CHAPTER 11.4

17.5K 364 8
                                    

PRIA STEPPED out of the nipa room. She was finally wearing her bikini. Noon na lamang siya ulit nakapagsuot niyon sa beach na walang mga photographer o media na nakaabang sa kanya. And it was very refreshing.
It was a very sultry mustard two-piece bikini. She bought just a week before their trip to Isla Verde. Medyo nalungkot pa nga siya habang namimili siya. Hindi niya kasi makakasama si Stacey this time.
Confident siyang naglakad patungo sa beach. Abala pa si Zeus sa pakikipag-usap kay Poseidon kaya siya na muna ang bahala sa sarili niya. It would also be a perfect timing for her “me-time.” Matagal-tagal niya na iyong hindi nagagawa.
You must see me as soon as possible, Hawkins. How dare you to leave me at that small nipa room for three hours? nanggagalaiti niyang sabi sa likod ng isipan niya.
She brought her shoal with her. No need to bring a bottle of sunblock. Nakapag-apply na siya no’n sa katawan.
“Ah, a perfect view,” nasambit niya nang sa wakas ay makarating siya sa tabing-dagat.
Pasalampak siyang naupo sa buhanginan. Wala siyang pakialam kung mapuno siya ng buhangin sa katawan o kung mangitim siya dahil alas quatro pa lang ng hapon. Mas pagsisisihan niya kung hindi siya nagkaroon ng pagkakataong maupo nang mag-isa roon.
Pinagmasdan niya ang malinis na tubig. Nakatitig lang siya sa kawalan habang lumilipad ang isip niya tungkol sa mga bagay-bagay.
Well, tungkol kay Zeus.
All her life, she believed that she didn’t need kisses and hugs from a man. Ang akala niya, kaya niyang maging independent woman throughout her life. She was very firm with her life perspectives. Kahit pa si Stacey noon ay hindi niya pinapakinggan sa tuwing pinapayuhan siya nito tungkol sa romantic relationship.

But when she met Zeus, she found out that she had these needs that only him could provide. She thought it was all about physical pleasure, kaya pumayag siyang maging girlfriend nito under a contract. Pumayag siyan mag-trial and error sila. Na ma-commit sila na walang involved na love. She knew it was one crazy thing.
At pinagsisisihan niya iyon ngayon. Bakit? Kasi alam niya sa sarili niyang nagbago siya. If it wasn’t Zeus, maybe there would be no problem at all. Pero dahil ang lalaki ang boyfriend niya, alam niyang masasaktan siya any moment from now.
Huminga siya nang malalim. Anong mangyayari kung sasabihin niya kay Zeus ang nararamdaman niya? Would it make any difference?
“Damn this love,” inis na bulong niya sa sarili.
She then remembered the time when she asked Stacey about how to handle feelings for someone. That was about five years ago at kapwa pa nila hindi kilala si Hades at Zeus.
“If you like that person, tell him.” Stacey took a sip from its cup of coffee. “Gano’n lang naman 'yon. Bakit? May nagugustuhan ka na ba?”
Umiling si Pria at natawa. “I’m just asking you out of the blue. You know. They always say na pareho raw tayo ng ugali since no’ng mga bata pa tayo.” She looked at the perfect view of Taal lake. They were currently at Tagaytay City and having some coffee. Noon na lamang ulit silang nagkita dahil busy siya sa career niya.
“Yeah. Kaya nga napagkakamalan pa tayong magkapatid. Ang kaibahan lang natin, you grew up well. Finesse. Classy. Habang ako...”
“You know you can always leave that profession,” putol niya sa sasabihin ni Stacey.”You have saved enough money already. You have everything now. You can just go back to your normal life.”
Umiling ang pinsan niya. “Not until I found someone who would accept me and my darkest pasts.”

Napatayo siya mula sa pagkakasalampak sa buhanginan. She covered her lower body with her shoal and marched toward’s Poseidon’s home. Siguro naman ay tapos na sa mahabang kwentuhan ang dalawang iyon.
Gusto niyang kausapin si Zeus. Si Stacey na may dark background nga as an escort ay minahal at pinakasalan ni Hades. Hindi imposibleng magustuhan din siya ni Zeus. Ramdam niya naman sa mga words and gestures nito na nag-aalala rin ito sa kanya. He was caring and sweet. Hindi naman siguro nito iyon gagawin kung hindi siya nito mahal, or gusto man lang, at least. Sa mga susunod na araw na lang siguro niya itutuloy ang “me-time” niya.
Habang palapit nang palapit sa bahay ng kapatid ni Zeus ay pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ni Pria. Pakiramdam niya ay sasabog na iyon anumang oras. It was the first she would tell a man about her feelings. It felt very unusual.
Hindi ba siya nakakahiya? Tama ba ang gagawin niya? She felt reluctant for a second. She couldn’t believe what Zeus have done to her. From a beauty queen to a hopeless hoe. Iyon ang nararamdaman niya sa sarili niya pero ni wala siyang magawa.
She decided to proceed anyway. Naroon na siya. Isa pa, pwede namang pagkatapos niyang sabihin 'yon kay Zeus ay bumalik na lang siya sa villa at magpakain sa lupa.
Paakyat na siya sa hagdan nang marinig niya ang usapan ng dalawa nang nasa kalagitnaan na siya. She was about to leave but her feet refused to move. Para siyang mina-magnet ng usapan ni Zeus at Poseidon. She knew it was very unethical but she couldn’t help but to listen.
“Bale, aalis ka rin agad sa katapusan?” Boses iyon ni Poseidon.
“Yeah,” narinig niyang sagot ni Zeus. I have business there. I have no reason to stay here in the Philippines anymore. And you can come with me. We have a deal about dad’s properties, right? You can start to manage everything as soon as possible.”
Nalukot ang mukha niya.
“Eh pa’no si Pria? Girlfriend mo siya, 'di ba? Hindi mo na siya babalikan dito?”
Hindi siya nakarinig ng anumang sagot mula rito. Mabilis na nagkalambong ang mga mata niya. Bababa na sana siya ulit nang bigla niyang marinig na magsalita si Zeus.
“She would surely love to stay here. Don’t mind her,” maiksi nitong tugon. “It’s not a kind of romantic relationship that you think.”
Don’t mind me? Nanggalaiti siya. Not that kind of romantic relationship?
So after all those dinners, dates and steamy nights, iiwan lang siya ni Zeus nang hindi man lang siya kinakausap nang maayos tungkol sa pag-alis nito? She thought he was gentleman and perfect.
Akala niya lang pala iyon. Because he was heartless and ruthless. Ni hindi man lang nito magawang ayusin kung anuman ang meron sa kanila. Oo nga’t isang kontrata lang ang naging ugat ng relasyon nila. Para sa convenience lang nila noon. Pero hindi man lang ba ito nakaramdam ng kahit kaunting affection? How rude.
Galit siyang naglakad palayo sa bahay na iyon. Suddenly, tears fell from her eyes. Sa buong buhay niya, iyon ang unang pagkakataong umiyak siya nang dahil sa isang lalaki. And it was totally worthless.

Luscious Gods 2: Zeus, The Gorgeous BusinessmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon