Chapter Six

4.4K 141 4
                                    

Halos buong gabi hindi dinalawan ng antok si Lowell. Kaya ipinasya niyang sa sahig na lang matulog, baka sakaling hindi mawala ang tentasyong nasa kaniyang isip at salamat nagawa rin niya.

Naalimpungatan si Natalia dahil naiihi siya, sinipat niya ang alarm ng binata. "Alas kwatro na pala ng madaling araw." Inaantok niyang anas. "Teka saan pala si Lowell na 'yun?" Takang tanong niya nang hindi makita ang binata sa bakanteng parte ng kama. (Oist bakit mo siya hinahanap? ahaha)

Bumangon siya mula sa pagkakahiga, at dahil medyo madilim sa silid ay hindi niya nakikita ang nakahigang binata sa sahig. Kaya ayun sapul! Tumalisod siya sa paa nito kaya bumagsak ang kanyang katawan sa ibabaw nito.

"Aray!" Tili ni Lowell sa naramdamang sakit ng biglang pagkadangan ni Natalia.

"Creep! Bakit dito ka sa sahig natutulog!" Reklamo ni Natalia sa binata na hindi pa rin magawang umalis sa ibabaw nito.

Hindi agad nakasagot si Lowell lalo pa nang maramdaman niya ang pagdangan ng malambot na katawan ng dalaga sa kanya. "Shit! Na buhay si manoy!" Sigaw ng kaniyang utak.

"Bumangon ka nga diyan at doon ka sa kama matulog!" Mataray na wika ng dalaga at nahihirapang bumangon ito, pakapa-kapa at hinila ang kamay ni Lowell para tumayo na rin.

"Sorry..." anas ni Lowell, "naisip kong matulog na lang sa ibaba kasi..." napanhinto siya saglit at napakamot sa batok, "...ano kasi naman... Natalia..." nahihirapan ang binata, hindi malaman kung ano ang dapat niyang sabihin.

"Kasi ano?" Inosenteng tanong ni Natalia sa kanya na medyo naiirita na rin sa tagal ng kaniyang pagsagot.

"Kasi naman Natalia ang hirap magtimpi..." Tanging sagot nito sa dalaga. Ngayon lamang niya napagtatnto ang kanyang suot na nighties. So nakita na pala ni Lowell.

Manyak!

"Bastos!" Sabi niya sa binata, she crossed her arms para takpan ang hinaharap, bagamat madilim sa loob, pakiramdam niya ay nakikita pa rin ni Lowell ang kaniyang kaluluwa! Tumalikod siya rito at pabagsak isinarado ang pintuan ng banyo.

Napakamot na lang ng ulo si Lowell. "Ako pa ngayon ang bastos!" Tinuro niya ang sarili at napailing-iling ng ulo. "Hays! Natalia kung hindi lang kita mahal." Kinuha niya ang kaniyang isang unan at nagpasyang sa sala na lamang matutulog. Dalawang oras na lang meron siya para matulog. "Hays mga babae nga naman... sadiyang hindi talaga ma-espelingan!"

Sa loob ng banyo ay narinig ni Natalia ang pagbukas at sara ng pinto ng kanilang silid. "Mabuti at naisipan mo na lang lumabas manyak ka!" Pabulong-bulong niya.

------

"Dude what happened?" kunot-noong tanong ni Chester sa pinsang si Lowell nang sila na lang dalawa ang nasa loob, he noticed Lowell is kinda sleepy and kept on yawning the whole time of their board meeting.

"Hayss... hindi ako pinatulog ni Natalia..." Walang kabuhay-buhay nitong sagot na halatang inaantok talaga ang pobre.

"Huh? You mean may ano na?!" Nanlaki pa ang mata nito pati butas ng ilong. "Naka score ka pinsan?! Aw sh!t man!" Hindi makapniwalang bulaslas nito.

"Gago! Hindi nga! Ang hirap magtimpi sakit ng puson ko!" Reklamo ni Lowell kay Chester. "I only slept two hours! She even accused me of being a maniac!"

"Whoaaa!!! Wait you're telling me that?! Pppfff!" Pinipigil nito ang pagtawa. "Si Lowell!? Nakapagtimpi? Aba eh milagro?! Mag-babayad talaga ako ng misa!" Hindi makapaniwalang bulaslas ni Chester.

"Natalia is different from those women i've flirted with before!" Anito. "Umalis ka na nga...geez!!! Matutulog muna ako." He hissed, sabay pinagtutulakan ang pinsan nito palabas ng kanyang opisina.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon