Chapter 24: Save me, please

122 6 0
                                    




Tazanna PoV:


"Ano ba! Sunod ka ng sunod, kulang na lang maging buntot mo na ako." inis kong sabi kay Maxen.





Paano ba naman, talagang pinanindinlgan niya ang pagiging body guard niya saakin.



"I told you, hindi ako aalis sa tabi mo." mahinahon niyang sabi.




Aish! Ano ba naman yan!





Naglakad na lang ako ng padabog papuntang dining hall.




Hindi ko rin makita sina Rin at Rhian siguro busy rin sila kasi andito na tong tatlo.




Kumuha lang ako ng pagkain at humanap na ng upuan.



"huy pre! Anong susuotin mo sa Royal Ball?"



"Secret! Syempre sikreto lang dahil alam ko naman na halos lahat tayo dito ay naghahanda kasi may mga babae na tayong aayain na maging date natin."




"Haha sana talaga mapili ako na maging date ng isa sakanila, gusto ko kasi yung isa.. Yung Rhian."



"Ako naman gusto ko yung Tazanna."




Tumigil na ako sa pakikinig ng marinig ko ang pangalan ko.




Madami ng naghahanda para sa isang Royal Ball. Ang weird nga ehh, kasi puro naman lalake yung ng dito kaya kameng tatlo ang mga gusto nilang i-date.



Kawawa siguro halos lahat sakanila kasi wala silang date.




Napatingin naman ako sa kasama ko. Napakunot ako ng noo ng makita kong ang talim ng tingin niya sa lalakeng nag-uusap kanina. Ng nakita yung ng dalawang lalake, agaran silang umalis na parang takot na kuting.




"Huy! Anong problema mo at ang sama ng tingin mo sakanila?"




Medyo nagulat siya sa tanong ko pero bigla na lang sumeryoso at tumahimik.



Ang snob hah.




Tahimik lang kameng kumain ng may naisipan akong itanong.




"Pupunta ka ba sa Royal Ball?" tanong ko.




"I don't know, I'm not interested at all." he answered straightly.




"Ahh ganon ba.." I don't know why I sounded dissapointed but urghh nevermind.






Sa wakas! Natapos na rin lahat ng klase.






Agad na akong pumunta sa kwarto namin at nilubayan na rin ako ni Maxen.





Buti na lang.




Pagpasok ko pa lang ay rinig ko na talaga ang ingay na bibig ni Rhian.





"Wahhh! Buti andito kana Tazanna! Halika, andito na yung pinadalang gown para sa Royal Ball!" excited niyang sabi.




"Dumating na? Kailan ba yan gaganapin?" tanong ko.





"My gosh! Bukas na! Hindi mo ba alam?!" exaggerated niyang tanong.






"Nope." I answered honestly.






I'm not really interested with this stuff but it's nice experience.




The Girls Secret Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon