CHAPTER 12.1

14.5K 334 3
                                    

HALOS magkandarapa ang mga staff ng Surface Interval resort nang dumating si Pria roon. Katabing resort lang iyon ng maliit na resort ni Poseidon at masasabi niyang five star resort talaga iyon. May mangilan-ngilan pang kumukuha sa kanya ng picture.
Kagabi pa niya gustong pumunta roon pero pinalipas niya muna ang magdamag. Hindi niya masyadong kinibo si Zeus.
“It’s our pleasure to have you here, Miss Pria!” maganang bati ng tila manager ng resort na iyon. Hinarang na siya nito ilang metro ang layo mula sa entrada ng mismong resort.
Binasa niya ang name plate nito. “Jona. Miss Jona?”
Tumango naman ito.
“Thank you for this warm accommodation but can you please tell everyone to put down their phones? No pictures, please. I am just here to unwind,” pakiusap niya rito.
Mabilis naman nitong sinabihan ang mga staff at inutusang pakiusapan ang ilang guest na naroon. Nakahinga siya nang maluwang. She was just about to walk her way through their mini-bar nang may isang humahangos na babae ang lumapit sa kanya.
“We’re pleased to have you here, Miss Pria.”
Nilingon niya ang pmilyar na boses. Bumungad sa kanya ang mukha ni Margaux na tila nag-aalangan pa sa kanya nang mga sandaling iyon. The woman was still ashamed of what it did earlier to her.
“Hi,” bati niya rito. “You’re working here?”
Honestly, she didn’t want Margaux to be her company for that moment. Pero wala naman siyang ibang pwedeng kausapin. Ito lang ang associated sa kapatid ni Zeus. So she had no choice. Hindi rin naman siguro siya nito kakaladkarin sa public dahil may kasalanan ito sa kanya.
“Sa family ko 'tong resort na 'to,” tila nahihiya pero medyo ma-attitude pa rin nitong tugon.
She smiled. “Great. Do you have a VIP room here? Take me there and drink with me.:
“Ha?” confused na tanong nito.
“Let’s talk about those Hawkins,” aniya. Nang tila hindi nito naiintindihan ang mga sinasabi niya ay dinugtungan niya iyon. “Poseidon and Zeus.”
“Tara sa VIP room,” yakad nito sa kanya.
Magkasunod silang pumasok sa lobby. Sa mismong lobby ng beach resort ay may mangilan-ngilang pamilya at magkakaibigan na nagkakasiyahan. Lahat ng mga iyon ay napatigil at natulala sa kanya. Mabilis namang lumapit ang ibang staff nang may sumubok maglabas ng phone para kuhaan siya ng picture.
Sa gilid ng mini-bar ay may maliit na kwartong may nakalagay na “VIP.” Binuksan iyon ni Margaux para sa kanya.
“Anong gusto mong inumin?” tanong nito.
“Give me your strongest liquor.” She rest her back on the couch. “I want to get drunk.”
Margaux didn’t say a word. Tumango lang ito at umalis sandali. Pagbalik nito ay may dala na itong isang dosenang shot glass. She didn’t know what were those but she didn’t bother asking.
Naupo si Margaux sa harap niya.
“Bakit nandito ka?” diretsang tanong nito sa kanya.
She displayed a wry smile. “Because I have no one to talk to.”
“Nag-away kayo no’ng jowa mong foreigner?”
Umiling siya at natawa. She took a shot glass and drank the alcohol straightly. Napapikit siya. It was a strong drink. Pakiramdam niya ay nag-apoy ang sikmura niya.
“How I wish we’re just having a lover’s quarrel,” tugon niya. “But, no.”
Bumuntong-hininga si Margaux. Tumingin ito sa kawalan. “Ang komplikado 'no? 'Di mo naman gusto na masaktan ka pero wala kang magawa.”
“Do you love him? Do you love Poseidon?”
Saglit siyang tinitigan ng babae bago nagsalita. “Oo. Yata. Ewan ko. Ayoko na kasing gamitin siya.” Kumuha na rin ito ng shotglass at ininom ang laman niyon. “Nilandi ko lang naman siya para sa resort niya. 'Tapos ang ending, ako pa ang nahihirapan.”
“Wow,” komento niya. “ang complicated ng love affair nilang magkakapatid.”
“Magkakapatid? Marami bang kapatid si Zeid?” usisa ni Margaux. “Kapatid niya ba 'yong jowa mo?”
Sa halip na sagutin ay kumuha na lang siya muli ng shotglass. How she wish she could just go back to the past and avoid Zeus. Eh 'di sana, naguwardiyahan niya ang puso niyang marupok.

Luscious Gods 2: Zeus, The Gorgeous BusinessmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon