A/N: Sino pong gusto magpadedicate? (Wow feeling famous si Author) Hahah sge.. Comment lang kayo.
Tazanna PoV:
Nagising na lang ako sa isang puting silid. Nasaan ako? Atsaka.. A-anong nangyari?
Napabangon ako bigla ng maalala ko kung ano ang nangyari.. Ang p-puting liwanag. Ano ang bagay na iyon. A-at nasaan ba ako?
"Oh.. Tazanna, mabuti naman at gising ka na." sabi ng isang babaeng nakaputi at nakasuot na pang nurse. Teka wag mong sabihing..
"Andito ka sa hospital. Teka, ano ba talaga ang nangyari? Bakit sobrang maga ng kamay mo kanina?" curios niyang tanong. Napatingin naman ako bigla sa kamay ko ng sabihin niyang namamaga ito.
"P-po? Ano pong namamaga? Ehh.. Okay lang naman po yung kamay ko." taka kong tanong.
"Huh? Nakakapagtaka.. Tatlong oras pa bago tumalab ang gamot na ibinigay ko sa iyo. Ehh.. Sa pagkaka-alam ko.. Isang oras at kalahating minuto ka pa lang natutulog diyan." nagtataka ding sabi niya.
Kakaiba ito.. Ito rin ang nangyari nung nagkasugat ako sa pagpunta namin nina Rin para magpatahi ng damit. Yung kauna-unahan kong nakalaban ang isang kunoichi.
"Tazanna!.." napatingin naman ako bigla sa pinto dahil bigla na lang itong bumukas. "Nako! Ano bang nangyari sa iyoo.. Ano may masakit pa ba sayo? A-asan? Sge sabihin mo." sunod-sunod na tanong ni Rhian. Hayy ito talagang babaeng tohh.. Napaka OA. Pero ok lang, atleast may ganyan akong kaibigan.
Ngumiti lang ako sakanya at sinabing.. "ok lang ako." nakita ko namang nakahinga siya ng maluwag.
"Hayy, ano ba kasing nangyari? Balita ko nasira mo daw ang buong training room kung saan ka nagtraining." nagalalang sabi niya. Nagulat naman ako sa narinig ko.
"hah? Ehh paanong nangyari yun, alam naman nating may barrier yung mga training room, kaya kahit anong gawin mo ay hindi ito masisira." singit ng nurse. Kung ganon. Paano nangyari yun?
"Yu-yun na nga ang iniisip din namin, p-pero, Tazanna.. Sabi daw ni Ms. Rhea, ay pag magaling ka na daw. Kailangan mo daw siyang puntahan sa office niya, dahil may tatanungin daw siya sayo tungkol sa mga nangyari at may sasabihin daw rin siyang importante. Wag kang mag-alala sasamahan ka namin. Pero sa ngayon kailangan mo munang magpahinga." sabi ni Rhian. Pinagmasdan ko naman siyang mabuti. Meron ehh, meron silang hindi sinasabi sa akin.
"May hindi ba kayo sinasabi sa akin?" seryoso kong tanong. Nakita ko naman parang kinabahan si Rhian kay napatingin naman siya kay Rin na parang humihingi ng permiso ngunit seryoso lang siyang tinignan ni Rin.
"Ahm.. Tazanna, siguro mas mabuti pang si Ms. Rhea na ang magsasabi sayo no'n" sagot ni Rhian na tila nagwiwi-sh na sana sumang-ayon ako. Tumango na lang ako at hindi nagsalita, alam ko namang sila ang malalagot pag pinilit ko sila. Kaya mas mabuti pang si Ms. Rhea na lang ang magsasabi.
"Rhian.." tawag ko kay Rhian na napatingin naman sa akin, nagbabalat kasi siya ng orange para sa akin at si Rin naman ay nagbabasa ng libro.
"Bakit?" tanong niya.
"Pwede bang pa favor?" tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot. "..pwede bang pakuha ng libro ko sa locker? Wag kang maga-alala, isa lang ang libro nandoon." sabi ko.
"Ok." masiglang sabi niya at ngumiti. ".. Ate, ikaw na muna ang bahala kay Tazanna may pinapakuha lang siya." sabi niya kay Rin. Napangiti naman ako sa inasal niya. Inaalagaan niya talaga ako.
BINABASA MO ANG
The Girls Secret Academy [Completed]
FantasyAcademy na puro babae lang ang mga studyante, ngunit sa pag pasok sa paaralang ito, maraming sikreto ang mabubunyag at mga tanong ang masasagot. Kakayanin ba ang mga kalaban? At maipaglalaban ba ang pag-ibig na hinahangad. Welcome to The Girls Secre...