Chapter Three

5.3K 166 2
                                    

"Sige, kunin mo na mga gamit mo," utos ni Lowell sa dalaga. Sinenyasan nito ang kanyang isang tauhan upang ilabas si Señor Crisostomo.

"S-salamat..." Nanginginig na sagot ni Natalia. Kumalas ito sa pagkakahawak sa kamay ng binata. Umiiyak siyang tinakbuhan ang ama upang yakapin nang makita itong ibinababa mula sa van. Bilang isang anak, awang-awa siya sa kaniyang ama.

"Anak! h-huwag kang sumama sa kanya! Handa naman kasi akong makulong anak." Pagsusumao ni Señor Crisostomo sa anak niyang si Natalia at buong higpit na niyakap.

Natalia just nodded her head and bitterly smiled at her father.

"I'll be fine Papa..." Pinilit niyang maging matatag. Kahit ang sakit pero pinipilit pa rin niyang ngumiti. Kumawala siya sa yakap ng kaniyang ama at tinungo ang kaniyang mga gamit sa loob ng kaniyang kotse pagkatapos ay kinuha ang mga ito. Pinilit namang agawin ng kaniyang ama ang kanyang mga bagahe.

"Huwag anak! Lowell! Wag ang anak ko pakiusap!" Wika nito at nilapitan ang lalake. Akmang luluhod ang Señor, ngunit maagap siyang pinigilan ni Natalia.

"Papa aalis na ako...huwag kang mag-alala...kaya ko ang sarili ko..." Lumuluhang wika niya at sa huling pagkakataon ay niyakap niya ang kaniyang ama bago pumasok sa loob ng Van ni Lowell at umupo sa tabi nito. Nakita niya ang hirap ng kalooban ng kaniyang ama habang nakaluhod itong umiiyak, tinatanaw ang van na kaniyang sakay. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak na lamang.

------

Tahimik siyang lumuluha habang nasa tabi niya ang binata. Si Lowell naman ay di naman mapakali, nakokonsensiya ito sa ginawang panggigipit sa mag-ama. Hindi man niya kagustuhan iyon ay wala na siyang ibang maisip na paraan, aminin man niya o hindi, ubod kasi siya ng torpe kaya dinadaan niya sa dahas. Yung mga lalakeng kasama niya, binayaran niya lamang ang mga iyon para sa acting na kaniyang plinano.

"Oh..." Untag niya sa dalaga sabay abot ng panyo. Ngunit hindi siya pinansin nito bagkus ay itinuon ang mga mata sa labas ng bintana. What would he expect anyway? Alam niyang galit ito sa kaniya.

Napahalukipkip na lamang siya at kibit balikat napabuntong hininga at hinayaan na lamang ang dalaga. Ilang saglit pa ay namalayan ni Lowell na nakatulog na pala ang dalaga sa kakaiyak at akmang babagsak na ito paharap kay agad niya itong sinalo at inihiga ang ulo sa kanyang kandungan. Hinaplos-haplos niya ang malambot nitong buhok. Sa sobrang pagod siguro nito sa kakaiyak at kulang ng tulog kaya hindi napigilan ang antok.

Matagal na niya itong iniibig sukat noong high school pa lamang ito. Ang kaso ay hindi naman siya nito pinapansin. Kilala kasi siyang nerd sa sachool at dahil sa maganda ito at sorang bait pa. Kaya iyon ng dahilan kung bakit mas wala na talagang self confidence si Lowell upang lapitan ito. Lihim niya itong pinapadalhan ng bulaklak ngunit nauuwi lamang iyon sa basurahan. Hanggang tanaw lang ang nagagawa niya mula sa malayo.

Ngunit makalipas ang isang taon ay kinakailangan na nilang lumisan papuntang Norway, dahil doon na sila maninirahan ng kaniyang pamilya. Umalis ang binata na hindi man lang naipagtapat ang kanyang nararamdaman sa dalaga o kahit nagpakilala man lang.

Nang mag college siya ay nabalitaan niyang si Natalia ang naging kasintahan ng kanyang bestfriend na si Desmond. Parang gumuho ang kanyang mundo, at dahil sa heart broken at malayo ay pinilit niyang magbago. Iniba niya ang lahat sa kanyang itsura, pananamit pati mga kilos at ugali hanggang sa naging kaugalian na niya.

Kahit pa ay na broken-hearted siya sa dalaga ay nakikibalita pa rin siya dito, aminin man niya o hindi, hindi parin siya maka-move on. Nalaman niyang nag-break na rin ang dalawa sa 'di niya nalamang dahilan.

Ilang taon pa ang dumaan,nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas at maglagay ng branch ng kanilang business. At nung nalaman niya sa kaniyang tiyuhin na si Señor Medardo na naglalaro ang ama ng dalaga sa casino ay sinadya niya itong talunin at gipitin upang sa huli ang anak nito ang ihihiling niyang pambayad. At ngayon narito na si Natalia sa kanyang tabi. Sa madaling salita kasabwat niya ang tiyuhing si Señor Medardo.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon