CHAPTER 12.2

14.8K 348 5
                                    

“OH, HI MR. HAWKINS!” Pria said out loud. She was so happy to see him right next to her. Kamumulat lamang ng mga mata niya at kahit pa medyo umiikot ang paningin niya ay sigurado siyang si Zeus ang nasa harap niya.
“You’re drunk,” malamig na anunsiyo nito.
She laughed and pinched his nose. “No, I am not.”
Tiningnan niya ang paligid. Hindi siya sigurado kung iyon ba ang ginamit nilang kwarto nang dumating sila kahapon ng umaga.
“We moved to another room. Kagabi pa tayo lumipat,” tugon nito bago naupo sa gilid ng kama kung saan siya nakahiga nang mga sandaling iyon. “Nasira natin 'yong bed sa kabilang room, remember?”
She grinned. “Right, right.”
Humalukipkip si Zeus. “Now, tell me. What happened to you? Bakit nakipag-inuman ka sa Margaux na 'yon? What if lumabas sa public?”
“Masisira ang image mo?” sarcastic niyang dugtong sa sinasabi nito. “Masisira ang image nating dalawa?”
“Pria?”
“Oh, why heartless businessman? Why?” she asked out loud.
Huminga nang malalim si Zeus bago tuluyang tumayo. “Rest for now. You’re still drunk.”
Akmang lalabas na ito ng kwartong iyon nang bigla siyang bumalikwas sa pagkakahiga. “Where do you think you’re going?!”
Gulat na napalingon sa kanya ang binata. Maybe he couldn’t believe she would shout out like that. She wasn’t raised to be like that, pero hindi niya makontrol ang sarili nang mga sandaling 'yon. Perhaps it was all because of alcohol.
“Pria, you’re raising your voice,” paalala nito.
“I know!” tugon niya. “Because I want to talk to you.”
Walang imik itong naglakad palapit sa kanya. He looked so puzzled yet he didn’t say a single word. Humalukipkip lang ito at naupo sa tabi niya.
Tinitigan niya ito sa mga mata. Hindi siya nahihiya nang mga sandaling iyon. Bakit niya kailangang mahiya? Sasabihin niya lang naman ang gusto niyang sabihin. Kailangan niyang ilabas lahat. Pagod na pagod na siyang marinig ang tungkol sa kontrata nila. Pagod na pagod na siyang magpanggap na okay pa rin sa kanya ang ganoong setup.
“You’re the most heartless person in the universe,” umpisa niyang wala man lang kakurap-kurap. “You don’t care about other people’s feelings. As long as it benefits you, you’re good with it.”
“I don’t get you,” seryosong tugon ni Zeus.
“Shut up!” sigaw niyang muli. “S’yempre you would never understand me because you couldn’t even understand your own heart and brain.”
Hindi na ito kumibo.
“Zeus, kahit ba kaunti hindi ako kamahal-mahal?” Hindi niya inaasahang tutulo ang mga butil ng luha mula sa mga mata niya. “Kahit ba minsan, hindi mo ba naiisip na hindi lang ako throphy girlfriend at hindi pwedeng maging throphy wife? Kahit ba minsan hindi mo nakitang I am more than just a sex partner?”
“You agreed to be my g—“
“Damn you!” singhal niya. “Can you please set aside that contract? Zeus, this is about feelings. Not about a business transaction! So what’s your plan now that you’ve met Poseidon already? You’ll leave the country? You’ll go back to your usual life? You’ll wait for me to follow you? Ako ba dapat ang maghabol sa 'yo para sabihing, ‘Hey, ako 'yong magiging asawa mo, 'di ba? I think it’s about time na ikasal na tayo.’ Something like that?”
Nagtangis ang mga bagang nito pero pinilit pa ring maging kalmado. “Then what is it all about? What do you want me to do? What do you want me to feel, Pria? What is this fuss all about?”
Nalaglag ang mga balikat ni Pria. Pakiramdam niya ay ito na ang pinaka-insensitve na taong nakilala niya sa buhay niya. Sa dami ng pinagsasabi niya, hindi man lang ito nakakuha ng hint.
“Zeus, I don’t want to proceed to our agreement anymore,” sumusuko niyang sabi. Tumulo ang mga luha niya. “I want us to be a normal couple. I... I... I think I’m falling for you. Gano’n ka rin naman 'di ba? You’re starting to have feelings for me, right?”
Zeus seemed shocked for a moment. Pero segundo lang ang lumipas ay naging blangko na ang expression nito. Kahit pilitin niya ay hindi niya maaninag kung ano ba ang naglalaro sa isip nito. He was expression was just plain blank.
Sunud-sunod pang tumulo ang mga luha niya. Hindi niya akalaing ganoon lang ang kahihinatnan ng usapan nila. Ibinaba niya ang pride niya. Pinagmukha niyang cheap ang sarili niya but in the end, hindi man lang nagawang sagutin ni Zeus ang mga sinabi niya.
“You’re heartless,” mahinang sambit niya bago tumayo at sinimulang ipunin ang mga gamit. “You just want me to be displayed as your woman. You just want to fuck me like some sleazy girls you might meet in a club. You. Are. Heartless.”
Pakiramdam niya ay nawala na ang bisa ng alak sa sistema niya. She could fully feel the pain in her heart. Hindi iyon kayang i-overcome ng kahit anong alak. It was the first time she had felt that. At hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.
Kinuha niya ang phone at mabilis na hinanap ang number ni Hades sa contacts niya. “Hello, Hades. Can you please contact your boatman and bring the yacht here at Isla Verde? Yes. Ngayon na. Thank you.”
Iyon lang at tinapos niya na ang call conversation.
“Gabi na. Why not just leave tomorrow?” tanong ni Zeus.
Kung hindi pa siya nagigising sa pag-iilusyon niya ay iisipin niyang nag-aalala ito sa kanya. Pero hindi. He was just like that.Saying nice things to people as if he cares for them.
She stared at him for seconds and just shrugged. “I can manage myself. Before I met you, I was more than independent than you think.”
Hindi na ito nagsalita pa. Hindi na rin niya magawa pang awayin ito. What for? Para lang lalo nitong maipamukha sa kanya na hindi naman siya kamahal-mahal? She wasn’t just a sex toy. She wasn’t a throphy girlfriend and a soon-to-be throphy wife.
She had enough.

Luscious Gods 2: Zeus, The Gorgeous BusinessmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon