CHAPTER 2.1

23.3K 499 6
                                    

“MANONG, malayo pa po ba tayo?” worried na tanong ni Pria habang paulit-ulit na sumisilip sa labas ng sasakyan.
Mahigit tatlong oras na yata ang biyahe nila mula Manila patungong Calatagan, Batangas ngunit hindi pa rin niya matanaw ang villa ng mag-asawang Hades at Stacey. Pakiramdam niya ay wala na yatang katapusan ang mga dinaraanan nilang bukid, establishments at mga taong nag-uusap sa gilid ng kalsada.
Honestly, Calatagan is a good place to unwind. Probinsyang-probinsya ang dating. Mas modern lang nang kaunti kaysa sa mga rural areas na pinupuntahan niya bilang bahagi ng kanyang Miss Universe reign.
Sa totoo lang din, hindi rin nagkakalayo ang mga lugar sa Pilipinas sa lugar sa mga karatig-bansa nito. Cambodia, Vietnam, Malaysia. Those countries almost look the same to the Philippines.
And she knew she don’t have to look for beautiful countries because Philippines is very accessible. Napakarami pa ring pwede pang i-discover sa sarili niyang bansa. Kaya hindi niya maintindihan ang ibang taong nagkakandarapa para lang makatungtong sa ibang bansa.
“Malapit na po, ma’am. Chill ka lang,” tugon ng driver na si Mang Toby. Ito ang driver niya simula pa noong highschool siya. Kaya naman hindi siya pumayag na kumuha ng ibang driver sa reign niya.
And speaking of her crown, hindi na hectic ang schedule niya. In fact, hindi na rin gano’n kahigpit ang Miss Universe Organization sa kanya. Siguro ay dahil malapit niya na rin naman ipasa ang Mikimoto crown at abala na rin ang mga ito sa paparating na pageant. Sa katunayan ay pinayagan na nga siya na mag-stay sa Pilipinas, though kailangan niya pa ring isama ang ilang mga tauhang ipinadala ng mga ito at kailangang naka-report pa rin sa MUO ang bawat kilos o activity niya.
“Charles, why do you have to come with me?”  baling niya naman sa makeup artist-slash-PA niyang katabi niya nang mga sandaling iyon. “Pinag-off ko na si Gold. Ikaw lang ang makulit.”
“Miss Pria, I have to be with you all the time. Yari ako sa big bosses if I let you go out on your own. Ako na nga lang ang Pinay chorva mo oh. Gusto mo bang mga foreigner ang kasama mo?” natatawa ngunit may halong himutok na tugon nito.
She sighed. “Alright. But please keep everything about this private. You’re going to hear a lot of personal matters there.”
Tumango naman ito. “Ay go lang, mamsh. Ang tagal mo na akong makeup artist. Pati boobs mo ako ang nag-aayos sa suot mo. Magi na mag-alala.”
“Huy, ano ka ba,” sita niya bago ito marahang pinalo sa tuhod.
Na-realize naman nitong kasama nila sa iisang kotse ang driver kaya napakagat ito sa ibabang labi. Siya naman ang natawa. Haaay. Members of LGBT community are really adorable. Pero hindi pa rin siya natutuwa kapag pinagbibintangan siya ng media at ng mga bayarang showbiz critics na isa siyang lesbian.
Makalipas ang ilan pang minutong pagtingin-tingin sa mga nagtataasang puno at malalawak na palayan ay natanaw na ni Pria ang villa. She couldn’t forget that villa. Iyon ang ipinamana noon ng lolo nila sa daddy ni Stacey na tito naman niya. Matagal na pinabayaan ni Stacey ang lugar na iyon dahil galit ito sa daddy nito na iniwan ito nang mga bata pa lang sila. Well, nagkaayos na ang mga ito nitong nagdaang taon and her cousin finally accepted the villa and brought its new family there.
Napangiti siya. Malayo pa lang ay kilalang-kilala niya na iyon. That place used to be their playground when they were young.
Lalo pang lumawak ang ngiti niya nang pumasok na sila sa gate niyon. Malawak ang daraanan. Marami pa ring mga puno at 'di hamak na mas well-maintained na ang lugar kesa noon.
Oh how she missed that place.
Namalayan na lamang niya na pababa na sila ni Charles sa sasakyan. Nang pagbuksan siya ng pinto ng kotse at makababa ay mabilis siyang sinalubong na pinsan na si Stacey.
“Pri!”
“Stace!”
Abot-langit ang tuwa nila nang muli silang magkita. Isang taon na yata ang nakakalipas magmula nang huli nilang makita ang isa’t isa dahil naging busy na siya sa Miss Universe pageant hanggang sa pagkapanalo niya. Ni hindi naka-attend si Pria sa kasal nito.
“Look at you! What a beautiful preggy mom,” tuwang-tuwang sabi niya habang pinapasadahan ng tingin ang pinsan niya. Tumaba lang ito nang kaunting-kaunti pero parang kinabitan lang ng fake pregnancy bump ang tiyan nito. Her cousin looked so gorgeous as always.
Ngumuso ito. “'Wag mo nga akong bolahin. I look horrible lately. Ang hirap palang magbuntis.”
“Whatever. So where’s Hades? How’s your husband? Nakakaloka naman 'yang asawa mo,” usal niya.
Magkaagapay silang naglakad ni Stacey papasok sa villa matapos niyang iabot ang shoulder bag kay Charles. Hindi na siya makapaghintay na makakuwentuhan si Stacey. Napakarami niyang ikukwento rito at alam niyang maraming-marami rin itong ikukuwento sa kanya.
“His half-brother is already there,” halos pabulong na tugon nito. “They are discussing about things. Hindi ko na sila sinamahan kasi I know they need a little bit of privacy. Wala rin naman akong planong makinig at makisawsaw. I’m stressed already.”
“If wala naman kasing mabigat na problema, 'wag mo nang isipin.” Inilibot niya ang paningin sa garden malapit sa main entrance ng villa. “Wow. Your garden looks good. Parang no’ng mga bata pa lang tayo.”
“Yeah. M-in-aintain ko talaga. Sayang naman. When I came back here, nagulat ako. Mukhang haunted house. The place became really creepy and Hades spent millions to renovate the entire villa.”
Bago sila tuluyang makapasok ay may ibinulong pa ito sa kanya. “May isa pang kapatid si Hades at 'yong Zeus. Iyon ang pinag-uusapan nila nang iwan ko sila. Hahanapin daw ni Zeus. Malapit na akong mag-mental breakdown sa mga nangyayari.”
Natutop niya ang bibig. “Oh my goodness. What’s happening to Hades’ background?”
Hindi na magawang makasagot pa ni Stacey sa tanong na iyon ni Pria dahil sabay na nilang narating ang living room kung saan nila naabutang nag-uusap ang dalawang lalaki. Sabay na napalingon ang mga ito sa kanya.
Hades smiled at her. Ngunit alam niyang kahit nakangiti ito ay may malalim itong dala-dala. Obvious na obvious sa mga mata nito maging sa gestures ng lalaki. She studied BS Psychology kaya naman kahit papaano ay naiintindihan niya ang kilos ng asawa ni Stacey.
Ngumiti rin naman siya at tumango. Ito ang lalaking tumanggap nang buo sa pinsan niya kaya kahit paano ay magaan din ang loob niya sa lalaki. She was so happy that Hades was a man of his words.
Tumayo si Hades. “Have a seat, Pria. I’m glad you could finally make it here. Miss na miss ka na niyang pinsan mo.”
Sasagot pa sana siya ngunit napako na ang mga mata niya sa lalaking kaharap ni Hades na nananatiling nakaupo. She couldn’t help but stare at him. And it felt so uneasy with the way he was staring at her, too. Sanay na sanay naman siya na libu-libong, kundi man milyon, ang mga taong nakatingin sa mukha niya. Pero iba ang pakiramdam niya nang mga sandaling iyon.
Parang... Para siyang hinuhubaran. Para siyang sinisilaban. Teka. Kailan pa siya nakaramdam ng gano’n? Kailan pa siya na-concious? She was tagged as “a woman with substance” kaya naman confident na confident siyang humaharap sa kahit sino. But being oggled by a man in front of her was kinda... kinda intense.
The man was very authoritive. Kitang-kita niya sa bawat kilos nito. And he was perfectly made by gods. His brows were thick and firm. It complemented his grey almond-shaped eyes that could surely send lightnings to her system. He had this perfect pointed nose that showed his western side. His lips were... were luscious. Mula sa malayo ay kitang-kita niya na kung gaano iyon kapula. He had a prominent angular jawline. Clean-shaved ang balbas at bigote. His Adam’s apple was slightly moving. Kagaya ng asawa ni Stacey ay guwapo rin ito. Pero ang hindi niya maintindihan, pakiramdam niya ay ibang-iba ang personality nito kay Hades. Minsan niya lang namang nakita at nakausap si Hades ngunit ramdam niya na agad ang pagkakaiba ng dalawa.
Oh, god. I must be freaking crazy.
Kahit nakaupo ito, ramdam na ramdam ni Pria na matangkad ang lalaki. Tama lang dahil kung kapatid nga ito ni Hades ay sigurado siyang kung hindi man puro ay may lahi rin itong foreigner.
Nahigit niya nang malalim ang hininga. Sandali nga. Bakit ba siya nagkakagano’n?
Pasimple siyang napalunok. Bakit parang ang init? Malamig naman nang una siyang dumating doon. The air conditioner was working perfectly, perhaps.
“Uhm, Pria. This is Zeus by the way. He’s my... my half-brother,” pagpapakilala ni Hades sa kapatid nito. Binalingan din nito ang kapatid. “Zeus, this is Pria. She’s Stacey’s cousin. Miss Universe 2019.”
Tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo. Pasimple siyang napalunok nang mapasadahan niya ng tingin ang kabuuan nito. He was not just tall. He was lean and fit. He was sexy. Kung huhubarin niya ang suot nitong black longsleeve at khaki pants ay sigurado siyang mapupugto ang hininga niya sa ganda ng katawan nito.
“Afam na afam, Miss Pri,” bulong ni Charles mula sa likuran niya na hindi niya alam na naroon na rin pala.
Pasimple siyang umiling para iwaksi ang iniisip at ang gagad ng makeup artist niya. For Pete’s sake. It wasn’t her first time to see a handsome man. Normal na iyon para sa kanya. Bakit para siyang nauuhaw nang mga sandaling iyon?
Ngumiti ito nang tipid. “Nice to meet you. I’m Zeus Hawkins.”
Inilahad nito ang kamay. Nang tanggapin niya iyon ay tila bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan niya. Mabilis niya rin tuloy nabitawan ang kamay nito.
Hindi rin nakaligtas sa pandinig niya ang baritono nitong boses. He was a perfect picture of a man. He was too good to be true to be exact.
“I’m Pria. Pria Quibael,” casual niyang tugon kahit gusto na yata niyang mapaupo.
She must be acting weird. Baka may kinalaman ang pagod sa biyahe. Hindi naman kasi siya gano’n.
I must be crazy... or I’m just tired, bulong ng isang bahagi ng isip niya.
“Let’s have a seat!” yakad ni Hades na nakalimutan niya nang tapunan ng tingin.
“Oo nga,” segunda ni Stacey bago siya iginiya patungo sa sofa.
“Miss Stacey, doon muna akes sa garden ha?” paalam ni Charles bago siya binalingan. “Miss Pri. Maiwan na muna kita.” Kumindat pa ito na tila alam kung ano ang itinatakbo ng isip niya.
“Gora,” natatawang sagot ni Stacey bago nilingon ang dalawang maid na nasa isang sulok. “Manang, pakitimpla naman po kami ng tea or juice. And serve some snack na rin po. Thank you.”
Siya naman ay hindi na makapagsalita. What happened to her? Daig niya pa ang maamong tupa na hindi man lang kumikibo at tumitingin sa paligid. She was just staring blankly at the flower vase in front of her.
“Okay ka lang?” worried na bulong sa kanya ni Stacey nang mapansin nitong hindi na siya kumikibo.
“I’m just tired siguro,” palusot na lamang niya.
No, Stace. Let’s talk in private. What the heck is this feeling. Gusto niyang ibulalas ngunit pinilit niyang sarilihin na lang muna.

Luscious Gods 2: Zeus, The Gorgeous BusinessmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon