Tazanna PoV
Nandito kame ngayon sa hallway. Papunta na kasi kame sa office ni Ms. Rhea ehh. At sa totoo lang kinakabahan na ako.
Ramdam ko ang bigat bawat pagtapak ko sa sahig at rinig na rinig din ito dahil sa boots ko.
Pagdating namin doon ay kumatok muna si Rin.
"Come in." sabi ng nasa likod ng pintuan at alam kong si Ms. Rhea yun.
Pumasok na kame sa loob at ang kaba ko kanina ay mas dumoble pa ng makita kong sobrang seryoso nila. Kahit si Rhian na alam kong medyo makulit ay sumeryoso rin.
"So? A-ano yung sasabihin niyo sa akin?" tanong ko na bumasag sa katahimikan.
"ehem.. Tazanna, alam kong magugulat ka sa mga sasabihin ko ngunit pwede bang hayaan mo kameng mag-explain?" mahinahong tanong ni Ms. Rhea. Napatango naman ako kahit hindi ako sigurado kung kaya ko lang bang matahimik.
"About ito sa Ability mo.. " bitin niyang sabi. Ano bah?! Tutunganga lang ba tayo rito?
"Ahmm.. I don't know how to explain about this one.. But Tazanna kailangan mong malaman na ang Ability mo ay delikado.. Sobrang delikado at ang ibig sabihin nito ay sobrang lakas nito at dahil malakas ito, ay mahirap din itong i-control kaya may naisip kameng solusyon para dito." pag-explain niya. Hah? Anong malakas ang pinagsasabi nila? Ehh kung delikado ito baka nabibilang ito sa dangerous type gaya nina Rin pero bakit parang problemado talaga sila?
"Alam kong mabibigla ka pero eto lang ang tamang solusyon para sayo.." pabitin niyang sabi. Teka! Hindi naman kayo nagmamadali diba. Bakit parang gusto niyo ng tapusin kaagad ito ehh halos hindi ko na nga maintindihan ang nangyayari dahil maraming tanong ang pumapasok sa isip ko.
"T-teka. Ayaw ko sanang magsalita pero hindi ko kayo maiintindihan marami ng tanong ang nasa isip ko." mahinahon kong sabi kahit na gusto ko ng mautal. Tinignan naman ako ni Ms. Rhea ng 'sge ..pwede ka ng magsalita' look.
"Hindi ko kayo maintindihan.. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niyo. Kung gayong delikado ang Ability ko edi ang ibig sabihin lang nito ay nabibilang ito sa dangerous type gaya ng Ability nina Rin. Kaya bakit problemado kayo? Dahil ba baka hindi ko ito makontrol? Tss.. Hindi naman ako weak. Magagawa naman matutunan yan diba? Kaya nga may training tayo." sabi ko. Medyo na offend ako doon ahh.. Ano bang iniisip nila, hindi ko kayang kontrolin yung Ability ko?
"Sa tingin ko alam mo na ang mga type ng Ability.." mahinahon niyang sabi na may pagkaserious. "..Paumanhin ngunit mali yata ang iyong pagkakaintindi. Hindi nabibilang ang Ability mo sa dangerous type Tazanna." sabi niya.
Hah? Kung ganon edi saan?
"Hindi ito nabibilang sa dangrrous type dahil ang Ability mo ay nabibilang sa Powerful/Rare type.."
A-ano?
Hindi ako makagalaw. Hindi ako makakibo at hindi ako makapagsalita. Masyado akong nagulat sa sinabi niya to the point na halos ikabingi ko na ito. Ni wala akong marinig na boses na lumalabas sa bibig ko.
Pa-paanong Powerful/Rare yung Ability ko?
Alam ko mga Acadamiers wala kayong naiintindihan. Alam kong wala kayong alam, alam ko na hindi niyo alam kung bakit gulat na gulat ako. Hindi niyo pa kasi nalalaman kung ano ang under na Ability sa Powerful/Rare type. At kahit gulat na gulat ako, ie-explain ko na sainyo.
BINABASA MO ANG
The Girls Secret Academy [Completed]
FantasyAcademy na puro babae lang ang mga studyante, ngunit sa pag pasok sa paaralang ito, maraming sikreto ang mabubunyag at mga tanong ang masasagot. Kakayanin ba ang mga kalaban? At maipaglalaban ba ang pag-ibig na hinahangad. Welcome to The Girls Secre...