Tazanna PoV:
"Ayos ka na ba? Wag ka munang tumayo." pagbabawal ko kay Maxen. Ang kulit kasi niya. Galit nga siya kay Norman kasi sinabi daw sa amin na gising na siya.
Tumango lang siya at umupo. Pinakain ko na lang siya. Nung una umaangal pa pero wala din siyang nagawa. Ang sabi sa amin ni Ms. Rhea at Mr. Steve ay mag-uusap daw kame pag gumaling na si Maxen. Kinakabahan tuloy ako.
Pagkatapos ko siyang pakainin ay natulog siya ulit habang ako ay kinausap ko yung nurse at nagtanong kung kailan siya makakaalis sa hospital. Mabuti na lang at sinabi niya na makakaalis na siya paggising niya.
Habang sina Rin at Rhian ay may ginawa. Di ko rin alam kung nasaan sina Norman at Zaki basta ako lang ang nagbabantay kay Maxen. Bumalik na ako sa hospital room niya at naabutan kong gising na siya.
"Makakaalis ka na raw." sabi ko sakanya.
Tumayo naman siya at tinanggal yung hospital gown niya. Napatakip naman ako ng mata dahil nakashorts lang siya at wala siyang suot pantaas. Anoo ba yan! Bakit ba siya naghuhubad. Tumawa naman siya sa inasta ko.
Totoo ba? Tumawa siya?
Inayos ko na lang yung mga gamit niya at nagbihis na rin siya. Akmang bubuksan ko na yung pinto para umalis na ng bigla niyang hinila yung pulsuhan ko at hinarap sakanya. Nakasandig ako ngayon sa pinto at parang nacorner ako ngayon.
Pinilit kong makaalis ng bigla akong napatingin sa mata niya. Hanggang papuntang labi. Bigla naman akong napalunok. Akmang aalis na ako ng bigla ko na lang naramdaman ang malabot na pumatong sa labi ko. At naramdaman ko na lang na hinalikan niya pala ako.
Sandali lang yun at tumigin ulit siya sa akin.
"F*uck! I love you but.. I don't know how." he said. Out of nowhere.
"h-huh?" gulat kong tanong. Mahal? Kailan pa? Bakit?
"Ikaw yung babae diba?" tanong niya. Napakunot naman yung noo ko. Babae?
"Ikaw yung babaeng nagpatahan sa akin habang umiiyak ako. Ikaw rin yung babaeng nagbigay ng gift. Ikaw yun diba?" tanong niya. Nanlaki naman yung mata ko.
"So ikaw nga yung.. lalake." sabi ko. Tumango naman siya. Tumayo siya ng maayos kaya tumayo na rin ako ng maayos.
"Alam mo ba hinanap kita? Hindi ko alam kung bakit hindi ka mawala sa isip ko pero ikaw lang kasi yung nagpadama ng totoong pagmamahal sa akin. Ang corny pero totoo." pagkekwento niya.
Hindi naman ako makapagsalita sa sinabi niya. Aaminin ko, gusto ko ulit makita yung lalakeng nakausap ko at bingyan ko ng gift. Kaya lang umalis kame at lumipat ng bahay kaya hindi na kame ulit nagkita. Pero hindi ko inaasahan na makikita ko ulit yung lalakeng yun.
At ibang-iba na siya.. masyado ng mailap at seryoso. Ni hindi man lang ngumingiti at palaging mag-isa. Kaya hindi ko inaakala na ang lalakeng yun ay si Maxen dahil ..sobrang layo. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganiyan. Bakit siya nag-iba. Bakit hindi na siya yung batang lalake na nakilala ko.
Pero ngayon. Nakikita ko ulit yung lalakeng nakaharap ko long time ago. Andito siya sa harapan ko.. at umiiyak ulit. Hindi ko alam na naging sobrang mahalaga pala ako sakanya. Pero aaminin ko na naging mahalaga rin siya sa akin. Kahit na isang beses lang kameng nagkita.
Pero ang mahal na sinasabi niya? Ewan ko pero masyadong malabo. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sakaniya. Basta ang alam ko ay palaging bumibilis yung tibok ng puso ko pag nandiyan siya. Pero di ko alam kung pagmamahal ba yun. Aaminin ko, palagi akong nag-aalala sakaniya. Pagmamahal ba yun? Basta ang labo.. dahil di ko alam kung ano ang love at hindi ko alam kung paano mainlove.
Ayaw ko siyang mahalin dahil mahal niya ko. Gusto ko siyang mahalin dahil mahal ko siya. Kaya hindi ko alam ang sasabihin ko dahil masyadong malabo. Ilang beses na kameng naghalikan pero di ko alam kung bakit. Nalilito na ako. Sobra.
Ang daming problema. Masyadong magulo. Ang Dev hall. Saan na ba sila? Nakaligtas ba sila sa pagsabog na ginawa ko o hinde. Si William. Paano siya naging kalaban at bakit siya naging kalaban. Ang Academy. Isang golden rule lang ang meron. At yun ay bawal magkaroon ng relasyon sa loob ng Academy. So sa sitwasyong to. Anong gagawin ko.
Lahat ng desisyon may tanong. Lahat ng gagawin ko may masasaktan. Ang hirap. Ang gulo. Puro paano.
Lumapit ako kay Maxen na nakaupo sa dulo ng hospital bed na nakayuko at mahinang umiiyak. Hindi ko alam. Bakit nasasaktan ako. Bakit parang dinudurog ako pag nakikita ko siyang umiiyak. Napansin kong basa na yung pisngi ko. Umiiyak na pala ako.
"M-maxen.. sorry pero, hindi ko alam. Magulo. Masyado pang magulo. Sa ngayon wag muna natin isipin yung nararamdaman natin. Tapusin muna natin yung gulo. At doon na natin to pag-usapan." sabi ko at umalis na.
Wala ng mangyayari kung mananatili pa ako doon kaya mas mabuting umalis na ako. Habang tumatakbo paalis sa kwarto na yun ay ramdam ko yung paninikip ng dibdib ko. Bakit ang sakit?! Umiling lang ako at hindi na ito pinansin.
Habang tumatakbo ay bigla kong nakasalubong sina Rin, Rhian, Zaki at Norman. Nagulat sila kung bakit ako tumatakbo at umiiyak pero nilagpasan ko na sila. Ayaw ko muna ng kausap. Gusto kong mapag-isa.
Sobrang dami ng nangyari at hindi na kinakayanan ng utak ko. Para na ako nababaliw sa sobrang gulo. Dumadagdag pa ang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta.
Takbo lang ako ng takbo. Nagtataka rin yung mga taong nakakasalubong ko pero hindi ko sila pinansin. Napansin ko na lang na nadala pala ako ng paa ko kung saan ako nagsisikap dati. Kung saan ako naghihirap.
Light Forest..
Ganito pa rin ang itsura nito. Nakakatakot. Madilim at ibang-iba sa pangalan nito. Pero masyadong mahalaga ang lugar na to sa akin. Dahil dito ako naghirap. Dito ako nag-ensayo. Balang araw.. magiging maganda ang lugar na to.
Pumasok na ako sa loob at pumunta sa favorite spot ko. Doon ako umupo at tumitingin sa paligid. Totoo pala. Medyo nakakatakot yung paligid. Hindi ko to napansin dati dahil pursigido at sobra akong nagfo-focus sa pag-eensayo kaya di ko na napansin ang pagka-spooky vibes niya.
Habang tumitingin sa paligid ay medyo napaisip-isip ako. Dati lang ang saklap ng buhay ko ng dahil sa auntie ko. Dumating ako dito na walang alam. Hindi alam kung ano ang ability ko at walang alam sa mga bagay-bagay.
Kaya nagsikap ako. Mag-isa. Sa lugar na to dito ako nag-ensayo. Sa panahong palagi akong palpak. Pagod or di kaya'y wagi. Ang daming nangyari at eto ako ngayon. Parang di ko na tuloy kilala yung sarili ko. Naisip ko na katulad lang pala kame ni Maxen. Nagbago na.
Napatigil ako sa pag-iisip ng bigla akong nakarinig ng kaluskos at nakaramdam ng presensya. May paparating. Hinanda ko ang sarili ko at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Tumayo rin ako para mas maging alerto.
Naramdaman kong may nakatingin sa akin sa likod. At ramdam ko ang presensya niya. Alam kong di to sina Rin o Rhian dahil pag sila to ay tinawag na ako ni Rhian. Hindi rin ito sina Zaki or Norman dahil lalapit agad sila sa akin. Hindi rin si ..Maxen dahil kilala ko ang presensya niya.
Kaya alam kong ibang tao to at pag humarap ako saknya ay dapat maging alerto ako. Kinakabahan ako. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko rin ang mga butil ng pawis na nasa noo ko.
Handa na ako. Dahan-dahan ako humarap at akmang magpapaulan na ako ng air blades ng bigla kong makikilala ang taong nasa likod ko.
"William.."
——————————
Medyo madrama pero ginanahan ulit akong tapusin to :)
By: Yniexx_
BINABASA MO ANG
The Girls Secret Academy [Completed]
FantasyAcademy na puro babae lang ang mga studyante, ngunit sa pag pasok sa paaralang ito, maraming sikreto ang mabubunyag at mga tanong ang masasagot. Kakayanin ba ang mga kalaban? At maipaglalaban ba ang pag-ibig na hinahangad. Welcome to The Girls Secre...