March 13, 2019
Dear John,
Hi! I don't know what to say. And I honestly don't know why I'm writing this letter. Maybe to say goodbye. Maybe to say hi. Or maybe I just need this proper closure for the both of us. Incase hindi mo na-realize na hindi tayo nagkaroon ng closure. Hindi ko din alam kung makakarating ba sa iyo ito o hindi, but I think it should be just the latter instead.
Give me the honor of retelling our story from the start. Wala lang gusto ko lang.
I met you way back 2013. Ang tagal na pala 'no? I can still remember the look on your face nang lumipad sa ere lahat ng papel na dala mo. You were running late for work, as you explained to me. Kaya siguro natisod ka at lumipad nga sa ere ang mga papel na dala mo. Ang dami dami kasi noon. Parang isang rim ng bond paper iyon kakapal. Kaya na rin siguro para kang naiiyak na ewan. Kaya siguro I decided to help you. Flash forward, hindi mo ako napansin masyado. Dali-dali kang nagpasalamat at tumakbo na naman. I laughed while you were running away. Nakakatawa ka kasi talaga.
Kinabukasan noon, nakita na naman kita sa may bookstore. I smiled at you. You did not smile back. Naisip ko noon ang sungit pala nito. Tinulungan ko na nga siya kahapon pero tsk. Nilapitan kita. Kinausap kung naalala mo ba ako. Sabi mo, hindi. At ipinaliwanag ko pa sa iyo kung ano ang nangyari. Siguro doon din tayo nagsimula. Sa isang sulok ng bookstore. Mga librong hawak natin. Saksi ang mga iyon sa una nating pag-uusap.
You asked for my number. At dahil maharot ako, binigay ko naman. I thought you were a little into me. Naisip ko lang naman. Titig na titig ka sakin eh.
We got super close pagsapit ng December. Naalala mo iyon? How you called me every time at lagi mo akong kinakamusta kasi kamamatay lang ng pusa ko. I couldn't properly eat for days. She was all I had since nasa probinsya sila mama at I had her since I was 8. Sabi mo namatayan ka din ng aso kaya you knew what it felt like. And afterwards, we clicked. Like clicked.
We started going out to dates. Hindi ko alam kung naaalala mo pa ba. Movie night outs, dinner dates, beach dates, ang dami nating ginawang magkasama. Hindi ka naman nangligaw pero sa sarili ko sinagot na kita. Hindi din tayo pero we had our own callnames. "Bat". Di ko na din maalala bakit haha. Siguro kasi pareho tayong nocturnal. Text mo ako kapag naalala mo ah.
At dumating ang greatest plot twist. I'm sure tandang tanda mo pa.
Dumating ang pinakamalaking job offer sakin. Sa isang kumpanya sa New York bilang isang Executive Officer ng magazine nila. I couldn't possibly take down the offer. That was the offer I've been waiting for my whole life! I was overjoyed! Tinawagan kita at pinaalam sa masaya kong balita pero sadly iba ang naging reaksyon mo.
Nagalit ka. Sinumbatan mo ako. You questioned everything, even what I felt for you. Nalito ako. Bakit? Akala ko ba magiging masaya ka para sakin. Pero mali ako. Pagkatapos noon, hindi mo na ako tinext. Kahit tawag wala. Tapos dumating na iyong araw na aalis na ako. Tinext lang kita ng time na aalis ako. Nasa airport na ako noon. Pero hindi ka dumating. So I proceeded with my dreams. Kaysa sa taong hindi marunong maging masaya para sa akin.
After months of not hearing from you, tumawag ang dating opisina ko sa Pilipinas sa akin. May lalaki daw'ng naghahanap sa akin. Lasing. Nagwawala. John daw ang pangalan. I had no doubts it was you. Pero nagmatigas ako at hindi kita pinansin. Pinatay ko ang tawag. Nagpapapansin ka lang sakin ngayong huli na ang lahat?Ilang araw pa iyon naulit hanggang sa tumigil na. I was relieved, yet somehow nanibago ako. Nakakamiss din pala ang pangungulit mo John. Nakakamiss ka.
Ilang taon din akong hindi nagparamdam. Nag-deactivate ako sa facebook at blinock kita sa Instagram. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kung bakit ko ginawa iyon. A part of me regret what I did. "Pero bahala na," I said to myself.
At bahala na din siguro itong nararamdaman ko ngayon. Because after 6 years, you're finally getting the life you've always wanted.
I've always known you as a family man. Gustong gusto mong magkapamilya. At finally ito na. Ikakasal ka na.
Sa bestfriend ko pa. Hindi ba niya sinabi sayo, John? Kaya pala tumigil ka na sa pangungulit sa akin kasi she became your comfort zone. You became close, naging kayo, and the rest was history. You married her today and I can't be more happier for the two of you.
Ang dami kong mga bakit at paano. Madaming what-ifs at regrets. Pero siguro talagang hindi talaga tayo. I followed my dreams, you followed yours. And we just weren't at the same line one point in time.
I'm sorry I have to end this letter on a sad note but I'm still rooting for you. Always.
Always and Forever,
"Bat" Marie
![](https://img.wattpad.com/cover/184512047-288-k936854.jpg)
BINABASA MO ANG
Unsent Letters
RandomKung bibigyan ka ng pagkakataong sumulat sa isang tao ngayong araw, sa oras na ito, kanino mo ito ibibigay? Pero nasa sa iyo pa rin kung tuluyan mo ngang ipapadala ang sulat o pananatilihin na lamang itong munting alaala mula sa nakaraan. Welcome to...