T E A S E R

11.2K 223 3
                                    

Dating kilalang pinakamayaman na pamilya ang mga de Vera, masagana ang kanilang buhay at lahat ng nanaising bilhin ay nakukuha nila. Nang mamatay ang may bahay ni Señor Crisostomo de Vera, unti-unting nalugi ang kanilang mga negosyo. Sa sobrang kalungkutan ng pagkawala ng asawa kaniyang asawa, ibinabad niya ang sarili sa sugal. Unti-unti na ring nauubos ang perang tinatago at lahat ng mga ari-arian ay nirekata na ng bangko, dahil sa lumalaki niyang utang.

Ngunit hindi pa rin tumigil si Señor de Vera sa paglmsusugal. Isang gabi ay natalo siya ng milyones at kulang ang kanyang perang pambayad.

"Kung ayaw mong ipakulong kita, ibigay mo sa akin ang iyong unica hija. Para wala ka ng problema, Señor, at tiyak lahat ng utang mo ay bayad na, bibigyan pa kita ng pera."

Siya si Lowell Santiago, isang bachelor hunk and one of the richest business business tycoon na gugulo sa tahimik na buhay ni Natalia de Vera, unica hija ni Señor Crisostomo de Vera. Kahit pa siya'y lumaking may gintong kutsara ang bibig ay may mabuting kalooban itong taglay.

"Pakiusap huwag mong ikulong ang Papa ko! Sasama ako sayo, kung ako ang ninanais mong pambayad sa kanyang utang..."

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon