasa ko iyong nakasulat. Habang nagbabasa ako napaluha ako. Teka umiiyak ba ako? Pero bakit? Bakit parang anlaking lart siya ng life ko?

Kinuha ko ulit ang laptop at in-accept ang request niya. At nag log out na agad ako. At humiga sa bed ko habang umiiyak. Patuloy akong lumuluha ng hindi alam ang rason kong bakit. 

Ang huli ko lang naaalala ay naka tulog na ako.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon