Chapter Thirteen

4K 120 2
                                    

SAY YOU LOVE ME

Written by: Kimmy

-Chapter Thirteen-

CEBU PART 1

ALAS siete na ng umaga nang magising si Lowell, pakiramdam niya ay isang taon siyang di nakatulog. Napabangon siya sa kama nang maalalang honeymoon pala nila kagabi, pero natulugan niya ang kanyang bride.

Nakakadismaya naman...

Agad namang hinanap ng kanyang mga mata si Natalia, baka kasi iniwan na siiya nito.

Nakahinga siya ng maluwag nang makitang mahimbing itong natutulog sa kama. Sa kaniyang tabi! Napangiti siya at umusod palapit dito. Pinabusog niya ang kanyang mata sa kakatitig sa magandang mukha ng kanyang asawa. He is indeed one hell of a lucky guy!

Naalala niya ang ganitong tagpo noong si Natalia ang humalik sa kanya. "Na aalala mo pa ba ang pangit na nakasama mo sa bangin?" Bulong niya.

Parang narinig naman ni Natalia ang kanyang sinabi at gumalaw ito, mukhang gigising na rin. Muling ipinikit ni Lowell ang mga mata at kunwari ay natutulog.

Inunat ni Natalia ang dalawang braso bago dumilat. Napangiti siya sapagkat ang gwapong mukha ng asawa niya ang unang nakita. "Alam kong ikaw yun..." Piping usal niya at ngumiti. Tulog pa naman ito kaya naisipan niyang titigan ang katabi.

Subalit nagulat siya nang biglang dumilat ng mata si Lowell. "Hello honey, good morning!" Anito sa kanya.

Sa gulat ni Natalia ay nataranta siya kaya nahulog siya sa kama. "Aray..." mahinang daing niya. Agad naman bumangon si Lowell at nilapitan siya para tulungan.

"Sorry, honey ko .. 'di ko sinasadyang gulatin ka!" natataranta itong hawakan siya sa braso para alalayang makatayo. "Saan ang masakit?"

"I'm fine... medyo masakit lang ang balakang ko."

"I'm sorry..."Anito at hinalikan ang kanyang noo.

Napa-blush si Natalia sa ginawa ni Lowell. Hindi naman siya dating ganon siguro dahil nalaman na niyang si nerdy boy pala ito, na siyang asawa na niya ngayon.

"Uyyy... are you blushing? Ang pula ng pisngi mo!" Tukso ni Lowell sa asawa nang makitang nakayuko lamang si Natalia at pulang-pula ang mukha.

"Tseeee!" Sabay hampas nito sa kaniyang braso.

"Aray! masakit honey!"

"Hindi lang hampas ang matitikman mo! Umayos ka kung ayaw mong ma-manny pacquiao kita!" Biro ni Natalia.

"Abah eh kung boxing gusto mo honey 'di kita uurungan! Pero ibang boxing ang gusto ko!" Mas lalo itong ngumisi.

Mas lalo namang namula si Natalia alam niya kung ano ibig sabihin ng asawa kaya tinulak niya ito palayo sa kanya at tumayo. "Diyan ka na nga! Pervert!" Kunwa 'y galit niyang asik at dire-diretsong pumasok sa loob ng banyo at pigil ang kilig. (Loka! Hahaha)

"Honey! joke lang yun! Maghanda ka na, kailangan na nating pumunta ng airport." Sigaw ni Lowell mula sa labas ng banyo.

"Tseee! Umalis ka na at maliligo na ako!"

"Ok hon..." Pailing-iling ng ulo si Lowell habang nakangiti.

---------

Nasa NAIA 3 silang mag-asawa at nag-check-in. Nakashorts na kulay pula ang suot ni Natalia na pinares niya ng fitted white sando at puting snickers. Pinusod niya ang kanyang buhok at nagsuot ng shades. Si Lowell nama'y naka shorts ding maong na kulay kake tinernos ng puting tshirt at puting snickers rin. (Ayiiieee :3 ternuhan lang ang mga peggy!)

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon