Chapter Twelve

3.9K 129 4
                                    

Isang silk crepe asymmetrical one shoulder bodice na may detachable sheer tulle overskirt wedding gown ang suot ni Natalia na dinesenyo ni Jhoan Valdez, isa sa mga pinakasikat fashion designer.

She really looked so elegantly beautiful. Pinusod ang kanyang buhok na parang princessa at may maliliit na bulaklak sa sides.

Ito na ang pinaka-aantay na araw ni Lowell ang maikasal sa dalaga. Sa tulong ni Gerlie Cadio isang tanyag na wedding planner at ang assistant nito na si Bajo Sheryl Fee, lahat ay pinaghandaan talaga ng mabuti, mula sa decorasyon, simbahan,venue ng reception, mga bisita at marami pang-iba.

Ang five layered clay cake ay inorder pa nila sa isang sikat na pastry chef, ang cute talaga ng design na iyon, tulad nila Lowell at Natalia na bubbly couple.

Kung bubbly nga ba sila!

Nakaharap si Natalia sa salamin, maigi niyang pinagmasdan ang kanyang kabuuan. Napangiti siya, at naalala ang kanyang ina. Naalala niya ang pag-uusap nila noong nabubuhay pa ito, tungkol sa prinsepeng darating sa buhay ng isang prinsesa tapos ma-i-inlove at gaya ng fairy tale; they lived happily ever after.

Kung may happily ever after ba talagang naghihintay para sa kanilang dalawa.

"Anak..." Tawag ni Señor Crisostomo sa kaniya. Nilapitan siya nito mula sa likuran, nakaharap silang mag-ama sa salamin. "Ikaw ang pinakamagandang bride na nakita ko..." anito at ngumiti, "Well maliban sa Mama mo."

"S-salamat Papa... Do you think that I will be a good wife to Lowell?" Tanong niya sa ama.

Isang tanong mula sa kaniyang puso.

"Oo naman! I know you will, kampate ako't siya ang magiging asawa mo bagamat ay hindi naging maganda ang unang pagtagpo niyong dalawa, but I can see that he loves you very much..."

"H-he loves me? W-wala naman po siyang sinasabi... And I don't know kung mahal ko din ba siya..."Aniya sa ama sa malungkot na boses. "Hindi ako siguro sa lahat ng ito."

Hinaplos ni Señor Crisostomo ang magandang mukha ng kanyang anak. "Why don't you give Lowell a chance... try getting to know him well. And try to open your heart--- to love him."

Natalia took a deep breath, at ngumiti sa kanyang ama. "Ok... Pa I'll try...wala naman akong choice di ba? Besides narito na ito. I might just as well face the truth that this is my fate."

"I know he will take care of you..." Sabi ng kanyang ama at hinalikan ang kanyang noo bago ibinaba at ayusan ang kanyang belo.

---------

Sa loob ng simbahan ay excited na excited si Lowell at di mapakali habang hinihintay ang kanyang bride. Kasama ang kanyang pinsan si Chester na siyang bestman niya.

"Lowell, pwede bang maupo ka muna, ako ay nahihilo sa iyo." Ani Chester sa kanya.

"Excited lang talaga ako Pinsan! Sa wakas magiging asawa ko na si Natalia." Sagot niya.

"Eh pinilit mo kaya!" Anito. "Pinikot sa mas madaling salita!"

"Eh kung tadyakin kaya kita diyan!" Asik niya sa pinsan.

"Woah! Hahaha! Biro lang.. Tsk! Balato mo sa akin mamaya yung maid of honor ng bride mo ah! Dapat mamaya ay si Maricel ang makasalo ng boquet, at sa akin mo ihagis ang garter!" Tatawa-tawang wika nito.

"Eh kung lapitan ko kaya si Escala para matahimik ka diyan!" payo niya sa pinsan.

"Huwag! Ayoko! biro lang!"

"Andito na ang bride!!!!" Tili ni Mona, isa sa mga abay.(Hehehe)

Parang baliw si Lowell hindi alam ang gagawin, ang ngiti nito ay abot hanggang tainga, masayang masaya siya, ang akala niya ay hindi na darating si Natalia.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon