CHAPTER 10.2

14.4K 324 7
                                    

“BYE!”
Pria waved her hand and watched Hades and Stacey’s car slowly disappeared from her sight. Umalis na ang mga ito papuntang Manila at siya, si Zeus at ang mga katulong sa villa na lang ang naiwan nang mga sandaling iyon.
Four days from now, sasama na rin siya kay Zeus sa pagpunta sa Isla Verde kung saan daw nakatira ngayon ang isa pa nitong hinahanap kapatid. She promised Zeus that she would be with him.
Napabuga siya ng hangin. What will happen to her after finding Poseidon? Ito na lang ang hinahanap ni Zeus at pagkatapos ay kailangan na raw nitong bumalik sa US at asikasuhin na ang business nitong mahigit isang buwan na rin nitong iniwan. Kahit papaano, nasanay na siya sa presensya ni Zeus. Sa katunayan, ito na nga ang lagi niyang kasama sa ilang guesting at mallshow niya sa Pilipinas nitong mga nakaraang linggo.
“Don’t worry about your cousin. She looks like a tough woman.”
Napalingon siya kay Zeus. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng warmth nang akbayan siya ng lalaki. It was unusual. Hindi niya alam kung masyado lang siyang nagiging overacting o talagang nag-iiba na ang pakiramdam niya sa tuwing nasa paligid Zeus.
She smiled. “Yeah. Si Stacey pa. She’s one tough lady. Mas excited ako para sa kanya.”
“You have plans tonight?” he asked out of the blue.
Umiling siya. “Bukas nang gabi pa. May special appearance ako sa Paru-paro Festival bukas sa Dasmarinas City sa Cavite. Gold sent me my schedule for this month and gladly, I only have six appearances and two photoshoots.”
“Good. We can have some fancy dinner tonight.”
Lumapad ang ngiti niya. She didn’t want to expect anything from a cold businessman like him. Pero hindi niya naman maiwasang matuwa. He seemed to be  really fond of her as much as she was of him.
“Why all of a sudden?” naitanong niya imbis na mag-thank you na lang. She felt so shy after asking such question.
Nagkibit-balikat ito. “I just want to be with my future wife. Why? Do you have any other activities later? Are you going to see someone else?”
Lumuwang ang ngiti niya.  “Jealous, future husband?”
She didn’t mean to tease him that way but words just slipped out of her mouth. Natutop niya tuloy ang mga labi. Lately, she was becoming really to vocal. Hindi niya gusto iyon. Tunog-pakialamera na yata siya. Walang class.
“I am not,” confident na tugon nito. “I know that no one else can make you moan like I do.”
“Oh my—”
“Am I not satisfying you?”
Natigagal siya sa tanong na iyon. “Y-You do.”
Hinapit ni Zeus ang bewang niya at kinintalan siya ng halik sa leeg. “Good. As long as you want me to be your bed partner, I’ll gladly do the honor.”
Surprisingly, she never found it lustful. Nawala siya sa mood. She just faked a smile and excused herself. Nagdahilan na lang siya na magsi-CR kahit pa sa kwarto niya na siya dumiretso. Walang gana siyang napaupo sa dulo ng kama.
She was honestly staying at the villa not just for Stacey but also for Zeus. Aminado naman siya sa sarili niya. Her mom would call her desperada but she just wanted to enjoy being with Zeus. She was always at ease whenever she was with him. She could unleash her clumsy and normal side. Hindi niya kailangang maging perpekto dahil ito na mismo ang nagsasabi sa kanya na “loose a little bit” at “don’t be too serious about anything.”
Yes, she was starting to like Zeus in a romantic way. The word “in love” was too deep already, but she just wanted to have another level of connection with him. She just wanted them to be more at ease, to know each other well. Gusto niyang maging boyfriend ang lalaki hindi lang dahil binibigyan siya nito ng satisfaction sa kama at nagbi-benefit lang sila sa isa’t isa.
For short, she wanted to have something beyond physical with him.
Wala naman sigurong masama sa gusto niya. Kaya sa tuwing nararamdaman niya sa lalaki na transactional lang talaga ang lahat sa kanila, at sa tuwing mababanggit nito ang tungkol sa usapin ng sex na parang isa lang iyong business ay naiinis siya nang palihim.
Hindi mahirap mahulog sa lalaki. He was oozing with sex appeal, a total eyecandy. He was drop-dead gorgeous. He was successful. He was gentleman. Nasa lalaki na ang lahat. And he was appreciating her more than anyone else.
“Argh,” protesta niya sa sarili. “Why are you thinking too much about this, Pria?”
Kahit pa walang gana ay nagsimula na siyang maghanap ng isusuot niya para sa dinner nila ng binata. She wanted to look fabulous in his eyes.
Baka sakaling matuto kang magkaroon ng affection sa iba, mapaklang sabi niya sa isip habang iniisa-isa ang mga dress na naroon sa closet.
Shame on you, Pria, anang isang bahagi ng isip niya.  You look so desperate to make him like you, too.

Luscious Gods 2: Zeus, The Gorgeous BusinessmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon