Chapter Twenty three

4.9K 135 6
                                    

SAY YOU LOVE ME

Written by: Kimmy

-Chapter Twenty three-

"ANO ba ang pinagsasabi mo?" sita niya kay Lowell nang samahan siya nito sa loob kusina. Silang dalawa lang ang naroon.

"Ang alin?" Nagmamaang-maangan nitong balik tanong.

"Tsk! Yung mga ligawan thing na yan!" Sagot niya.

"Ah yun ba?" at dahan-dahan itong humahakbang papalapit sa kanya. Umatras naman siya sa bawat hakbang nito hanggang sa na-corner siya nito sa isang sulok ng kusina. Ngumiti ito sa kanya at habang pinakatitigan ang kanyang mukha.

Napalunok siya at sa sobrang lapit nito ay amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito at perfume na gamit. Hindi niya maiwasan ang mapatitig sa labi ng asawa na noong isang gabi lang ay kahalikan niya.

"I missed you," bulong nito sa kanya at hinaplos ang nito ang gilid ng kanyang mga labi gamit ang hintuturo nito. Hindi siya agad makapagsalita, aminin man niya o hindi na-miss niya rin ito. Akmang hahalikan siya ngunit agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Stop it..."  anas niya, sa wakas ay nagkaroon siya ng lakas ng loob magsalita.

"Why? I know you miss me too." Malungkot nitong sabi.

"Haven't I told you that I will file for an annulment?" saad niya ngunit mahina lamang iyon na para bang ayaw na niyang sabihin.

Agad nagbago ang ekspresiyon ng mukha ni Lowell at binitawan siya. "Hindi matutuloy ang annulment na yan." Mariin nito sagot. "Cause hindi ako papayag. I won't cooperate, bahala ka. I just want you to know I will do everything to win you back. I love you and I know you still love me too..."

"What made you sure na mahal parin nga kita?" she looked at him with blank expression trying to hide ang totoo niyang nararamdaman.

"I felt it that night when I held you in my arms again. Your kisses, your touch... everything!" anito sa kanya.

"We used to do that before Lowell, pero walang ibig sabihin iyon. Siguro I just missed the feeling of having sex," malamig niyang tugon.

"Ows talaga?" Walang kung anu-ano ay hinapit siya nito sa bewang at kinuyumos ng halik ang mga labi. Sa labis na kabiglaan ay hindi siya nakagalaw. Lowell is a good kisser, sa bawat galaw ng mga labi nito ay nagpapawala kay Natalia sa kanyang katinuan. That kiss tasted so sweet that she could not help herself but kiss him back.

"See I told you! You still love. Don't worry I'll wait until you'll say you love me too..." napadilat si Natalia ng marinig niyang magsalita si Lowell tapos na pala ang matamis na halik na kanilang pinagsaluhan.

Ngumiti pa ito ng nakakaloko at kumindat pa sa kanya bago ito tumalikod at naiwan siyang nakatulala. (Hahaha)

Pangiti-ngiti si Lowell nang lumabas papuntang garden. Ang ganda ng araw niya, masilayan lang ang magandang mukha ng asawa ay kompleto na ang araw niya.

"Daddy!" tili ni Baby Noelle at lumakad papunta sa kanya.

"Kilalang-kilala ka na ng anak mo Hijo." Wika ni Senyor Crisostomo.

"Oo nga Papa," nakangiting tugon niya at binuhat ang anak. "Hindi na ako magtatagal Pa, I need to go back sa office."

"I see, pagpasensiyahan mo na lang asawa mo. I know mahal ka pa rin nun, she was just blinded by her anger. Don't worry I'll talk to her."

"Naiintindihan ko naman siya, I know it was all my fault, kaya I won't give up easily. I promise to win her back," aniya sa byenan.

"That's the spirit! Alam ko naman na mahal mo talaga ang anak ko. I'll help you out Hijo, I'm on your side hindi ako papayag na lalaki ang apo kong hindi buo ang pamilya."

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon