Chapter Ten

3.9K 123 3
                                    

Sa isang fancy restaurant nagpunta sina Lowell at Natalia. Pinagbigyan ng dalaga ang binata upang hindi ito magsuspetso sa kaniyang plano. Kailangan pakisamagan niya ito gaya sa pagpayag niyang kunwa'y magpapakasal siya dito.

Sa buong dalawang buwang natitira, pakikisamahan niya ito ng maayos at sa huli ay aalis din siya papuntang Canada ng walang paalam kahit pa sa kanyang ama.

Masama na kung masama!

Inakay siya ni Lowell sa isang bakanteng mesa at pinaghila siya ng silya. So far, wala naman mairereklamo si Natalia, indeed Lowell is a gentleman. Kahit pa tabi silang natutulog, ni minsan hindi siya nito ginapanagan o hinawakan man lang ang dulo ng kaniyang daliri o buhok.

"Anong gusto mong kainin, Honey?" Malambing nitong tanong sa kanya. Para namang gustong matunaw si Natalia sa praan ng pagtitig ng binata sa kaniya. Nakangiti itong nakatitig sa kaniya.

"K-kahit ano na lang..." nag-iwas siya ng tingin. "Hindi naman ako maarte sa pagkain..." Nahihiya niyang sabi sa binata.

"Ok wait... Waiter!" Tawag ni Lowell sa waiter at agad naman itong nilapitan ang kanilang mesa.

"Yes, sir? What's your order?" Tanong ng waiter.

Saglit nag-isip si Lowell at tinuro ang kanilang makakain. Habang umu-order ang binata ay hindi maiwasan ni Natalia na pagmasdan ang mukha nito. May biglang sumagi sa kanyang isip parang nakita na niya ito noon, kaso iba ang lalakeng iyon kasi nakasalamin at braces. Impossibleng magiging si Lowell ang nerd na nakilala niya noon.

flash back...

High school retreat...

Hindi sinasadyang mahulog sa bangin ang dalagitang si Natalia, ilang oras na siyang sumisigaw ngunit walang nakakarinig sa kaniya.

"Papa!" Sigaw niya habang umiiyak. Masakit rin ang kanyang paa at mukhang na sprain yata ito.

"Tulong!"

"Pakiusap tulong! May tao ba diyan?! Tulungan niyo ako!" Nagsusumigaw pa rin siya hanggang sa tuluyan na rin siyang napagod.

"Sana hindi na lang ako sumama sa retreat na 'to..." Niyakap niya ang sarali habang nakaupo sa isang sulok.

Dumidilim na ang paligid at takot siya sa dilim!

Kinilabutan si Natalia sa takot dahil sa naririnig niyang mga umaalingawngaw sa paligid. Pati din ang ingay ng mga tipaklong, palaka at ibang insekto.

"Papa... mama..." pabulong niyang sabi at mas hinigpitan ang yakap sa sarili. Gutom, uhaw at sobra na rin siyang pagod. Masakit rin ang kaniyang namamagang paa. Paano nga ba siya aalis dito, kung wala namanng katao-katao maliban sa kaniya.

Ilang oras pa ang lumipas nang may naaninag na liwanag si Natalia mula sa itaas. Liwanag na galing sa isang flashlight. 

"Tulong! May tao ba diyan?! Pakiusap tulungan niyo ako!" sigaw niya, tama lang para marinig siya ng taong nasa itaas.

Ilang segundo lang at nakarinig siya ng yapak. Sumilip ito sa madilim na na bangin kung saan siya naroon.

"N-natalia!" Isang boses ng binatilyo.

"Tulong... please tulungan mo ako!" Sigaw niya dito.

"Saglit!"

"Hindi ako makatayo... please tulungan mo ako..." Pagmamakaawa niya sa binatilyo.

"Oo sandali... Itatali ko lang ang lubid sa puno. Hintayin mo ako... kukunin kita diyan." Sagot nito mula sa taas. "Iililigtas kita!"

May hinagis ang binatiyo, isang lubid at bumaba ito para kunin siya.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon