Chapter Seventeen

4K 113 3
                                    

SAY YOU LOVE ME

Written by: Kimmy

-Chapter Seventeen-

GAYA NG binilin  ni Natalia kay Lowell, iniwasan nga niya si Juliet. Ngunit hindi pa rin maiiwasan ang pagkakataong makakasama't makakasama pa rin niya ang dalaga, lalo pa't parte ito ng kanyang kompaniya.

They need to work together for the company's benefits! And other than that, WALA!

Juliet was his childhood sweetheart, but he forgot all about her. He was young back then and doesn't know anything about true love, maliban na lamang nang makilala niya ang kanyang asawa.

Natalia is the love of his life...

But not for Juliet, hanggang ngayon ay may gusto pa rin ito sa kanya. She wants Lowell, and it doesn't matter kahit kasal pa ito.

Matuling dumaan ang mga araw, wala namang pagbabago sa relasyon nilang mag-asawa. Mas nagiging sweet pa nga sila at mas lalo rin lumalalim ang pagtitinginan nila sa isa't isa.

-------

Nagising si Natalia sa mainit na halik ng kanyang asawa. Every morning he would wake her up with his warm hugs ang kisses. Parang honeymoon lagi iyon para sa kanila.

"Hmmm... Good morning honey!" Nakapikit na bati ni Natalia sa asawa. Tinatamad pa rin siyang bumangon.

"Rise and shine hon! I have a surprise for you!" Malambing na anas ni Lowell sa kaniyang punong tainga.

Papungas-pungas ng mata si Natalia, excited makita kung ano ang surpresa ng asawa. When she saw her husband's face, she gave him a quick peck on the lips.

"I just love waking up every single day, ikaw ang una kong nakikita." Titig na titig siya sa guwapong mukha nito at hinaplos iyon. Trailing her fingers from his forehead to the tip of Lowell's nose.

"Me too hon... I just kept on falling in love everyday with my beautiful wife. I love you and I won't get tired of loving you."

"Talaga? I love you too."

"Oo naman."

"Eh saan na yung surprise mo?"

"Ah! Yeah wait, pikit ka muna..."

Pumikit si Natalia at di mapalis ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

"Tadah! Breakfast in bed. Ako nagluto niyan!" Pagmamayabang ni Lowell sa kanya.

Dumilat siya ng mata. Dalawang sunny side up egg at bacon na pinorma ni Lowell na mukha na nakangiti. May fresh orange juice din ito at tatlong piraso ng medium-sized na pandesal.

"Oh honey! Thank you am so touched. Hmmm... If I know si Manang Margie may luto niyan." Biro niya.

"Hindi ah! Ako talaga may luto. Marunong kaya akong magluto."

"Deh! Biro lang. Alam ko namang magaling ka sa pagluluto. Lumalaki na nga bilbil ko eh." Natatawang sabi ni Natalia.

"Hahaha! Syempre ako pa! Kahit lumobo ka pa, mamahalin pa rin kita!"

"Ayiiiieeee! Ang sweet naman ng honey ko." Kinikilig na turan ni Natalia at hinalikan ang tungki ng ilong ng asawa.

"Sige kumain ka na."

"Sabay tayo." Aniya sa asawa at nagsimula kumuha ng pandesal at pinalaman ng itlog, inalok niya iyon kay Lowell at nakikain rin ito. Masaya silang nag-breakfast sa kama nang umagang iyon.

"Ah hon, mamaya pala baka gagabihin ako ng uwi, inventory kasi ng botique. Ang dami kong pending, pero don't worry naroon naman sina Alicia at Viviane." Ani ni Natalia.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon