Chapter Eighteen

3.8K 106 3
                                    

SAY YOU LOVE ME

Written by: Kimmy

-Chapter Eighteen-

NAGISING si Lowell sa marahang pagtapik sa kanyang mukha. Nasisilawan siya sa sinag ng araw ngunit pilit niyang minulat ang mga mata. Agad siyang napabalikwas ng bangon nang makita ang kanyang father-in-law.

Nakatulog pala siya sa labas ng gate ng massion ng mga de Vera. Siguro dahil sa sobrang pagod at kalasingan ay hindi na nakayanan ng kaniyang katawan.

"Papa! Saan po si Natalia?!" Bulaslas niya na agad din napatayo.

"Abah! Lowell ano ang nangyari at bakit mo hinahanap si Natalia dito? Saan nagpunta asawa mo? Nag-away ba kayo?" Kunot noo nitong tanong.

"Papa, paki-usap kung nariyan ang asawa ko ilabas mo siya. Gusto ko siyang maka-usap." Pagmamakaawa niya. Kulang na lang ay lumuhod siya sa kaniyang biyenan.

"Teka nga!" Awat nito sa kaniya. "Ano ba talaga ang nangyari? Wala nga dito asawa mo! Lowell, anong ginawa mo sa anak ko? Bakit mo siya hinahanap? Nawawala ba siya?!" Naguguluhang tanong ng Senyor.

Napa-luhod si Lowell at umiyak na parang sira ulong hindi mlaman kung ano ang gagawin. "Papa! Tulungan mo ako. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa aking asawa pero hindi ko iyon ginusto. Papa, palabasin mo si Natalia. Kakausapin ko lang siya..." Walang tigil ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.

"Lowell, wala akong maintindihan. Wala si Natalia. Pumasok ka nga muna. I-kwento mo nga ang nangyari sa inyo." Malumanay na saad nito sa kanya. Idinaan siya nito sa mabuting usapan para maintindihan nito kung ano ba talaga ang nangyari.

Pumasok sila sa loob ng bahay, inalok siya ng Senyor ng kape. Nang mahismasmasan siya ay agad niyang ikinuwento ang buong pangyayari.

Ang pag-inom niya ng sobra, paghatid ni Juliet sa kanya sa bahay. Dahil sa sa kalasingan, ang buong akala niya si Natalia ang kanyang kasama sa silid. Until he kissed Juliet, he was almost naked habang si Juliet nama'y hubad baro talaga nang dumating si Natalia

She was in hysterical shock, screaming and crying. Para siyang binuhusan ng isang baldeng tubig. Nangako siyang hindi niya sasaktan ang asawa but what now?

Umiiyak ito dahil sa kanya, and it's killing him inside.He tried everything to explain but she won't listen. He can't blame her for that dahil alam niyang labis itong nasaktan.

But what now? Paano na?

Wala rin si Natalia sa poder ng ama. Hindi rin nito alam saan ang anak nagpunta. Labis ang kanyang pag-aalala sa nawawalang asawa. He can't forgive himself if anything happens to his wife.

Ang swerte pa rin niya kay Señor Crisostomo, dahil imbes na magalit ito sa kaniya, pinakinggan siya nito at inintindi. Pinayuhan siya ni Señor Crisostomo, bagama't nag-aala rin ito para sa anak ay ayaw nitong makialam sa buhay nilang mag-asawa.

His father in law adviced him to fix everything.

"Lowell, try to call her..  kung ayaw naman niya. Hayaan mo muna. Baka nagpapalipas lang ng panahon, hindi natin siya masisisi. Kahit saang sulok mo tignan, may kasalan ka rin." Anang Señor at tinapik ang kanyang balikat.

"Papa, takot ako baka hindi na niya ako balikan."

"Babalikan ka noon. Kilala ko anak ko. Don't worry kung may balita ako, ipapasabi ko sa'yo. Gusto kong magka-ayos kayong mag-asawa. Hindi solusyon ang hiwalayan." Sagot nito sa kanya.

"Salamat po, Papa. kahit ako'y nagkamali inintindi niyo parin ako."

"Anak na rin kita, Lowell. Lilipas din yan."

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon