Chapter 16: Fire Mimicry Part 2

160 11 2
                                    

Special thanks to eliaselamigo for the book cover of this story! Ang galing niya super! At ang bait. Salamat ulit sayo! Aasahan kita sa iba ko pang mga story hahah >_<

Tazanna PoV

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, sobra akong kinakabahan at para bang may masamang mangyayari.

Marami ng laban ang natapos, sa katunayan ay 99% na nandito ay tapos na, including sina Rin and Rhian at ang nakakatawa pa ay ang mga kalaban nila ay ang mga training partners nila and actually nanalo sina Rina nad Rhian at sa katunayan ay isang pares na lang ang hindi pa lumaban which is ako at si Maxen.

Yes tama kayo ng basa. AKO AT SI MAXEN ANG MAGLALABAN!

Kaya di ko talaga mapigilan na kabahan at mapressure at the same time. Maganda ang naging laban kanina ni Rhian, kahit na mas mataas ang Power Rate ni Nor, pinilit niya parin itong talunin and luckily nanalo si Rhian habang si Rin naman ay sobrang seryoso at hindi mo mababasa kung ano ba ang kanyang susunod na gagawin kaya sobrang tutok ang mga manonood, sa totoo nga ay parang nagbabangayan pa sila habang naglalaban, at TAKE NOTE! nakita kong ngumiti si Rin ng matalo niya si Zaki kaya nakakapanibago.

But anyway, kailangan kong manalo sa laban na to, para matuloy yung girl power namin pero sa totoo lang same lang kami ng Power Rate ni Maxen, kaya lang mukhang mas bihasa siya kaysa sa akin.

Nagstart na ang countdown hanggang sa nagsimula na ang laban.

Tatlong minuto na ang lumipas ngunit wala pa ring gumagalaw kahit ni isa sa amin, hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi ng utak ko ngunit sa tingin ko ay inoobserbahan niya muna ako bago siya umatake.

Dalawang minuto pa ang lumipas ngunit nakatayo pa rin kame na para bang nasa staring contest kame. May naririnig an rin akong mga bulungan na para bang nagtatamong kung ano ang ginagawa namin at kung bakit nakatayo lang kame.

Ngunit nagulat ako ng bigla na lang tumaas ang kamay ko at gumawa ng fireball, hindi nagulat si Maxen dahil nakatayo lang at para bang may iniisip na hindi ko alam kung ano. Akala ko kino-control ako ng kapangyarihan ko ngunit nagulat ako ng gumalaw ulit yung kamay ko at pinalibutan ako ng apoy.

Sh*t

Hindi kaya..

Ang tanga ko! Bakit nagyon ko lang yun inisip!

Nakatayo lang si Maxen dahil kino-control niya ang katawan ko ginamit niya ang controlling ability para magawa sakin to! Akala ko nag-iisip lang siya ngunit gumagalaw na pala siya nang di ko man lang napapansin.

Sa totoo lang mahirap akong kontrolin dahil sa ability ko ngunit kung hindi ako naka-focus, ay madali niya lang akong makontrol at isa lang ang alam kong dahilan para patigilin ang pag-kontrol niya sa akin.

Sinara ko ang mata ko at kumuha ng komunikasyon sa Ability of fire. Para hindi niya na ako makontrol gamit ang ability of fire. Para makontrol ang mga element kailangan may communication ka dito, at para makipag-communicate ka, kailangan mong mag-focus at pakiramdaman mo at ang ginagawa ko ngayon ay pinapakiramdaman ko ang ability of fire. Madali lang sana to kung ang kalaban ko ay walang ability of fire pero sa kasamaang palad, meron siya. So ang ibig sabihin niyan, parang nag-aagawan kami sa isang ability at kung sino ang pinaka focus, sakanya mapupunta ang ability na iyon.

Mas nag focus pa ako at ang iniisip ko lang ay apoy. Yun lang talaga ang nasa-isip ko para makuha ko yung ability of fire. Makalipas ang ilang minuto, nakaramdam ako ng init at ang ibig sabihin niyan ay ako ang nakakuha ng ability of fire!


Ng makuha na ang ability of fire, dali dali akong gumawa ng fireball, base sa tinuro sa akin ni Maxen habang nagte-training kame. Buti na lang at nakabuo ako kaya umatake ako kay Maxen ngunit naka-ilag din siya kaagad.


The Girls Secret Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon