CHAPTER 8.2

15.8K 377 5
                                    

PANAY ang bulungan ng mga tao sa paligid nang dumating si Pria sa studio kung saan gaganapin ang shoot niya. Panay ang simpleng pagkuha ng mga ito ng picture sa kanila ni Zeus.

Well, hindi niya naman masisisi ang mga ito. Kasama niya ang lalaki. They were holding hands together. Wala pang isang buwan nang sabihin niya sa isang interview na wala siyang boyfriend. Wala siyang napupusuan. Pero heto siya ngayon at may kahawak kamay na guwapong lalaki.

"Sino 'yon? Ang hot ng boyfriend ni Miss Pria," bulong ng isa sa mga taong naroon.

Natuluy-tuloy siya hanggang sa maupo sa high chair sa harap ng makeup artist niyang nakasimangot na sa kanya. Zeus decided to sit on the couch nearby.

Pasimple siyang pinandilatan ng mga mata ni Charles. "Huy, ano ba. Grabe ka Miss Pria," halos pabulong na nitong sita. "Tumawag sa 'kin si Madam Zoe. Nagulantang daw ang buong MUO. Ayusin mo raw 'yong issue mo. Bakit daw hindi niya alam ang tungkol sa inyo."

"Wala naman siyang dapat ikatakot," aniya na ang tinutukoy ay ang MUO executives at ang manager niya. "Mama Zoe left me for a vacation with her jowa. I think I have all the rights to have my own love life too."

Sinimulang linisin ni Charles ang mukha niya gamit ang makeup remover. He removed the simple makeup she wore.

"In all fairness ah," pabulong na tudyo nito. "Parang kelan lang nang magkita kayo. Ngayon, pakak na pakak na ang holding hands."

Inunahan niya na ang makeup artist. "Oh no. Don't ask me for details. I know you."

Charles grinned. "Ikaw mamsh ah."

Nakangiti na lang siyang napatitig sa lalaking abala sa pagbabasa ng magazine na nakuha nito mula sa magazine rack. Naka-de quatro pa ito. Kitang-kita ang authority. He was very prim in public, just like her.

Kung alam lang nila ang ginawa namin kagabi.

Nagulat na lamang siya nang bigla siyang sipatin ni Zeus. He smiled. Narinig niya ang impit na tili ng ilang staff na naroon. Ooh, that sexy smile. Para siyang sine-seduce maging ng simpleng ngiti nito. Alanganin na lang siyang napangiti pabalik.

Ang mga labing iyon? Hah. Nagawa siyang baliwin ng mga iyon. He made her cum all the way last night. At hinding-hindi siya lugi na maging boyfriend ito, kahit pa sabihing transactional ang relationship nila at walang feelings na involved. At least, she would surely enjoy his company, his body, his existence.

Matapos ang pagmi-makeup sa kanya at pagpapalit ng isusuot niya para sa photoshoot, naupo si Pria sa tabi ni Zeus. Sigurado siyang naiinip na rin ang lalaki.

"Ganyan katagal ang pag-aayos sa isang babaeng celebrity?" bungad na protesta nito. "You look so good already with your makeup earlier. Why do they have to change it?"

"Shhh," sita niya. "Gano'n talaga."

Inilapit nito ang sarili sa kanya at bumulong. "Well, you look hot."

Napatingin siya sa suot na sexy two piece. She didn't mind putting another layer of clothes dahil magsisimula na rin naman ang shoot anytime soon. She was wearing a sultry red strapless two-piece para sa ad ng isang tuna brand.

"Am I?" painosente niyang tanong.

Inakbayan siya ni Zeus at pasimpleng hinaplos ang tagiliran. That gesture gave a sudden jolt of electricity throughout her body. Napasinghap siya.

"Pasalamat ka we're still here. Kung tayong dalawa lang, you would surely scream my name again and again," he whispered underneath his warm breath.

Pasimple niyang nakagat ang ibabang labi kasunod ang banayad na pagtawa. "You're a perv."

He smiled back. A sexy yet devilish smile. "I am. I'll show you later."

Luscious Gods 2: Zeus, The Gorgeous BusinessmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon