CHAPTER 11.2

13.7K 349 7
                                    

BALOT ng katahimikan ang paligid nang mga sandaling iyon. Pria was almost catching her breath. Nasa maliit na sala sila ngayon sa loob ng bahay ni Poseidon. Walang nauunang magsalita. Pakiramdam niya, iyon na ang pinaka-awkward na sandali ng buhay niya. Katabi niya si Zeus habang nasa harap nilang dalawa si Poseidon.
She heard how Zeus cleared his throat. At last, he would finally speak. Nang pumasok sila sa bahay ng kapatid nito, hinawakan niya ang kamay ng nobyo ngunit hindi ito kumibo.
“I am Zeus Hawkins,” pakilala ni Zeus sa sarili. “I came all the way from New York to the Philippines just to find you and Hades.”
Kumunot ang noo ni Poseidon na noon ay nakikiramdam lang. “May atraso ba ako sa 'yo? Sinong Hades? 'Yong singer?”
Tumango nang marahan si Zeus. “Anak ako ni Sid Hawkins.”
Hindi nagsalita si Poseidon. Tila hinihintay nito kung ano ang susunod na sasabihin ni Zeus. Mukha itong naguguluhan sa itinatakbo ng usapan nila.
“Kapatid kita.”
Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Poseidon sa narinig. Nanatili namang tahimik si Pria. Naroon lang siya para samahan si Zeus, hindi para makialam sa itatakbo ng usapan ng magkapatid.
“K-Kapatid?” gulat na ulit ni Poseidon.
Zeus nodded. “I hired a private investigator over a month ago to find your mom, who happened to pass away three years ago. Our womanizer father told me to find you and our youngest brother and tell you the truth.”
Nakita niya ang pagtiim ng mga bagang ni Poseidon. Pakiramdam ni Pria ay hindi siya dapat naroon pero mas pinili niyang huwag nang lumabas ng bahay ng kapatid ni Zeus. Ayaw niyang kung sinu-sino ang makakita sa kanya sa lugar na iyon. Ayaw niya rin namang umalis sa tabi ni Zeus.
“Nasa’n na siya? Bakit hindi siya ang pumunta rito para naman narinig niya 'yong mga gusto kong sabihin sa kanya,” may himig ng galit na tugon ni Poseidon.
Napabuntong-hininga si Zeus. “He’s gone. Before he died, he told me about you and Hades. If he had told me everything long before he died, ako mismo ang magdadala sa 'yo sa kanya.”
Tila lumambot nang kaunti ang mukha ni Poseidon, pero nanatili pa ring seryoso. Hindi ito kumibo.
“How have you been?” tila alangan pang tanong ni Zeus sa kapatid matapos ang ilang segundong katahimikan.
“Mag-isa akong itinaguyod at pinalaki ni mama,” sagot ni Poseidon. “Pinagtapos niya ako sa college sa Batangas State University. Pinalaki niya ako na ang pinagkakakitaan lang namin eh itong maliit na resort na 'to at ang pagtitinda niya ng isda sa palengke.”
“Your mom raised you well, I guess.” Hindi niya na napigilan ang sariling magkomento. “And you’re proud of her.”
Tumangu-tango si Poseidon. “Ang kwento ni mama, pinagtaguan daw siya noon ng tatay ko. Pamilyado raw pala. Nabalitaan niya na lang na may anak. Eh 'di umuwi siya sa Pilipinas nang buntis. Tinawag na disgrasyada.”
“I’m very sorry to hear that,” paumanhin ni Zeus.
Tinitigan niya si Poseidon. Sinubukan niyang pag-aralan ang mga simpleng kilos nito. Zeus’ younger brother was more carefree. Mas chill lang. Unlike Zeus who was a bit reserved, Poseidon was more open about anything.
Hindi na siya nakatiis. She excused herself. Gusto niya nang makapag-usap nang mas masinsinan ang dalawa. Gusto niyang pagbalik niya sa loob ay okay na ang mga ito. May mga bagay na hindi niya dapat marinig. At hindi naman niya rin gustong pakialaman.
Elevated from the ground ang bahay ni Poseidon kaya naman bumaba pa siya sa hagdanan at naupo sa isang wooden bench sa tabi na rin mismo ng hagdan, paharap sa asul na karagatan. The view was perfect for her Instagram but she choosed not get her phone and snap another batch of photos. Mas gusto niyang titigan muna iyon.
Suddenly, she found herself thinking about random things. Naalala niya ang mga napag-usapan nila ni Stacey. Maging ang naging pagbati sa kanya ni Hades nang minsang makabungguan niya ito sa garden ng villa.
“According to Stacey, ibang-iba ka na raw. I am certain that Zeus played a big part. We’re happy for the both of you,” nakangising bati sa kanya ni Hades.
She stared at her feet. Ibang-iba na nga ba siya? Napaisip siya.
Mas masaya na siya ngayon. Mas kuntento sa blessings na natatanggap niya. Mas open na rin siya tungkol sa maliliit niyang flaws na ayaw na ayaw niyang makita ng ibang tao noon. At ang pinakamalaking nagbago sa kanya, nagbago ang pananaw niya sa pag-ibig, pag-aasawa, at pagkakaroon ng isang pamilya.
Suddenly, she had this feeling that she wanted to experience being in love. She wanted to get married because of love and affection and not just because of convenience.
Nasa gitna siya ng pagmumuni-muni nang walang anu-ano’y may humatak nang malakas sa buhok niya mula sa likuran niya. Na-out of balance pa siya at tuluyang lumagpak sa lupa sa sobrang lakas ng pagkakasabunot sa buhok niya. Napatili siya nang malakas.
“Hoy, anong ginagawa mo sa bahay ng boyfriend ko ha?! Haliparot na 'to!”
“Oh my god, let go of me!” sigaw niya sa kung sinumang sumasabunot sa kanya nang mga oras na iyon. Nakatayo na siya pero hindi pa rin siya nito tinitigilan sa pagsabunot.
“Anong ‘let go, let go’? Sagutin mo 'ko!” malakas na tugon pa rin ng hindi niya kilalang babae na hila nang hila sa buhok niya.
Tuluyan nang natanggal ang suot niyang summer hat sa kakahila nito sa buhok niya. Sa inis niya, ginamit niya rito ang isang self-defense move na hindi niya pa nagagamit kailanman sa isang physical fight. Buong lakas niyang hinila ang kamay nito at pinilipit iyon hanggang sa likod mismo ng babaeng umatake sa kanya. Dahil mas malaki siya rito, buong lakas niya itong itinulak hanggang sa tumilapon ito tatlong metro ang layo mula sa kanya.
“What are you doing?!” nanggagalaiti niyang tanong dito.
Nanggigigil itong bumaling sa kanya mula sa binagsakan nito. Nawala ang gigil nito nang matitigan siya nang matagal.
The woman in front of her was wearing a black off-shoulder top and shorts. As in short shorts. Kitang-kita na ang inner thighs nito mula sa pinagtumbahan nito. Maganda naman ito pero masyadong makapal ang makeup, parang pang-Oscars red carpet na. A bit petite but voluptuous.
“P-Pria? Pria Quibael?” hindi makapaniwalang banggit nito sa pangalan niya.
“What happened?” humahangos na tanong ni Zeus na narinig niyang pababa mula sa hagdan.
“Margaux?” narinig niyang sambit ni Poseidon.
Inayos niya ang nagulong buhok. Mabilis namang lumapit sa kanya si Zeus at hinawakan siya sa magkabilang braso.
“Are you alright?” tanong ni Zeus bago hinaplos ang mukha niya. She felt calmness in her system instantly.
“She attacked me out of nowhere,” kalmadong paliwanag niya. Ayaw niyang magmukhang nakipag-cat fight lang siya sa kung sinong babae.
Dinaluhan ni Poseidon ang babaeng tinawag nitong Margaux. “Ayos ka lang?” sinserong tanong nito sa babae bago ito inalalayang makatayo.
“A-Ano bang ginagawa nila rito?” tanong ni Margaux habang pinapagpagan ang sarili. “A-Akala ko may kabit ka na.”
Naihilamos ni Poseidon ang mga palad sa sariling mukha. “Nakakahiya 'tong ginawa mo. Mag-sorry ka sa kanya.”
“Ayoko!” mariing tanggi ni Margaux. In all fairness, medyo magaspang ang babae. “Sabihin mo muna kung bakit siya nandito! Ano bang ginagawa nila rito!”
“Wala akong kailangang ipaliwanag sa 'yo. Wala na tayo, remember? Kakasabi mo lang niyan noong nagdaang linggo,” tila naiinis na sagot pa ni Poseidon.
Tumikhim siya. “No need for her sorry, Poseidon. Just tell her to have some class next time or I will file a legal case against her.”
Iyon lang at tinalikuran niya na ang mga ito. Pumanhik na siya sa hagdan at pumasok na lang muli sa sala.
Mukhang mahirap yata talagang mahalin ang magkakapatid na Hawkins. Kailangan niya na yatang tanungin si Stacey kung anong sikreto nito para mapag-settle ang isang Hades Vaughn. Baka sakaling mai-apply niya kay Zeus at maituro niya rin sa Margaux na iyon.

Luscious Gods 2: Zeus, The Gorgeous BusinessmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon