CHAPTER 8.3

15.7K 363 4
                                    

KATATAPOS lang ng shoot ni Pria. Hindi naman siya napagod. Isang oras lang yata iyon tumagal dahil dalawang outfit lang ang kailangan niyang isuot. She was still full of energy kaya naman mabilis siyang um-oo nang yayain siya ni Zeus na mag-coffee muna sa labas. Matagal na rin nang huli niya iyong gawin.

Tumawag din sa kanya ang manager niya kani-kanina lamang. Pinagsabihan siya nito at sinigurong hindi one-week fling lang ang nangyayari sa kanila ni Zeus. Inalam din nito ang background ng lalaki at mabilis namang um-approve nang sabihin niyang ito ang may-ari ng pinakamalaking publishing company sa America. Well, kahit naman sino ay walang masasabi sa lalaki. He was very successful at his early thirties. He was a perfect catch.

And a perfect bed partner.

Naroon na sila ngayon sa isang coffee shop sa may BGC. She was sipping her winter Espresso Cream while reading the contract.

"Okay..." Wala naman siyang makitang mali.

"What do you think?" asked Zeus.

Napamulagat siya sa gitnang bahagi ng kontrata. "Why do we have to live together?"

"We have to be comfortable with each other," balewala lang na sagot nito. Parang robot lang ang kausap.

Napaisip siya. Live in? Kahit kailan ay hindi niya naisip na papayag siya sa ganoong idea. She very tough with her words before na mas gusto niyang ikasal muna sa isang lalaki bago siya tumira sa isang bubong kasama ito.

Hindi siya agad nakakibo.

"You want me to revise the contract?"

Napatitig siya sa mga mata ng lalaki. His beautiful eyes were always deep. Hindi niya alam kung bakit pero sa tuwing tumititig siya sa mga mata nito ay hindi na siya nakakapag-isip nang maayos. It was as if he was hypnotizing her using those deep, secretive eyes he had.

"No," tila wala sa sariling tugon niya bago muling ibinalik sa kontrata ang mga mata. "Okay na 'to. I'll sign these papers right away."

She picked up the pen and sign all of the copies. Hindi niya na rin naman iyon gustong patagalin. Mayroon namang bahagi sa kontrata ang nagsasabing pwede nilang ipa-walang bisa iyon sakalimang magkasundo silang dalawa na hindi sila nagwo-workout as a couple. Knowing Zeus, wala siyang dapat ipag-alala.

Napaisip siya sa gitna ng pagpirma. Hindi niya akalain na sa kabila ng iilang linggo pa lang nilang pagkakakilala ay pagkakatiwalaan niya nang ganoon si Zeus. Pakiramdam niya ay kaya niyang ipagkatiwala nang buo ang sarili niya rito. She wasn't a clingy woman, but having Zeus around made her more comfortable.

"Don't be so serious," ani Zeus nang mapansing seryosong-seryoso siya sa ginagawa.

Itinulak niya patungo rito ang mga papel matapos iyong pirmahan. Pagkatapos ay inilahad niya ang kamay sa lalaki. "It's my pleasure to accept your offer, Mr. Hawkins."

Nakingiting tinanggap iyon ng binata. "Thank you, soon-to-be Mrs. Hawkins."

Hindi niya alam kung bakit pero tila nakiliti siya sa narinig.

"So," aniya bago bawiin ang kamay at sumimsim ng frappe. "Hanggang kailan ka lang ba rito sa Philippines?"

"Why? Are you coming back to US with me?" nakangising tanong din nito.

"Wala sa contract 'yan. Ang sabi atleast thrice a month lang natin kailangang magkita kung wala tayo sa Pilipinas," nakairap niyang tugon kahit tila natuwa siya nang marinig ang suhestiyon nito.

Puwede rin.

Natawa si Zeus. "You're starting to rely on our contract that much. Nakakatakot kapag ikinasal na tayo at kailangan na ng bagong kontrata. Anyway, I am going to Verde Island by the end of this month. Nando'n daw si Poseidon. Do you want to come with me?"

"Poseidon?" Hindi niya iyon kilala.

"Yeah, he's our half-brother," tugon naman nito. "The private investigator I hired found him there."

"And after going to your brother?"

He took a sip from the cup of his coffee. "Well, I will give him all of those properties my dad have left. I have no interest of keeping then. Then, I'll go back to US to have a normal life again."

And what about her? Hindi niya man gusto ay nakaramdam siya ng inis na hindi man lang nagbanggit si Zeus ng tungkol sa kanila. How are they going to have a gradual relationship? Paano na sila magkikita? Sino ang dapat maunang tumawag?

Palihim siyang napailing. What was happening to her? Bakit para siyang naghahabol? Come what may. Hindi siya dapat masyadong uptight. Nitong mga nakaraang araw ay natututunan niya nang huwag masyadong seryosohin ang lahat ng bagay. She was starting to get out of her small box.

"How about you?" Zeus asked when she didn't say anything else. "When are you going to live in my place?"

"What?" exaggerated at natatawa niyang tanong kahit pa sa loob-loob niya ay natuwa siya sa ideyang iyon.

Sleeping with him everynight? Sounds great. Maisip niya pa lang kung anong mga puwede nilang gawin ay nag-iinit na ang katawan niya. Who would not love to be with a man like him anyway?

"I'm serious. After your reign, you can stay with me," offer nito na nakapagpakagat sa ibabang labi niya. "I can teach you all day and night."

"As much as I want to, hindi pwede." She crossed her arms. "I still have a career to pursue here. Kapag naging Mrs. Hawkins ako, gusto mo bang maging nobody na lang ako?"

Zeus held her chin all of a sudden. "You have already accomplished a lot. You have to prove nothing more."

That moment made Pria feel... awkward. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. She was thankful and happy. It was just a simple gesture pero iba ang dating sa kanya.

Buong buhay niya, walang nagsabi sa kanya na "tama na." Na marami na siyang napatunayan. Na hindi niya na kailangang maghabol nang maghabol ng achievements. When her mother died, she started to live all by herself. She became independent. Too independent that she never stop acquiring huge accomplishments because no one told her that she's already good enough. She was always telling herself that she was already good but she wanted more.

It was the first time that she realized that. At that very moment, she was starting to like being with Zeus.

Luscious Gods 2: Zeus, The Gorgeous BusinessmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon