Chapter 1: The Girls Secret Academy

443 49 19
                                    

Tazanna PoV:

Gisingin mo na Rhian..

Bakit ako ehh ako na nga ang nagpatulog sakanya dapat ikaw na ang gumising sakanya..

Tss.. Uhh do it already!

Fine.. Fine.. Okay..


Naririnig ko lang sila ngunit hindi ko pa sila nakikita, parang nahihirapan kasi akong buksan ang mga mata ko parang ang bigat-bigat ng talukap ng mata ko.


Naramdaman kong may nag tap ng shoulder ko.

"Uhmm, Tazanna gising na." malumanay niyang sabi.

Binuksan ko ang mga mata ko, at bumungad sakin ang dalawang magagandang babae. Wow! Ang ganda nila..


Pero..



Sila ba ang dumukot sa akin?! Hindi yata sila bagay para maging kidnapper.




"Sino kayo? A-anong ginagawa ko dito? Anong gagawin niyo sakin?"




Hindi ko alam kung bakit hindi naman ako natatakot sa kanila kahit na hindi ko alam kung saan nila ako dinala.




Nilibot ng mga mata ko ang buong paligid.




Mukhang nasa gubat kame. Hindi naman siguro nila ako gagahasain diba?





"Ahmm, Tazanna kailangan na nating umalis dito, delikado na, wag kang mag-alala wala kameng gagawing masama sayo, kakampi kame at pagdating natin sa Academy ay sasabihin namin lahat ang mga kailangan mong malaman." sabi niya.




"S-sino ba kayo?"




"Ako si Rhian at siya naman si Rin at magkapatid kame." ahh so si Rhian pala ang gumising sa akin at yung medyo seryoso naman si Rin.





Tinignan ko ang kabuuan niya, light brown ang kulay ng t-shirt ni Rhian fitted ito at may design na V line from shoulder to stomach at ang kulay ng V line ay dark brown at may lace siya na pazigzag sa bandang cleavage but hindi naman revealing at ang kulay ng lace ay dark brown din, at yung pants niya ay color black. Yung si Rin naman ay all black at may lace din siya sa dalawang shoulder niya, simple lang ito pero elganteng tignan.






Sino kaya ang dumisenyo niyan ang ganda ganda kasi.






Pero teka nga. Paano nila nalaman ang pangalan ko?





"Hindi na ligtas dito Tazanna, paparating na sila at kailangan nating umalis."





Hindi na ako nakapagsalita dahil hinila na lang nila ako bigla at tumakbo kame ng napakabilis.



First time ko yatang tumakbo ng ganito kabilis.




Habang tumatakbo, ay bigla na lang kumuha ng pana si Rhian at pinana yun sa kung saan at nagulat ako ng bigla na lang may nahulog galing sa puno.




"Sh*t! Kunoichi!" sabi ni Rhian.



Ha? Ano daw?



Teka anong kunoichi?




Tumakbo ulit kame hanggang sa tumigil na kame at bigla na lang sumipol si Rin.




Laking gulat ko ng may bigla akong makarinig ng sigaw sa taas.





The Girls Secret Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon