Tazanna PoV:
Hindi ko mawari kung galit ba si Rin o hinde ngunit pagpasok ko pa lang sa kwarto namin ay nakita ko na agad ang busangot niyang mukha at hindi ko maintindihan kung bakit iyon ganon. Para bang nanggigil na siya ngunit pinipigilan lang niya. Hindi ko na lang din ito pinansin at tinanong na lang siya, kung sasama ba siya sa amin ni Rhian na maglibot-libot dito sa Academy, ngunit hindi siya sumama dahil daw may gagawin pa siya kaya lumabas na ako at pumunta na sa baba dahil doon naghihintay si Rhian.
Pagkababa ko, nakita ko kaagad si Rhian kaya lumapit na ako sakaniya para makapaglibot na kame.
Sobrang ganda ng paligid at ang daming disenyo hindi ko akalain na ganito pala siya maghanda tuwing may mangyayaring event dito sa Academy. And take note mga lalake ang mga gumawa nito.
Naglibot-libot pa kame hanggang sa huminto kame sa isang stall at kumain muna.
Kung nagtataka kayo kung anong meron. Well it's..
Foundation Day!
At ang sabi sa amin mamayang 5:00 pm daw ay may magaganap na mga battle at sa pagkaka-alam ko dapat daw lahat sasama including us. But sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ang mangyayari mamaya dahil sa tingin ko hindi naging maayos ang mga training ko simula nung nahimatay ako and speaking of that.. One week na din pala simula nung mahuli ako ni Maxen. At hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan yung sinabi niya.
*Flashback*
"Ma-ma-maxen.. A-anong ginagawa mo dit-to?" nauutal kong sabi. Si-siya pala yung lalake kanina?
Kaya pala medyo namumukhaan ko ang pigura nito ngunit di ko inakalang siya yun.
"Dba ako nga dapat ang magtatanong niyan. Anong ginagawa mo dito." nanigas naman ako sa sinabi niya. Para siya galit ngunit kalamado pa tin yung mukha niya pero mapapansin sa pagsasalita niya na idinidiin niya ang ibang mga salita kaya may part sa akin na sa tingin ko ay galit siya.
"E-ewan ko! Hinahanap lang kita kanina ta-tapos nakita kong dead end na pala, ehh hindi ko naman alam paano bumalik dahil madilim na kaya pinagsisipa ko yung pader dahil sa sobrang tanga ko tapos ayun!biglang umilaw tapos andito na ako." paliwanag ko.
"Kung ganon, bakit kailangan mo pang makinig sa usapan ng may usapan?" napalunok naman ako sa sinabi niya.
"Hi-hindi ko naman a-alam na ikaw yun eh.. Tsaka hi-hindi ko rin alam kung na-nasaan ako ka-kaya nung may narinig akong nagsasalita ehh su-sumilip muna ako dahil ba-baka kung ano na yun." sabi ko sabay yuko.
"Diba nasa hospital ka? Bakit napadpad ka dito?" patuloy pa rin akong nakayuko at hindi tumitingin sakanya, kaya di ko alam kung ano yung mga reaksyon pero wala namang problema yun dahil palagi naman siyang naka poker face.
"Hinahanap nga kasi kita.." nahihiya kong sabi at doon na ako tumingin sakaniya. May bahid ito ng pagkabigla ngunit nawala din ito kaagad.
"At bakit mo naman ako hinahanap?" ang daming tanong ahh.
"Ka-kasi naalala ko nu-nung bago ako mawalan ng malay, na-nakita kong may lumabas na apoy sa kamay ko at.. At nakita kong papunta ito sa-sayo." sabi ko sabay yuko ulit.
"So nakita mo pala? Ngayon alam mo na kung ano ang unang ability ang sasanayin mo. But I have something to tell you.." lumapit siya sa akin na para bang may ibubulong siya. ".. Next time, don't make me worried." at doon na siya umalis
BINABASA MO ANG
The Girls Secret Academy [Completed]
FantasyAcademy na puro babae lang ang mga studyante, ngunit sa pag pasok sa paaralang ito, maraming sikreto ang mabubunyag at mga tanong ang masasagot. Kakayanin ba ang mga kalaban? At maipaglalaban ba ang pag-ibig na hinahangad. Welcome to The Girls Secre...