Chapter 6

340 10 0
                                    

   Kinagabihan nasundang muli ang kanyang panaginip. Nasa mountain silang dalawa ni Aggriaco. Magkahawak kamay habang binabaybay ang daan patungo sa luntiang damuhan.
Nang marating nila iyon napahinto sila sa paglalakad. Naramdaman nyang pumulupot ang mga bisig ni Aggriaco sa kanyang bewang. Di nya malaman kung anu ba talaga ang ang tunay nilang relasyong dalawa.
"Ang ganda nmang pagmasdan ng mga damong sumusunod sa saliw ng hangin Aggriaco. "Ang masaya nyang ani habang yakap nito.
"Oo Meilina. Maganda nga gaya ng iyong kagandahan ...."wika nito na kumalas saka sya pinaharap rito.
Napatitig sya sa mga mata nito. Matiim iyon kung makatitig sa kanya. Dama nyang atraksyong naramdaman nito.
  Di nya napigil ang kamay na haplusin ang mukha nito. Naramdaman nyang hinawakan nito ang kanyang kamay saka dinala sa mga labi.
Maingat nitong dinampian ng halik ang likod ng palad nya. Sending her shiver. Halos pangapusan sya ng hininga ng hapitin sya nito saka marahang hinalikan sa labi. Napakapit sya sa leeg nito. Dahil may kataasan medyo yumuko ito para magpantay ang mukha nila. 5'4 inches lamang lang height nya. At ito ay masyado ng matangkad para sa kanya.
   Naramdaman nyang umangat sya sa ire. Magkahugpong pa rin ang mga labing pinangko sya nito ng tuluyan at dinala sa isang mala alpombrang tela na malapad. Di nya iyon napansin kanina. Di nya na kukulitin ang kanyang utak paano nagkaron ng ganon sa madamong bahagi ng mountain.
   Ibinaba sya roon ng lalaki.
"Mababaliw ako Meilina kapag di ka pa tuluyan naging akin... "ang mahinang usal nito. Tumitig ito sa kanyang mga mata. Para syang nabato-balani rito. Wala syang maapuhap sa bibig na salita para sabihin rito.
Hinawakan nitong mukha nya gamit ang dalawa nitong palad. Saka sya mariing hinalikan. Nakakaliyo ang mga halik at yakap nito.Naeengganyo syang punan ang mga pananabik nito.
Nakahanda syang ibigay ang nais nito ngunit bigla itong huminto saka
Napaupo ito.
"Hindi ko kayang kunin ang bagay na di pa talaga para sa akin Meilina. "Ang wika nito saka sya binalingan. Iniabot nito ang kamay sa kanya na agad nya namang tinanggap ng walang namutawing salita sa kanyang bibig.
Kahit nagtataka sa inasal nito di na sya nagtanong pa rito.
"Halika may pupuntahan tayo "ang ani nito na hinila sya paalis sa lugar na iyon.
Napahinto sila ng makita nila ang mahabang parang lubid na may kaitiman. Ngunit sa paningin ni Meilina isa iyong napakahabang buhok na itinirintas. Di nya makita ang pinakadulo nyon. Nasa labi kasi ng malaking ibon ang parang buhok na lubid.
"Halika na kumapit ka Meilina. "Ang narinig nyang wika nito.
Nakahawak na ito sa lubid ng balingan nya. Kahit medyo alanganin sa gagawin hawakan nya iyon. Napakapit sya doon ng mahigpit. Para bang any moment mahuhulog syang bigla.
Naramdaman nyang umangat silang dalawa ni Aggriaco mula sa lupa. Hanggang sa nasa himpapawid na silang dalawa. Kapwa sila napapailag kapag may puno silang mababangga. Minsan napapapikit pa si Meilina kapag tila para syang mahuhulog or mababangga. Di kataasan ang lipad nilang dalawa. Hanggang lampas tao lamang ang taas ng kanilang lipad.
Maya maya may nakita syang bahay na di masyadong kalakihan. At maraming tao sa labas nalampasan nila iyong iba.  But di nila nailagan ang ulo ng mga taong nakatayo sa kanilang lalandingan ni Aggriaco.
"Sorry po.... "ang sabi ni Meilina ng maapakan nila iyong ibang ulo ng mga tao. Lumanding sila sa mismong grupo ng mga tao sa labas ng bahay.
   Kilala ni Aggriaco ang mga iyon. kilala sya  ng mga ito pero sya di nya maapuhap sa kanyang utak kung sino ang mga ito.
  Napatungo sila sa likod ng bahay. Nakita nya ang isang lalaking may hawak na manok . Ngumiti ito ng makita silang dalawa ni Aggriaco. Agad nagyakap ang mga ito. Nakangiti lamang na nakamasid si Meilina.
"Pare si Meilina... "ang pakilala ni Aggriaco.
"Yes. Kilala ko na yan Griaco. "Ani nito saka napatawa.
"Halika Meilina pasok tayo sa bahay "ang sabi nito.
"dito na lang muna ako "ang tanggi nya. Di sya nito pinilit.,pumasok ito sa loob. Sya naiwan sa labas. Di nya naaalala na nagawi na sya sa lugar na ito. pero bakit parang kilalang kilala sya ng mga tao dito.
    Nagising sya bigla sa busina ng motor na susundo sa kanya.
"7am na pala ng umaga "ang mahina nyang sabi ng tingnan ang pambisig na relo. Nagmadali syang bumangon saka nag-ayos ng sarili. Saka agad inimis ang mga gamit at inilock ang kubo ng abuelo.

LOVE AFFAIR IN DREAMWORLD(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon