“WOW WHAT A CUTE BABY GIRL!”
Nanggigigil sa tuwa na binuhat ni Pria ang pamangkin na si Dutchess Melinoe na kinuha niya mula sa pinsang si Stacey.
Stacey gave birth to a beautiful girl four months ago via normal delivery. Hindi niya na iyon nabisita agad dahil kinailangan niyang mag-stay sa New York for a while. Sa makalawa ay ipapasa niya na ang korona sa susunod na Miss Universe kaya naging busy na ulit siya. Ilang beses din siyang kinuhang judge ng mga national pageant sa ibang bansa para ipadalang official delegate ng Miss Universe.
“Be careful,” paalala ni Stacey bago tuluyang ibinigay ang apat na buwang gulang na anak sa kanya. “Baka mailaglag mo 'yang anak ko.”
Kararating niya lang at dumiretso kaagad siya sa paborito niyang bahagi ng villa kung saan naglalaro ngayon si Stacey at ang anak nito—sa garden. Her cousin still looked fabulous even after giving birth. Parang wala namang nangyari rito.
“Why did you name her after a Greek ghost goddess?” natatawa niyang tanong habang nilalaro-laro ang bata. “And her first name is ‘Dutchess.’ Parang member ng royal family ang pamangkin ko.”
Natawa ang pinsan niya. “Well, she’ll gain more respect with that name. Isa pa, kapag nag-artista siya or model someday, her name will be remembered just like her dad’s.”
“Oh, you’re here,” anang isang pamilyar na boses mula sa likod niya.
Umikot siya para makita ang nakangiting si Hades na papalapit na sa kanila.
“It’s been four months,” makahulugan pang dugtong nito. Halatang inaasar siya.
“I came here for my niece, not for some beefy topic,” medyo defensive niyang sagot. Ibinaling niya na lang ang atensyon sa bata. “'Di ba Dutchess? I’m your tita. You’re so pretty just like your mom.”
“Hey. Kamukha ko kaya siya,” protesta ni Hades na ikinatawa nilang lahat.
“You wish,” natatawa niyang pananabla sa asawa ni Stacey.
“So, how are you?” Stacey asked out of the blue.
Pinilit niyang magmukhang normal lang. “I’m totally fine, Stace.” Marahan niyang ibinalik ang pamangkin sa pinsan. “Stop worrying too much 'bout me.”
Tinanggap nito ang bata. “Well, I’m just concerned.”
Pinilit niyang huwag patigasin ang expression. Apat na buwan na magmula nang huli siyang tumapak sa villa na iyon. Apat na buwan pa lang pero pakiramdam niya ay apat na taon na magmula nang huli siyang tumapak doon.
She just shrugged it off. “Anyway, coronation night na ng Miss Universe. Kinuhang judge si Hades at ipapasa ko na 'yong crown so inaasahan kong nando’n ka rin, Stace. You failed to show on my coronation night. You have to be there on my final walk.”
“Oo naman,” mabilis na pag-sang-ayon ni Stacey. “Babantayan ko rin 'tong si Hades. Mamaya makahanap ng iba 'to roon. Ang gaganda pa naman ng mga babae roon.”
“Hey, hey,” protesta naman ni Hades. “You know you’re my sun and my moon. How am I going to find another woman if you’re giving me anything?”
Stacey smiled. The lovebirds kissed as if she wasn’t existing. She rolled her eyes. Kung hindi ba naman mga insensitibong nilalang.
“D’yan na nga kayo,” aniya bago naglakad papasok. Magpapahinga na lang muna siya.
Frankly, hindi siya natutuwang makakita pa ng mga ganoong eksena. She wasn’t bitter, of course. Alam niya lang na kahit anong gawin niya ay hindi para sa kanya ang romantic love.At wala na siyang balak na bigyan pa ng pagkakataong subukan ulit iyon.
It was a waste of time. A waste of everything.
BINABASA MO ANG
Luscious Gods 2: Zeus, The Gorgeous Businessman
Romans--Book version is to be published under Red Room-- Zeus visited the Philippines to look for his two younger brothers. Pria was Miss Universe 2019. Beautiful. Independent. Finesse. Perfect. Pero nang makilala niya si Zeus, tila may natutulog na bahag...