Chapter Seven

4.3K 133 3
                                    

Narinig ni Natalia ang pagpasok ng kotse ni Lowell sa loob ng bahay, sa wakas dahil sa nakabili na siya ng pajama ay confident siyang harapin ang binata kahit pa ang matulog sa tabi nito. Bumaba siya sa salas at nakita niya ang binatang pasalpak na umupo sa couch. Para namang may kung anong humaplos sa kanyang puso nang makita niya ang binata, bahagyang niluwag ang necktie nito at pumikit habang sapo ang ulo.

He looked tired and exhausted.

"Masakit ba ang ulo mo?" Hindi niya matiis na tanungin ang binata nang lapitan ito.

Halos malaglag naman sa kinauupuan si Lowell sa labis na pgakagulat sa biglang pagsalita ng dalaga. Napahagikhik tuloy si Natalia itsura ng binata. Para kasi itong ewan...

"Hindi ka pala tulog?" Tanong ni Lowell at sinipat ang wrist watch na suot. "Alas nuebe y media na ah."

"Hinintay kasi kita..." Sagot ng dalaga.

Parang nanigas sa kinauupuan si Lowell nang marinig niya mula sa bibig ng babaeng minamahal na hinhintay siya nito. "T-talaga?" Naisatinig niya.

"Oo lika, kumain ka na ba?" Tanong ng dalaga sa kanya.

"Are you for real Natalia? Maybe am just dreaming!" Tanong niya.

"Baka naman gusto mong masapak kita Lowell nang magising ka!" Naiinis na untag nito sa kanya sabay ismid, nagpatiuna itong naglakad sa kusina. "Huwag mo ngang bigyan ng malisya."

"Oo na po!" Tatawa-tawang tugon niya.

Tahimik siyang sumunod dito habang hindi mapalis ang ngiti sa mga labi niya. Pinagmasdan niya ang dalaga, sexy pa rin ito kahit pa nakasuot ng pajama. "Mabuti naman..." bulong niya sa sarili. "At nakapajama ka na..."

"Anong binubulung-bulungan mo diyan?" Mataray nitong tanong sa kaniya.

"Ah ano kasi... kuwan... si Chester! Nakalimutan niyang ibigay ang monthly report ng department niya." Kaila niya sa dalaga.

Napatango-tango si Natalia. "I see, sige maupo ka na diyan." Utos nito sa kanya. Sabay bukas ng ref at inilabas ang cake na binili niya.

Naghain rin ito ng pagkain sa binata, dahil sa maaga itong umuwi ay nagprsinta ito kay Manang Margie na siya ang magluluto ng kanilang hapunan ni Lowell kaya maaga din nakauwi ang mag-ina.

Ang sarap ng pakiramdam ni Lowell habang pinagmamasdan niya si Natalia na pinagsisilbihan siya nito. Napangiti siya habang ini-imagine niyang mag-asawa na sila ni Natalia, at ito'y buntis, masaya silang kumakain sa hapag kainan, tas may dalawa pa silang mga anak.

Ang saya lang!

"Hoy! Kumain ka na! Kanina pa ako nagsasalita dito, para kang sira ulo paniti-ngiti diyan... may sayad ka na ata." Anito sa kanya.

"What!? Ako may sayad?! Wala ah!" Hindi parin mapalis ang matamis na ngiti sa kaniyang gwapong mukha. "A-ano pala ang sinasabi mo?"

"Mr. Santiago sabi ko ay kumain ka na... Thank you ko 'yan sa 'yo dahil sinabi sa akin ni Papa na dumami 'yung mga kliyente niya kasi ikaw ang nagrerecommend. Salamat ulit."

"Ah 'yun ba... wala 'yun... usapan natin yun 'di ba?"

Lumukot ang mukha ni Natalia. "Oo nga pala noh nakalimutan ko, anyway thank you parin." Sabay ismid nito sa kanya.

"Ang sarap... ikaw ba ang nagluto nito?" Pag-iiba niya ng kuwento.

Tumango lang ang dalaga. "Ang sarap talaga, Honey..." Sabay subo niya, ganang-gana siya sa pagsubo parang ngayon lang siya nakakain. Natawa si Natalia nang mabilaukan na sana ang binata.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon